Chapter 2

21 4 2
                                    

Athena POV

Ako ang naghanda ng almusal namin dahil madalas ay late magising si Shane. Nang nakapag handa na'ko ay agad akong pumunta sa kwarto n'ya, buti nalang at hindi s'ya naglalock kaya naman madali ko s'yang magigising.

Tulad ng madalas kong ginagawa para magising s'ya agad, umangkas ako sa kama at doon tumalon nang tumalon. Ganito ang madalas kong gawin para magising s'ya agad at hindi naman ako nabibigo dahil sa ganitong paraan ay mabilis s'yang nagigising madalas ngalang s'yang galit malamang.

"Wakeyyyyy upppp sleepyheadddd!!!" Malakas kong sigaw.

Palagi kaming ganito, tuwing umaga at gabi ay ako ang taga luto although sanay naman din s'ya pero kasi sabi ko ay kahit dito nalang, mabayaran ko ang utang na naitulong n'ya sa'kin.

"Aish! gising na'ko Thena! tama na nahihilo na'ko sa'yo" sabi n'ya kaya tumigil na'ko agad at ngiting humarap sa kan'ya.

"Good morning breakfast is ready" ngiting sabi ko.

"Good morning din, susunod nalang ako maliligo lang" tumango nalang ako at lumabas na. Dumiretso ko sa kwarto ko at dun nag ayos nng sarili. Ginawa ko na ang morning routine ko, naligo, nagbihis, nag ayos ng sarili  at matapos nun ay lumabas na'ko bitbit ang bag ko.

Hinayaan kong nakaladlad ang buhok kong umabot na hangang siko, uniform narin ang suot ko at hinablot ko na ang phone kong nakacharge.

Sakto namang paglabas ko ay s'ya ring paglabas ni Shane, gaya ko ay tapos narin ito mag ayos, simple lang s'ya kagaya ko, hindi kami naglalagay ng kung ano ano sa muka polbo at lip balm lang sapat na samin, yun natural beauty ang meron kami and we're proud of that. Hindi na namin kailangan magdagdag ng kalorete sa muka dahil maganda naman na kami.

"Kainan na!" ngiting sabi n'ya na ngiting tinanguan ko rin at sabay kaming naglakad papuntang kusina para kumain.

----------------

Nandito na kami ngayon naglalakad papasok sa school malapit lang naman ang apartment sa school kaya imbes na gumastos pang pamasahe ay naglalakad nalang kami dagdag exercise narin 'to para sa'min. 

Agad kong kinuha sa bulsa ang phone ko nung maramdamang magvibrate ito. Nanlaki ang mata ko at impit na napatili nang makita kung ano ang nagnotif sa'kin.

'Dark_Ash updated Wings of love -Chapter 23 (another love)'

"Aray Thena! ano ba ouch masakit!?" daing ni Shane nang paulit ulit ko s'yang nahampas dahil sa tuwa. Ehh anong magagawa n'ya? ganito ako kiligin ehh HAHAHAHA naiintindihan naman n'ya yun dahilhindi na ito ang unang beses na nahampas ko s'ya sahil sa kilig.

"Kyahhhhhh sissy nag update nanaman si Ash" kinikilig kong sabi at niyugyog ang braso n'ya.

"Ikaw Thena masyado kang nababaliw d'yan sa mga fictional character at author na'yan nako malabo namang mapansin ka n'yan at mas malabo pa sa tubig baha nag tiyansa na maging kayo"

Aba teka diretso walang preno bibig neto huh! Dapat sa mga ganito tinutumba! HAHAHHA charot love ko 'to kahit na mas love ko ang fictional characters at si kuya Ash.

"Che!" inirapan ko pa s'ya na ikinatawa n'ya, binuksan ko ang app at inumpisahang basahin ang update.

"Baka tumanda kang dalaga n'yan, puro ka fiction"

"Heh! manahimik ka d'yan 18 palang ako, bata pa at marami pa'kong oras d'yan sa love love na'yan dapat lang ineenjoy natin 'tong buhay noh! Lalo na't kapag lumipas na ay wala na, hindi na natin mababalikan" saglit s'yang natigilan sa sinabi ko, kumunot ang noo n'ya habang nakatingin sa'kin. Don't tell me hindi n'ya nagets?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Apricity in December Where stories live. Discover now