Chapter Two

41.4K 1.1K 133
                                    


CHAPTER TWO


"OKAY ka lang talaga dito mag-isa, cuz?" tanong ni Erica sa kanya habang nag-e-empake ito ng mga gamit. Uuwi muna kasi ito sa Amora—isang probinsya kung saan isang Mayor ang ama nito na uncle niya naman—kapatid ng Mama niya. Isang buwan itong mananatili roon at maiiwan siyang mag-isa sa condo.

"Oo naman," sagot niya habang nanonood ng isang Korean drama sa flat-screen TV nila. "I'll survive."

"Uuwi ba sila Auntie Jamilla para sa graduation mo?" tukoy nito sa Mama niya.

Nanatiling nakatutok siya sa TV at nagkibit-balikat. Kung siya ang tatanungin, gusto niyang umuwi ang Mama niya apara makadalo ng graduation niya. Pero kapag umuwi ang Mama niya, kasamang uuwi ang Papa niya. Huwag na lang.

"Basta, tawagan mo 'ko kapag hindi sila makakauwi. Para ako na lang at sina Mama ang pupunta para sa'yo," sabi pa nito.

"Sure."

"Jeraldine."

"What?" niya nang hindi pa rin ito nililingon.

"Mukhang may problema ka. Huwag kang tumanggi, utang na loob. Psychology major ako. Kahit poker-face kang nanonood ng mga Koreano, halatang lumilipad isip mo."

Nilingon niya ito. "Huwag mo ngang gamitin sa'kin iyang pinag-aralan mo. Okay lang ako. Wala akong problema."

Nagtaas ito ng kilay. "Convince yourself."

She rolled her eyes. "Wala nga kasi sabi. Iniisip ko lang kung saan ako magta-trabaho once nakapag-board exam na 'ko at nakapasa."

"Wow. Sure na sure kang makakapasa, ah? Sabagay Cum Laude ka, eh."

Umangat ang gilid ng labi niya. "Dapat talagang makapasa agad ako sa first take." Pangako nila ni Zach sa isa't isa iyon. Dapat isang take lang at dapat pasado sila agad. Para magkasabay rin silang magkakalisensiya.

"Iyon lang talaga iniisip mo?" paninigurado pa nito.

"Hindi ka pa ba tapos mag-empake diyan?"

"O biglang binago usapan! Sabihin mo na kasi sa'kin ang problema mo bago ako makaalis. Baka matulungan kita."

Umiling lang siya. "I'm fine, Erica," mariing sabi niya. Binalik niya na ulit ang atensiyon sa pinapanood. Tinaas niya ang mga paa sa sofa at niyakap ang mga binti.

Tumabi sa kanya ang pinsan. "Iniisip mo na naman ba si...Zach?"

Napkislot ang puso ni Jeraldine. Sa tuwing naririnig niyang binabanggit ng iba ang pangalan ni Zach ay ganoon ang nagiging reaksyon niya. Hindi kaila kay Erica kung anong nangyari noon.

"Jeraldine...wala na siya, eh..." marahang wika nito na parang mas ipinaiintindi sa kanya ang malungkot at masakit na reyalidad na ilang taon na niyang hindi tuluyang matanggap.

Bumigat ang dibdib ni Jeraldine at lumayo rito. "Bumiyahe ka na. Baka abutin ka pa ng gabi sa daan," taboy niya na rito.

"Paano naman kita maiiwan rito niyan? Baka naman maisip mo na namang saktan ang sarili mo?" prangkang sabi nito. "For the nth time, Jeraldine, hindi mo kasalanan kung bakit namatay si Zach, okay? Napagtrip-an siya ng bad fraternity ng campus niyo. Hindi mo kasalanan iyon!"

"Shut up!" hindi niya na napigilang isigaw sa pinsan. Halatang nasindak ito sa bigla niyang pagsigaw. Tumayo siya at kinuyom ang mga kamay. "Umalis ka na kung aalis ka! Ayoko nang pinapalubag niyo kong lahat sa pagsasabi na hindi ko kasalanan kung bakit nawala sa'kin si Z-Zach! Alam nating lahat ang totoo! It's my damn fault!"

The Tragic Writer's RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon