JESHYL
Pabagsak akong umupo matapos ang pagtatalo namin nina Amanda at Peter. Nag-aalala akong tiningnan ni Lylia pero ngumiti lang ako sa kaniya na parang walang nangyari. Hindi ako magpapaapekto sa mga sinabi ni Peter. Nararamdaman ko rin naman sa mga ikinikilos nila na ampon lang ako.
"Girl, are you okay? Sinabi ko naman kasi sa iyong huwag mo na silang patulan pa. Alam mo namang bawal sa iyo ang stress pero hindi ka pa rin nagpapigil. Nag-aalala ako sa iyo at sa kalagayan ng baby mo. Paano na lang kung may masamang nangyari?" nag-aalang sabi niya sa akin.
Dumating na ang order namin kaya hindi na ako sumagot kay Lylia. Umalis na rin ang mga nakikinood kanina sa labas kaya dapat lang na bumalik at umakto ako na parang walang nangyari. Pumunta kami rito para kumain at iyon ang dapat naming pagtuunan ng pansin.
"Jeshyl, dahan-dahan lang sa paglunok. Wala kang kalaban dito. Be sure to chew it well before swallowing. Puwede tayong kumain dito hanggang sa mabusog ka kaya kalmahan mo lang. Hindi tayo nagmamadali," muling sabi ni Lylia.
Tumango na lang ako. Hindi ko lang mapigilan ang sarili dahil nagutom ako matapos makipagtalo kanina. Para bang naubos ang lakas ko kahit ang ginawa ko lang naman ay tumayo at sumigaw sa kanila. Gosh! Hindi pa rin ako nasasanay. Siguradong sinisipsip na naman ng baby ang lakas ko kaya ako nanghihina. "I'm done," kaswal na sabi ko bago bitiwan ang kubyertos sa plato.
Mabilis din nilang inubos ang pagkain at nang makapagpahinga ay si Lylia na mismo ang nagyaya na umuwi na kami. Hindi na ako nagreklamo pa dahil ramdam ko na ang pagod sa katawan ko. Gusto ko na lang humiga at matulog sa kama.
"Girl, are you serious about it earlier? Talaga bang may copies ka ng pictures at videos ni Tita Amanda? Will you upload it or are you just trying to scare her? Look, I'm sure there will be a lot of reporters waiting for that. And if you're just making up stories, they'll make fun of you all the time," nagtatakang tanong niya nang makarating kami sa kotse.
I was about to take a nap when Lylia asked me a question. I opened my eyes and leaned back my head a little bit before answering her. Muntik ko nang makalimutan ang bagay na ito dahil sa pagod. Mabuti na lang at nabanggit niya. "Of course, I will upload that. Nakita mo naman kung paano nila ako kausapin kanina, hindi ba? They don't treat me like their child, so I won't think twice about dragging them down. Sa bibig na rin ni Peter nanggaling na inampon lang nila ako sa pera," kaagad na paliwanag ko sa kaniya bago muling humiga.
Bakas pa rin ang pagtataka sa mukha ni Lylia. Mukhang nag-aalala talaga siya sa posibleng kahinatnan ng lahat pero wala na akong magagawa para doon. Nagsimula na ang laban kaya wala na itong atrasan pa. Kung bumagsak man sila, hindi ako ang dapat sisihin doon.
"Girl, don't stress out about them. I know what I am doing. Saka nakita mo naman, hindi nila ako tinutulungan. Wala silang pakialam kung mamatay man ako sa gutom hangga't kumikita pa rin sila. Nakakainis! Bakit ba kasi nagbabayad pa rin siya ng pera?" naiinis kong sabi.
Hindi ko maintindihan si Benedict. Oo, alam kong kinaiinisan namin ang isa't isa. Galit siya sa akin na hindi ko pinalaglag ang baby kaya bakit nagbabayad pa rin siya kay Peter? Hindi ba puwedeng tapusin na ang pagiging sex slave ko dahil hindi na rin siya nakikinabang? Ano bang nasa isip ng lalaking iyon?
"Anong ibig mong sabihin na nagbabayad ng pera? Sinong tinutukoy mo? 'Yung sinasabi mong bumili sa iyo para maging sex slave? Kilala mo ba siya? Ang sabi mo noon, hindi mo siya namukhaan. Nagkakausap pa ba kayo?" sunod-sunod na tanong ni Lylia. Naguguluhan ako sa tanong niya pero nang maalala ko ang sinabi niya kanina ay halos murahin ko na ang sarili ko. Buti na lang ay hindi ko nabanggit ang pangalan ni Benedict dahil kung hindi, katapusan na ng sikreto ko.

BINABASA MO ANG
Entice (SELF-PUBLISHED UNDER SANCTUM PRESS)
Lãng mạnMust Read: May contain Mature Content. Read at your own risk! COMPLETE | ROMANCE | YOUNG ADULT | R18 | When we experience pleasure in our bodies, we don't even know why it exists, and we become enslaved to it, unable to resist. Jeshyl Yzobel, the d...