CHAPTER 40- Leaving

911 36 3
                                    

HEAVEN

Days, months and years had passed. Binata at mga dalaga ang mga anak ko, and wala na rin kaming balita kay Amanda. The last time we heard news about her ay nakakulong na siya sa salang physical injury and child abuse. Kaya naman naging matiwasay na ang pamumuhay namin, maliban kay Selene na palagi nalang galit kay Joana. 

FLASHBACK

"Ako lang dapat ang tinatabihan ng mama ko, pero bakit ngayon si Joana na?" nagtatampo niyang saad sa akin kaya nakaramdam ako ng guilt. 

"Anak, your sister is traumatize because of what her mom did. And she needs comfort every night kasi nagkakaroon siya ng nightmares." Mahinahon kong sambit habang hinahaplos ang buhok niya.

"But I'm still your only princess right?" she said and pout.

"Ofcourse ikaw lang anak," saad ko.

"Then I'm not nagtatampo na po." she said and kiss my cheeks.

END OF FLASHBACK

Pero hindi natapos doon ang bangayan ng dalawa. Dahil sa bawat kilos ni Joana ang mga matatalim na mata ni Selene ay nakabantay sa kanya. Bawat maling galaw lang ni Joana ay napupuna niya. 

"I want to go to Spain." Saad ng kakapasok lang sa kwarto kong si Selene.

"And why?" Tanong ko.

"I'm tired staying in this house. Being with that illegitimate child of papa with that Joana." Saad nito at umirap.

"Selene pwede ba? ilugar mo iyang kamalditahan mo." Suway ko sa kanya at tumayo.

"Kaya nga pupunta ako sa Spain, I will put my attitude there," pamimilosopo nito. 

"No, you will say here with us. Hindi ka aalis," sagot ko.

"Then paalisin mo si Joana, I'm so tired na makisama sa kanya here." maldita nitong saad at nagkrusimano.

"This is Joana's home na Selene, hindi ka ba naaawa sa kapatid mo?" mahinahon ko paring tanong.

"SHE is not my sister," nakadiing sagot niya sa akin. "Kung hindi mo siya kayang paalisin sa bahay na ito, then don't stop me from leaving this place." sagot nito at padabog na lumabas ng kwarto ko.

Tinawag ko pa siya pero hindi na ako nilingon. Selene changed a lot, hindi na siya malambing at madalas ay namimilosopo na. Kahit ang papa niya ay sinasagot niya na rin. Napaisip tuloy ako na mali ang desisyon kong kinuha ko si Joana. Nakuha nga namin si Joana pero kapalit naman nito ay ang paglayo ng loob ng anak ko sa amin ng papa nila.

"What's wrong? Why did you shout earlier?" tanong ni Timothy sa akin.

"Si Selene, gusto niyang pumunta ng Spain." Sagot ko at binuksan ang ref.

"Bakit daw?" tanong niya.

"Gusto niyang doon mag-aral." Pagsisinungaling ko at ininom ang tubig na isinalin ko sa baso.

"Then? Did you allow her?" tanong niya.

"Hindi." Tanging sagot ko at umupo.

"But why? Come on babe, Selene is not a kid anymore. She is already 18 nag debut na nga siya hindi ba? Kaya payagan mo na para naman maging independent." Sagot nito at hinalikan ako sa noo.

I just nod at him. Kung alam mo lang ang tunay na dahilan ni Selene. Kung alam mo lang na hanggang ngayon ay galit parin siya dahil nandito ang isa mo pang anak. 

"Hija, nasa kabilang linya ang ate Ella mo." Saad ni nana Sita na kakapasok lang dala ang kanyang Cellphone.

Kinuha ko naman ito sa kanya. "Ate, bakit kay nana Sita ka tumawag?" Bungad ko.

["I called you around ten times na yata but you are not answering,"] bored nitong sagot mula sa kabilang linya.

"Ayy sorry naman, bakit ka nga pala tumawag?" Tanong ko ulit. 

["Athena called me. Nagsusumbong, bakit ba ayaw mong dumito siya ha? Alam mo naman kung ano ang rasun right?"] may bahid ng inis na saad niya.

Lumayo ako kay Timothy dahil alam ko na kung ano ang susunod na sasabihin ni ate.

"Kasi naman ate ayokong umalis siya," Mahina kong sambit.

["Then? Do something. Hindi ko kinukunsinte si Athena Heaven, pero nakikita mo naman hindi ba? Until now hindi parin sila okay ni Joana."] Saad ni ate at nagbuntong hininga.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. "Pero ate ayoko namang paalisin dito si Joana. Ate walang mapupuntahan ang bata." sagot ko at lumabas na ng tuluyan ng bahay. 

["Let Athena come here. Dito na rin siya mag college if she wants to. Gwyn is here rin naman so hindi siya mahihirapan,"] Suhestiyon ni ate. ["Para kahit naman papano ay mabawasan ang bangayan diyan sa bahay."] 

Kahit hindi nakikita ni ate ay tumango- tango ako. "I'll talk to you later ate, kakausapin ko lang si Selene," saad ko.

["Okay."] Sagot ni ate at pinatay ang linya.

Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ni Selene. Kumatok ako pero hindi niya parin binubuksan. "Nak, papasok si mama ha. Mag usap tayo." Saad ko at pinihit ang door knob pero naka lock parin ito.

Marahil ay tulog siya kasi wala akong narinig na kahit anong ingay mula sa loob. Voice command ang kwarto niya kaya kapag ayaw ka niyang papasukin ay wala kang magagawa. 

"Selene, anak kausapin mo naman si mama oh." Bumuntong-hininga ako. "Oo na sige na papayag na akong pumunta ka ng spain." Dugtong ko.

"Minerva open the door." Narinig kong utos niya kay Minerva.

Minerva is her robot. Pagkatapos niyang magsalita ay agad namang bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya pumasok na ako. 

"Are you really allowing me to go?" mataray niyang tanong.

"Oo nak," sagot ko.

"Is that how much you love Joana? Kasi mas pipiliin mong ako ang umalis huwag lang siya?" maldita niya namang tanong.

"It's not like that Selene, your tita Ella just called me. She said na doon ka daw muna sa kanya. Pwede ka din daw mag aral doon kung gusto mo." Paliwanag ko at umupo sa tabi niya.

"Okay, I'll book a flight today. Para bukas makaalis na ako sa bahay na'to." Sagot niya at may kung anong kinalikot sa cellphone niya. 

Hinawakan ko ang kamay niyang may hawak na cellphone. "Teka nak, bukas agad? Hindi ba pwedeng next week?" Tanong ko.

"Come on mama, I want to leave ASAP." Saad niya at pinagpatuloy ang pag type sa cellphone niya.

"Basta mag iingat ka doon ha. Don't be stubborn, huwag mong bibigyan ng stress ang tita Ella mo," paghahabilin ko.

"Kayo ang mag-ingat dito. Dahil baka biglang sumulpot ang baliw na nanay ng bastardang 'yun." Dugtong niya at tumayo.

Sa sinabing iyon ni Selene ay bigla na namang pumasok sa isip ko si Amanda. What if umeksena na naman siya? 

Kung noon ay natalo ko siya. Ngayon pa kaya?

A/N: Heaven Astrid D. Kampante Lee

WHEN HEAVEN and HELL COLLIDE (BSS 1)- [COMPLETED]Where stories live. Discover now