SA15

6K 250 53
                                    

Regina's POV

"Sa wakas retreat narin!" 

Umaalingasaw na sigaw ni Lucas ang bumungad sakin, habang ako ay walang tulog dahil ilang araw na akong gising kakaisip sa sinabi ni Miss Fuentes sakin nung sinundo ko siya sa fortress.

"Bunganga mo Lucas." Saway ko.

"Wow sumanib ba sayo si Lydia? Mukang nagkapalit kayo ng personality ah." Asar niya.

"Masasaniban ka rin talaga kapag nakatikim ka ng sapak mula sakin." Sabi ko.

"Tanga, kabayo ka remember? Hindi boxer." Inis kong kinuha ang sapatos ko at ihahagis ko sana sakanya pero nang makita ko ang apat na professors na papalapit samin ay dali dali kong sinuot ulit yun at tumalikod.

Nahihiya akong makita siya, kaya ayaw kong makita ni isang hiba ng buhok niya ngayon. The best way to do that is to ignore her. Pagkatapos kasi nung sa bar ay hinatid ko lang siya.

"Gosh, ano ba nangyayare sakin." Bulong ko sa sarili.

"Bakit ano nga ba ang nangyare sayo?" Napahawak ako sa dibdib nang biglang sumulpot si Portia.

Hindi ko nga alam kung anong ginawang connection ni Miss Cervantes, dahil itong retreat ay supposed to be for our department lang pero dahil sister-in-law niya ayan ang ginawa.

"W-wala naman," Umiwas ako ng tingin.

"Lokohin mo na ang lahat, pero di mo ko madadamay jan." Umakbay siya sakin. "I also said to myself that I was straight few months ago but look at me... happily in love with Blythe."

"Edi sana all." Daing ko.

"I thought you and Miss Venice have something?" Tanong niya at kumunot ang noo.

"Since when?"

"Since she said that she will be the one to deliver the foods sayo I mean she insisted na siya nalang daw ang magdala." Pilit ko namang inaalala ang sinabi niya, ayun ba yung sa rest house nila Lydia?

"Ah, oo nga ang dami mo pang binili nun." Sabi ko nang maalala ko. "Balak mo ata akong patabain e."

"Did she told you that I was the one who brought it?" Well, wala kong maalala na may sinabi siya kaya umiling ako. "Well, to tell you the truth she was the one who bought those foods hindi ako, kaya nga siya narin nag dala."

"Wag mo kong biruin ng ganyan." Sambit ko at tumawa lang siya.

"I wish I am, but I'm not joking around. Don't tell me... you're starting to have a feeling for her?"

Bigla akong napaisip sa sinabi niya, these past few days I had been feeling confused especially nung naglapit ang mukha namin ni Avery sa library at hindi ko maiitanggi na ang mukha niya ang biglang sumulpot sa paningin ko.

I don't know if it was the effect of the kiss or was it because of how she put a hickey on me, pero ganito ako.. ganitong ganito ako nung nalilito rin ako sa feelings ko para kay Lucas.

"Ayaw ko," Sagot ko. "Hindi pwede, tsaka kung magkagusto ako sakanya. Magiging unfair para sakin, ang daya naman ng tadhana kung ganon. Hindi na nga ako nagustuhan nung huli kong gusto tas ngayon naman sa hindi pa nakaka move on sa ex?"

Ramdam ko naman kasing gusto niya parin si Harrison, especially nung sinagot niya sakin na baka tama daw ako. Tsaka panigurado na kaya niya ako iniisip kasi bakit kami magkasama nung kumag na yun, halata namang apektado parin siya sa presensya ng chimpanzee na yun.

Pero ang pinaka pinagtataka ko sa sarili ko, bakit parang nasaktan ako sa sagot niya sa tanong ko?

"If there's one thing that me and my sister learned during our phrase where we were confused about our feelings that is, we are forcing ourselves that we are straight, and it was just nothing. But in the end, the more we force ourselves, the more that our feelings grow."

Shades Of Agony [PSLU #3] [UPDATING] [GL] Where stories live. Discover now