Halos wala akong maisip sabihin ng binungad sakin ni Celina yun. Tanging ngiti at yakap lang ang naiganti ko sa pagpayag nyang yun. Alam ko namang napipilitan lang syang gawin ito pero kailangan ko din sya kaya ko ginagawa ito.
Maybe you can call me selfish dahil ginagawa ko ang lahat para wala silang ibang lapitan kundi ako. I can do everything para sa mga plano ko pati ang pag-alis ng asawa nya kasama sa plano ko. Lahat ng pwede nilang hiraman o lapitan hinarang ko para sakin lang sya pwedeng humingi ng tulong.
After so many years mahal ko pa din si Celina kaya gustong sya ang maging ina ng anak ko. Hindi man sya maging akin alam kong may ala-ala naman akong maiiwan sa kanya.
"Nasan na nga ba si Celina? Syempre nandito sa tabi ko mahimbing na natutulog. Napagod ata sya sa kakaiyak nya pero kahit naaawa ako sa kalagayan ng anak nya diko parin magawang samantalahin ang sitwasyon. Pero sa sarili ko natutuwa ako dahil matutupad na ang dahilan ng pakikipaglapit ko sa kanila."-isip ko habang hinahaplos ang buhok nya.
After so many years nahawakan ko din ulit sya. Ang babaeng naging dahilan ng paghihirap at pagsisikap ko.
*******
"Lance bakit mo ba ako inimbitahan dito sa bahay mo?"- nagtatakang tanong sakin ni Celina.
Sya ang babaeng nililigawan ko na ng ilang taon. Sa tuwing magtatanong ako dati ang lagi nya lang sagot sakin hindi pa daw sya handa. Siguro naman ngayon pag tinanong ko ulit sya may sagot na sya kasi ilang buwan na lang gagraduate na kami.
Yun din ang dahilan ko kung bakit ko sya inimbitahan dito sa condo ko. Hindi ako mayaman pero pinagaaral ako at sinusuportahan nung dating amo ng mga magulang ko. Matalino daw ako so maybe i can help him on his business palibhasa nagiisa lang sya sa buhay kaya siguro ganon.
At pasalamat ako sa kanya kasi malapit na akong grumaduate dahil sa kanya. At tatanawin ko yung malaking utang na loob dahil sya ang tumutulong samin.
"Malalaman mo mamaya pag-akyat natin sa rooftop."-nakangiti kong sagot.
Syempre masaya ako kasama ko yung babaeng mahal ko. Kahit sa isang sulok ng puso ko andun yung pag-asang mahalin nya rin ako.
Pagakyat namin agad na bumungad sa kanya ang liwanag ng mga kandila sa lamesa at sa buong paligid.
"Lance ano to?"-nagtatakang tanong nya.
"Mamaya ko na sasabihin kain muna tayo gutom na ako e.."-pagbabalewala ko sa tanong nya.
Tahimik lang syang umupo at kumain ng mga hinanda ko. Natutuwa talaga akong makita sya ngayon actually matagal na syang lumalayo sakin lalo na nung nanligaw sa kanya si Martin. Kilala ko si Martin mabait naman sya pero syempre ikaw gusto mo yung tao matutuwa ka ba na may ibang bagay sa kanya bukod sayo?
"Ahh... Lance...--"-putol ko ulit sa sasabihin nya. Ayokong ituon ang atensyon ko doon kung may sasabihin man sya baka masaktan lang ako.
"Masarap ba Celina? Ako nagluto nyan.."-baling ko sa kanya.
"Oo masarap naman.. Kilan kapa natutong magluto?"
"Recently lang.. Kailangan e syempre gusto kong magpa good shot."-nakangiti kung sagot sa kanya pero nagbaling lang sya ng tingin sa ibang direksyon.
BINABASA MO ANG
Sex Deal (COMPLETED)
Romance"Walang kasunduan ang walang kapalit Celine.." "At walang mali sa taong nangangailangan. Kaya alam kung gagawin mo ito para sa anak mo." Lahat nilapitan ko na sya nalang ang tanging natitira na kahit hindi mo lapitan kusa kang aalukin ng tulong. Tu...