Chapter 33

9 2 0
                                    

JESHYL

Walang tigil sa sunod-sunod na pagluha ang mga mata ko dahil sa nakikita. Hindi ko kailanman inasahan na ito ang magiging kapalit ng ilang buwang paghihirap ko. Kung alam ko lang na ito ang katapusan, sana hindi na ako lumaban mula pa noong umpisa.

Fuck! I'm hurting like crazy.

"My boy . . ." mahinang hagulgol ko habang yakap ang walang buhay na katawan ng anak ko. Sobrang dami ng nangyari sa akin pero hanggang ngayon ay mailap pa rin sa akin ang kapalaran. Ang anak ko na nga lang ang siyang pinaghuhugutan ko ng lakas pero maaga pang kinuha sa akin.

Tang ina! Wala ba akong karapatang maging masaya rito sa mundo? Habang buhay ba akong malulugmok sa pagdurusa?

"I-I'm sorry if I didn't protect you well. Please forgive your mommy for being careless. Cairo, I'm really sorry. You are my most precious gemstone in this world, but I was busy collecting stones. I forgot to take much care of your safety. I shouldn't be your mom. I'm sorry," paninising sabi ko sa sarili. Kung hindi sana ako ang naging mommy niya, siguradong buhay siya ngayon.

Fuck this life! Hindi man lamang nila pinaranas sa akin na maging masaya kasama ang buhay kong anak. Sobrang unfair na hindi nila ako hinayaang maging isang ina.

Shit! This hurts a lot more than I thought it would. Losing your own child can make you go crazy as hell.

"Ikaw ang nag-iisa kong liwanag na kinakapitan kaya paano na ako ngayong wala ka na? C-Cairo, please come back to your mom. I want to touch you. I want to see your innocent and angelic face. I want to hear your snore. I want to hear you cry. Come back, please. Make your mommy happy," naluluhang sabi ko habang hawak ang puting tela na nakataklob sa kaniya.

He was so young and he should be alive right now. He should be crying. He should be moving those tiny hands. Fuck! I want him so badly. I want my baby Cairo back. Is that too much to ask? Why is life so hard on me like this? I just want to feel happy. Can't they just let me?

"Ma'am, I'm sorry for your loss, but you must let him go now. Aayusin na namin siya para sa funeral," mahinang sabi sa akin ng isang babae at bahagya pang tinapik ang balikat ko.

Hindi ko sila pinansin dahil wala akong gustong gawin ngayon kung hindi ang makasama ang baby ko. Kinuha na nga ang buhay niya, pati ba naman katawan ay ipagkakait pa rin sa akin? Hindi ba talaga puwedeng ibigay na lang nila sa akin ito? Kahit isang araw lang, hayaan nila akong maging masaya. Iyon lang ang tanging gusto ko.

"Ma'am, please, we need to do our job. Let us take care of him," dagdag pang sabi niya pero mabilis kong tinabig ang kamay niya.

"Ano bang mahirap intindihin? Gusto ko lang siyang makasama kahit ngayon lang. Huwag niyo namang ipagkait sa akin ang anak ko. Pinaghirapan ko siya at inalagaan nang matagal kaya please lang, hayaan niyo akong mahawakan siya. N-Ngayon ko na nga lang nakita ang anak ko tapos walang buhay pa," emosyonal na sabi ko at muling niyakap ang puting tela.

Nagpakawala na lang sila ng malalim na buntonghininga bago lumabas sa morgue at iwanan akong mag-isa. Niyakap ko nang mahigpit ang katawan niya nang maramdaman kong bumukas ang pintuan at may naglakad papalapit sa akin.

"J-Jeshyl, you need to let him go. He's dead and you can't do anything about it," mahinang sabi ni Lylia.

Muling nabuhay ang dugo ko nang marinig ang boses niya. Wala akong pakialam kung siya at ang pamilya niya ang tumulong sa akin. Siya ang pumatay sa anak ko. Siya ang dahilan kung bakit malamig na bangkay ang hawak ko ngayon. Siya ang humampas sa akin kaya ako maagang nanganak.

"Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha para sabihin 'yan? Saan nanggagaling ang lakas mo para sabihin na patay na siya? Tell me, Lylia. Explain to me why I would listen to you. Tell me why did you kill my boy!" nanggagalaiting sigaw ko sa kaniya.

Entice (SELF-PUBLISHED UNDER SANCTUM PRESS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon