CATHERINE.
"Anak ng, sandali lang nga!"
Inis akong tumayo sa aking kama dahil walang tigil ang pag-iinis ng taong kanina pa pindot nang pindot sa doorbell. Wala sina Mommy at Daddy ngayon dahil may trabaho, at ako naman ay day-off dahil birthday ko ngayon.
Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, isang nakasimangot na tao ang sumalubong sa akin. Aba! Lakas niyang sumimangot sa harap ko ha!
"Ang tagal naman," wika ni Tants at walang-paalam siyang pumasok sa pamamahay ko. "Wala na sina Tita?"
Feeling at home ang hunghang!
"Hindi mo ba nakikita kung anong oras ngayon?!" Nakapameywang ako sa harap niya, samantalang siya ay tumalikod at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig at saka pumunta sa sala para umupo sa sofa.
"Magbihis ka na, lalabas tayo." Walang emosyong sabi niya. "Hintayin kita."
Napaka-initin ng ulo! Bakit ba 'yan nandito?! Hindi ko naman siya tinawag para pumunta rito?! Birthday ko kaya't gusto ko lamang manatili sa bahay tapos ngayon, aayain niya 'kong lumabas?!
"Tumaas ka na, Catherine. Dali, nakapag-reserve na ako." Nanlaki ang mga mata ko sa pagkarinig na iyon. Ano raw?!
Dali-dali akong tumaas at nag-asikaso na rin. Naglagay ako ng konting make-up para magmukha naman akong presentable kahit papaano. Kinuha ko ang aking munting kulay rosas na bag at saka bumaba dahil alam kong naiinip na sa kahihintay sa 'kin si Tants.
"Tara na?" ngiti ko sa kaniya.
Saglit siyang napatingin sa akin at taas-baba akong pinagmasdan. Tumikhim siya at inilagay ang kaniyang cellphone sa likuran niyang bulsa, saka tumayo patungo sa pintuan.
"Ayos ha, mukha kang tao ngayon." ngisi niya.
Pinag-ikutan ko na lamang siya ng mga mata at sumakay na sa kotse. Kinalikot ko ang aking bag at saka kinuha ang cellphone dahil panay ingay 'to dahil sa notification na galing sa Twitter.
santol: happy birthday sayo cathol_ mabuhay ka hangga't sa gusto mo hahahahahahaha 👍
replies:
cathol_: thanks po 🥰 pero bakit like
riveraboss: kasi ano raw
santol: bobo
"Nagawa mo pang magcomment!" Tinarayan ko siya at nakitang nakahinto siya sa may labasan ng subdivision namin. Nagkibit-balikat lamang at siya at nagsimula na magmaneho. "Saan pala tayo pupunta?"
"Cellar," ngiti niya.
"Sa mags 'yan, 'di ba?" Hindi ko mapigilan ang aking ngiti dahil first time ko roon. Kahit na matagal na ang Cellar dito sa Naga, ngayon pa lang ako makakapunta. Hindi naman kasi ganoon ka-espesyal ang buhay ko kaya wala namang rason para magdiwang.
Ipinarada ni Tants ang kaniyang kotse at dali-daling bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa nakakapanibagong asta niya sa akin. Hindi naman 'to ganito dati ha!
"Ang bait mo ata?" Naglalakad na kami papasok at ngumiti sa amin ang mga empleyado ng store.
"Malamang, birthday mo kaya mabait ako." sagot niya. "Table for Bautista."
"Here po, Sir." Nakangiting ginabayan kami ni Miss patungo sa aming lamesa. "We have a new wine, Sir. Do you want to try it po?"
"Anong wine po 'yan?" Ako na ang nagtanong dahil trip ko.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
FanfictionA KIDULT SERIES #1 West Pedrasa returned to the Philippines with newfound wealth, reconnecting with friends and building his dream café. However, his joy was interrupted when he unexpectedly encountered the person who had once held his heart - his f...