"Busy ka ba, doktora?"
Hindi ko tinignan yung kaibigan kong naghahanap nanaman ng atensyon kaya pumunta dito sa opisina ko. Ibinalik ko yung atensyon ko sa medical record ng pasyente ko na kailangan kong ireview bago ang surgery. Mahirap ng hindi ko ireview baka mamaya in the middle of the surgery biglang may mangyari dahil may sakit pala or what yung pasyente ko that I'm not aware of.
"Ang panget mo kapag naka kunot ang noo mo. Para kang stress na stress, doc." Dagdag pa ni Laila at tuluyan ng pumasok sa office ko.
Madalas dumalaw saakin ang mga kaibigan ko due to my busy and tight schedules. Madalang na din naman kami mag kita kita dahil may mga sari sariling buhay na din naman kami. But when we can, we set lunch or dinner meetings to catch up on each other dahil may shared company din naman kami.
"Anong parang stress na stress? Stress talaga." Binitawan ko na yung medical record ng patient ko after reading it for the nth time para maisa ulo ko yung mga dapat tandaan.
I sighed at dumukdok sa table ko. Pinili ko namang maging doctor kaya paninindigan ko 'to. At the end of the day, pag may nasagip naman akong buhay sobrang worth it lahat ng sleepless nights at stress knowing na walang pamilya ang mawawalan ng mahal sa buhay is enough for me.
"May alam akong makakawala ng stress. The best daw ito." May sinenyasan si Laila na pumasok sa office ko.
"Surprise, Mommy! Hi! I'm here!"
Totoo ngang nakakawalang stress the surprise visit of my five-year-old daughter, Lilibeth Rose.
Her dimpled smile just like her Mama, her big round eyes, and her tiny high pitched voice.
"Hi, sweets! I missed you, my Lily. Wait lang muna. Mag alcohol muna si Mommy." Dali dali kong kinuha ang alcohol na nasa shelf sa gilid. Halos paliguan ko na yung sarili ko ng alcohol just to make sure na wala akong maipapasang bacteria sa anak ko.
As soon as nakapag alcohol na ako at nahubad ko na yung coat ko. I hugged my daughter tightly and smothered her with kisses.
"Diba na kay Tito Anton ka?"
"Tita Lai picked me up and we had some ice cream. I asked her if we can visit you because I missed you and she said, yes." My daughter smiled sweetly at me.
Hawig na hawig ka talaga ng Mama mo, anak.
Laila just gave me a alam-mo-naman-na-hindi-ako-makakatanggi look. Alam ng mga kaibigan ko na ayaw na ayaw kong dinadala sa hospital yung anak ko dahil marami siyang pwedeng makuhang sakit dito. Especially, kung bibisitahin lang ako.
Wala akong pake kung sabihan akong over protective kasi totoo naman. Ayaw naming mag asawa yung magkakasakit ang anak namin so we promised to try to keep her from visiting me at the hospital.
"Kamusta naman ang ating AB Airlines?" Umupo kami ni Laila sa sofa sa office ko dahil si Lily ay nasa office chair ko na at naglalaro na sa kanyang ipad.
"You have nothing to worry about. Kami na nila Charter ang bahala dun sa isa niyo pang anak. Basta ikaw, dito ka sa hospital at kay Lily." Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kung wala yung mga kaibigan ko sa tabi ko.
To me and my wife, they are our brothers and sister.
To my Lily, they are her second parents.
"Ikaw, kamusta ka naman?" I quickly avoided her look. Dahil hindi ko alam kung ano ang dapat na isagot ko sa tanong niya. Pati rin ako naguguluhan sa sarili ko.
A part of me wants to move on sa nangyari. Para bang ninety-nine percent of me wants to let go of what happened, to accept everything, and move on with the life I have now. But there's this one percent that got me every time.
Every freaking time.
"I'm okay naman. Not great pero okay. Para kay Lily. I need to be okay. My daughter needs me. I can't give up." I gave Laila a not so convincing smile.
Alam kong alam niya na merong hindi totoo sa mga sinabi ko but to my surprise hindi niya na ako pinilit pa.
Sa limang taon ba naman na paulit ulit niyang tinatanong iyun at paulit ulit lang din naman ang sagot ko sa kaniya siguro na bingi na din ang tenga niya.
Dapat lang.
Laila looked at her wrist watch. "Tapos na yung shift mo ah. Hindi pa ba kayo uuwi?"
Oo nga pala. Hanggang five o'clock nga lang pala duty ko ngayon. "Uuwi na din kami. Aayusin ko lang yung mga gamit ko." Sinimulan ko nang ayusin yung mga gamit ko. Ayaw ko ng aalis ako ng magulo ang mga gamit ko.
"Kung ganun, I'll go ahead na. Dadaan pa ako sa office natin naiwan ko yung laptop ko dun." Laila kissed Lily's forehead.
I gave Laila a goodbye hug. "Ingat ka ah. Text me kapag naka uwi ka na."
"Yes, doc. Bye, Reese. Bye Lily!" Laila waved goodbye to us as she walked out the door.
Hindi rin nagtagal at umuwi na din kami ni Lily. Lahat ng makasalubong namin na staffs ng hospital binabati kami. Mas kaclose ko pa yung mga nurse kasya sa ibang doctor dito sa hospital. In short, the nurses are my favorites. Because they help us doctors and do a lot more than what other people think.
May reserved parking for doctors sa harap ng hospital. I held Lily's tiny hand as we walked out of the hospital and into my car.
"Mommy?" Lily asked as I buckled her on her carseat.
"Yes, sweets?"
"When I grow up. I wanna be like Mama. I want to fly airplanes and travel the world!" I can't help but to smile. I can already imagine Lily in a pilot uniform.
Just like what her Mama is wearing when I first met her.
Sumakay na ako sa sasakyan at nag drive pauwi sa condo namin. Wala pa naman kaming sampung minuto sa byahe nakatulog na agad si Lily. Kitang kita ko na mahimbing ang tulog ng anak ko sa rearview mirror.
Hanggang sa hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa mga mata ko.
Halos apat na taon na pala.
Apat na taon simula nung nawalan ng contact ang airport sa eroplano na sinasakyan ni Leona.
Apat na taon na akong umaasang buhay pa siya at babalik siya.
Apat na taon na ako at ang anak namin na nangungulila sa kaniya.
Apat na taon na ang nakakalipas pero ikaw at ikaw parin,
My Dear Captain, Sto. Tomas.
BINABASA MO ANG
Dear, Captain
FanfictionA LenRisa AU When Therese Navarro, a graduating medical student from Ateneo De Manila University fell head over heels after she accidentally bumped into Captain Leona Sto. Tomas who's just visiting a friend who's teaching on campus.