Prologue

49 0 0
                                    

"ma, si Vincent po hinimas 'yong hita ko ng paulit-ulit" pabulong na sumbong ni El sa kanyang ina.
"hayaan mo na, lumipat ka nalang dito sa upuan at dyan matulog" sagot naman nito na parang wala lang ang nangyari sa dalagang anak.

Natutulog ang mag-ina sa kanilang kapitbahay sa kadahilanang nagwawala na naman ang kanyang ama at muntik ng masaksak nito ang kanyang ina, mabuti na lamang at napigilan nya ito kaya sya na naman ang napag-initan ng kanyang ama. Maraming galos si El at sugat sa paa dulot ng nabasag na baso, basa rin ang kanyang katawan ng ulan ngunit hindi nya ito ininda, mas nangibabaw parin ang kagustuhang makaalis sa impyerno nilang bahay.

Kasama nya sa higaan ang dalawang anak na babae ng may ari ng bahay kung saan sila nakitulog at ang kanyang ina naman ay nasa sala ng bahay. Pagsapit ng alas nwebe ng gabi ay dumating naman ang nakakatandang kapatid nilang lalaki, sya ay nag-iisang lalaki lamang na anak ng may-ari ng bahay.

Tulog na ang lahat at ang lalaking kakarating lamang ay dumiretso sa kwarto kung saan natutulog ang tatlong dalaga. Mabilis na lumipas ang oras at pagdating ng ala una ay nagising si El sa lakas ng ulan at hanging dala ng bagyo, oo tama may bagyo noong panahong iyon pero nasa signal no.2 lamang ang kanilang Lugar.

Gising ngunit walang mapapansing kilos mula kay El ng biglaang may umilaw na flashlight ng cellphone sa katabi nilang kama, galing sa kama ng lalaki kaya naman ay nagkunware na lamang na tulog si El.

Hindi nagtagal ay namatay rin kaagad ang ilaw na iyon at sya namang pagdampi ng mga malilikot na kamay sa kanyang hita.

Sinubukan nyang gumalaw na syang naging dahilan ng pagtigil nito, walang salitang nakalabas sa kani-kanilang mga bibig.

Makalipas ang ilang minuto ay umilaw ulit ang flashlight at inilawan na sya sa pagkakataong ito kaya wala syang nagawa kundi ang magtulog-tulogan na lamang.

Isang kinse anyos na dalagita, walang kamuwang muwang sa nais gawin ng lalaki.

Naulit ang mga pangyayari at sa pang limang pagkakataon ay sinipa nya ang kamay ng lalaki habang nanginginig, hindi sya makasigaw sa takot na maka istorbo at baka walang maniwala sa kanya, natatakot sya.

Natatakot syang pagsabihang walang utang na loob, maraming tumatakbo sa isip nya at biglaan itong naging blanko at ang tanging nagawa na lamang nya ay lumabas sa kwartong iyon at nagpanggap na naihi ngunit hindi na sya pumasok pang muli.

Kinse AnyosWhere stories live. Discover now