1.

2 0 0
                                    

WEST.


"Mabuhay! Welcome to Philippine Airlines! This is the pre-boarding announcement for flight PR75 to South Korea..."

Polusyon.

Iyan ang una kong nalanghap pagkatapak sa labas ng airport.

Palinga-linga ako sa aking kinatatayuan dulot na rin sa pag-aasa na baka naririto na ang mga susundo sa akin. Hindi pupuwedeng scam ang mga iyon, hahambalusin ko sila ng Nike na dala ko e'.

"West!" Lumingon ako at nakita ang tatlong walang ginawa kun'di guluhin ako ng sapatos nila sa buong paninirahan ko sa States.

"O nandito ka?" turo ko sa kaibigan kong nag-aaral ng batas. Mukha siyang pagod pero para raw sa pangarap, kakayanin niya.

"Awit, anong 'kala mo sa 'kin?" reklamo ni Santiago, at saka tinago ang cellphone sa kaniyang likuran na bulsa.

"Lagi ka raw MIA!" singit ni Houston.

"Bagong buhay na 'yan si Santi," sambit ni Mercy at dali-daling kinuha ang mga bagaheng dala ko para halungkatin iyon sa gitna ng airport. "Nandito na ba, pre? Uupakan kita 'pag wala!"

"Gagong 'to, 'di makapaghintay!" wika ni Houston at inagaw kay Mercy ang bagahe, at saka sinara ito. Nakita ko kung paano inirapan siya ni Mercy at saka ibinalik ang atensyon sa 'kin.

"Halika na nga! Mag-aaral pa raw si Santi."

"Ako pa dinamay sa init ng ulo niya," rinig kong bulong ni Santiago.

Habang nasa loob ng kotse ni Mercy, hindi mawawala ang kakaibang pakiramdam na sa wakas, nakauwi na ako rito. Matagal-tagal din akong nanirahan sa U.S., pero iba pa rin kapag nandito ako sa Filipinas, maliban sa polusyon at usok, bahagi ng buhay ko ang mga kaibigan ko rito.

"Mamaya ba?" tanong ni Houston na ipinagtaka ko naman. "Siyempre nandito ka na, ano pa 'yan?! Nomi na!"

"Pagpahingahin mo naman ako. Ako bahala sa drinks," tawa ko na ikinatuwa naman nila.

"Putangina." Mabilisang napatingin ako sa gawi ni Mercedes at nakitang nakakunot ang kaniyang noo. Graduate nalang kami, mainitin pa rin ang ulo niya. "Jaywalking pa more!"

Napatingin ako sa aking cellphone dahil sa walang tigil na pag-ingay nito. Dahan-dahan akong napangiti nang masilayan ang ingay muli sa aking mga kaibigan na nanggagaling sa aming group chat.

TSOKNATZ

Spencer Borromeo
Anak ng
Sino ba may pakanang palitan ang
gc photo hahahahaha taena niyo

Houston Coy
bombastic side eye mo roon sa vlog
ng artista mo

Spencer Borromeo
Ganap na ganap ka naman, porke
lagi kang online hayop ka

Houston Coy
HAHAHAHAHAHAHAHA

Enzo Vasquez
GUYS
NAKAUWI NA SI WEST

Jairus Aquino
Weh? Kailan?

Santiago Avelino
bobo, nakauwi na nga

Jairus Quizon
Grabe naman mang-atake atty?!

Enzo Vasquez
manlilibre raw si west basta kasama
raw tayong lahat

West Pedrasa
gago ha sino nagsabi hahahahahaha

Enzo Vasquez
si santi HAHAHAHAHA

Santiago Avelino
nagpasundo ang kumag na mas
mayaman pa ki jenesis amp
hahahahahahaha

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon