Chapter 36

11 2 0
                                    

JESHYL

Nakikita ko nang malinaw ang panginginig ng katawan ni Lylia habang hawak ang cellphone. Kahit ako ay biglaang bumilis ang pagtibok ng puso. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya pero ipinagpapasalamat ko ito. Kung nagawa niyang kuhanan lahat ng naging pag-uusap namin ni Benedict, siguradong sapat na ito para paniwalaan nila ako.

"I-I didn't know you were like this, Benedict. I was wrong to trust you. Dalawang best friend ko pa ang pinaglalaruan mo. I will tell my dad everything and I will make sure that you will go to jail and rot your own corpse there!" malakas na sigaw ni Lylia.

Kaagad na nagbago ang mukha ni Benedict na tila ba lumabas ang demon side niya. Matalim siyang tumingin kay Lylia habang ikinukuyom ang kamao. Masama ang pakiramdam ko sa gagawin niya. Siguradong hindi niya pakakawalan si Lylia hangga't hindi nakukuha ang ebidensya na posibleng magdiin sa kaniya.

"Lylia, run!" kaagad na sigaw ko at kasabay nito ay ang pagtakbo ni Benedict.

Natatarantang pumasok si Lylia sa loob at mabilis din siyang sinundan ni Benedict.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na hubarin ang four-inch heels na suot ko bago mabilis na humabol sa kanila. Hindi puwedeng maabutan ni Benedict si Lylia dahil siguradong masasayang lahat ng pinaghirapan namin.

"Fuck! Run as fast as you can, bitch! I'm going to kill you!" galit na galit na sigaw ni Benedict habang tumatakbo pababa sa hagdan.

Walang ibang tao sa building na ito dahil abala ang lahat sa venue. Under construction din ang kabilang side kaya wala ring tumatambay. Tanging ako, si Lylia, at Benedict lang ang nagtatakbuhan kaya wala kaming ibang mahihingian ng tulong. Maliban na lang kung lumabas si Matthew at saklolohan kami.

"Fuck! You two are getting on my nerves. Shit!" daing ni Benedict nang batuhin ko siya ng heels at tinamaan siya sa likod.

Bahagya ring tumigil si Lylia at tumingin sa akin na nasa itaas pero sinenyasan ko siyang tumakbo. Kailangang makalayo siya kahit na anong mangyari. Ang video na hawak na lang niya ang tanging pag-asa para mabawi ko si Cairo. Hindi kami dapat mahuli dito.

Nasa gitnang palapag na ako habang si Lylia ay malapit nang makalabas sa building. Nang maging malapit na ang espasyo namin ni Benedict ay muli kong binato sa kaniya ang isa pang heels na masuwerteng tumama sa ulo niya. Bahagya itong dumugo kaya hindi ko na sinayang ang pagkakataon at nilampasan siya.

"And where do you think you're going? Do you think I'll really let you win? First, I'll kill you, then your best friends, and finally your son," may diing sabi ni Benedict matapos mahawakan ang kanang paa ko kaya natumba ako.

Ngumisi siya nang nakakaloko sa akin nang makatayo nang diretso. Pilit kong binabawi ang paa ko pero hindi siya nagpapatinag. Hindi na rin niya pinapansin ang dugong nanggagaling sa ulo niya. Para bang naging immune siya sa sakit na siyang nagpabilis pa sa tibok ng puso ko.

"You shouldn't have gone too far. Kung gusto mo pala ng anak, sana sinabi mo para gumawa ulit tayo. Hindi itong ginugulo mo ang buhay ko. But it doesn't matter anymore because I'm going to kill you so this will end and we can live happily ever after. Any last words?"

Nakangisi siya habang hinahatak ang katawan ko. Pilit ko naman itong binabawi sa pamamagitan ng pagtungkod ng dalawang braso pero hindi ako nagtagumpay.

Shit! I need to buy more time so Lylia can get out safely and ask for help. Come on, Jeshyl! You can bear it much longer. Tiisin mo para magkasama na kayo ni baby Cairo. Kaya mo 'yan!

"Ano na naman bang tumatakbo riyan sa makitid mong utak? Tatakas ka? Bilib din talaga ako sa lakas ng loob mo. Papatayin ka na nga pero sa halip na magmakaawa ay kung ano-ano pa ang iniisip mo. Nakakaawa ka talaga," dagdag pa niya.

Entice (SELF-PUBLISHED UNDER SANCTUM PRESS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon