Missing My Baby

38.4K 243 9
                                    


Dahil maraming nagrerequest eto po nagupdate na ako hindi ko pa natapos hanggang ending sana magustuhan nyo.


************************************************************************


Chapter 42








Pagkatapos lahat ng nangyari bumalik si Joshua sa Camsur para kausapin si Andy tungkol sa anak nilang si DJ at para makita at makasama ang anak. Bumili sya ng prutas at toys para sa babaeng bata at sa anak nya. Alam niyang nasa ospital pa ang mga ito at matatagalan bago lumabas kaya dun muna sya nagpunta.








Pagdating nya kumatok siya sa kwarto at nakita niyang andun si Andy, DJ at Edward. Nagulat ito ng makita sya.








"Pwede bang pumasok?" tanong niya








"Pasok ka…" iniabot kay Andy ang mga dalang prutas at laruan para sa bata








"Hi!' bati ni DJ, napangiti si Joshua at hinimas ang buhok ng bata








"Kumusta na siya?"








"Ok naman medyo mabuti na ang lagay niya…"









"Uhmm… Andy labas muna kami ni DJ may bibilhin lang kami"









"Josh…. Salamat pala, ikaw pa la ang nagdala sa kanya dito sa ospital at salamat sa pagdutong sa kanya ng buhay…."









"Your welcome…." he sighed….









 "Hindi ko alam na may pamilya ka na pala Andy… Hindi ko alam na si Edward na pala ang pinili mo…." garalgal nyang sabi, nagulat si Andy sa mga sinabi niya








"Pero masaya ako para sayo dahil alam kong masaya ka na ngayon… Sayang at hindi ko naibigay sayo dati ang kaligayahan mo ngayon…" patuloy niya









"Mahal pa rin kita Andy pero alam kong may mahal ka ng iba, wag kang mag-alala hindi na kita guguluhin ang gusto ko lang sana ay makilala ako ni DJ bilang totoo nyang ama…." pagsusumamo nito, nanunubig na ang mga mata ni Andy pero pinipigilan nya ito.









"Sige bukas magkita tayo sa coffee shop dyan sa tapat ng ospital, ipapakilala kita kay DJ…" malumanay niyang sagot









"Sige Salamat, I have to go…" at tuluyan ng lumabas ng kwarto si Joshua.








Ilang sandali bumalik na sila DJ at Edward.








"Nasan na si Joshua?"







"Umalis na dinalaw lang si Dhea at kinausap ako tungkol kay DJ" tinignan nya ang anak na kasalukuyang kumakain ng ice cream.







"Edward gusto nyang makita at makasama ang anak nya, kinausap niya ako wala naman akong karapatan na ipagkait sa kanya ang mga anak nya"








"Alam na ba nya ang tungkol kay Dhea?"








"Isa pa un problema ko, hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya, ang akala nya nga eh nagsasama na tayo ang akala nya anak natin si Dhea"








"Siguro dapat na din nyang malaman ang katotohanan tungkol kay Dhea karapatan niya din yon" natuwa naman si Andy dahil sadyang napakabait ni Edward.








"Tama ka Edward..." nilapitan niya ang anak at kinausap








"DJ you want to meet your want? You want to see him?" nakangiti nyang tanong sa bata, tumingin ito sa kanya at biglang ngumiti at tumango-tango








"Ok baby, tomorrow you will see him" at niyakap ang anak








************************








Kinabukasan maagang dumating si Joshua sa coffee shop sobra syang excited na makita ang anak pati syempre si Andy. Kahit alam niyang wala na syang pag-asa na mabuo ang pamilya nya gusto nya pa rin itong maging kaibigan dahil ito ang babaeng huli nyang mamahalin








Nakita nya na padating na si Andy kasama ang anak niya bigla syang natuwa, biglang napalingon ang bata kay Joshua.








"Mommy sya ung tumulong kay Dhea! Hi!" kaway nya kay Joshua, natawa naman si Joshua at napangiti si Andy.








"Come baby..." at pumunta sila sa table ng lalaki, umupo sila at umorder si Joshua ng pagkain.








"Mommy where's daddy?" nagkatinginan si Andy at Joshua







"Uhmm.... baby...."








"Andy ako na lang" sabi ni Joshua







"DJ.... Miss mo na ba daddy mo?" tumingin ito sa kanya








"Opo..."








"DJ A-ako and daddy mo..."







"Ha?...." gulat nitong sabi, nagkatinginan uli si Andy at Joshua








"Daddy!" sigaw ng bata at mahigpit siyang niyakap nito, unti-unting nanunubig ang mata ni Joshua hanggang sa tuluyan syang naiyak.







Nakatingin din si Andy sa kanila at naiyak sa eksena ng mag-ama, ngayon nya lang nakita ng ganito kasaya ang anak. Tumayo mang ama si Edward sa kanyang mga anak hindi ganito kasaya si DJ.








"Anak love na love ka ni daddy ha hindi na mawawala si daddy..." umiiyak nitong sabi








"Talaga daddy? promise?"








"Promise..." sabay taas ng kanang kamay








Pagkatapos ng nakakaiyak ng eksena masayang kumain ang pamilya.








"Mahilig pa la si DJ sa ice cream?" natatawang sabi ni Joshua habang nakatitig sa bata








"Oo mana sayo..." natatawang sabi ni Andy, napatingin naman sa kanya ang binata.








"Uhmmm Josh.... may gusto pa sana akong sabihin sayo...." nagaalangang sabi ni Andy








"Ano un?"








"It's about Dhea..."








"Si Dhea? Bat anong nangyari sa kanya?" pag-aalala sa tanong nito








"Josh...." nag-aalangan si Andy








"What Andy?"








"A-Anak mo si Dhea..."








"What?...."





********************************************************************


VOTE


BECOME A FAN


LEAVE COMMENTS & SUGGESTION IF YOU LIKE


Lovelots

JHingzzy

One Sided-Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon