Events started.
Mga Team Star Partner ang may hawak na banner at nauuna sa line ng kada team para sa Parade.Nakita ni Wynne ang mga muse ng kada team, ang gaganda't se-sexy ng mga ito sa simpleng suot na T-shirt at shorts. Kinakabahan at nahihiya siya dahil siya lang talaga ang lalakeng muse. Natatawa siya sarili. Sya na nga! Siya na ang tinaguriang kauna-unahang muse na lalake sa buong mundo.
"Haaayy grabe! " sambit nya sa sarili na medyo napalakas pala at narinig siya ng kanyang star partner. Nasa line na kasi sila at hawak nila ang banner ng team. Green team sila. At ang mga kalaban nila ay red, sky blue and yellow. At syempre suot ng lahat na ka team nya ang kanilang mga gawang sumbrero na gawa sa empty cartoons ng sigarilyo. Ang ganda sa paningin na parepareho ang kanilang mga suot. At team lang nila ang may sumbrero.
Panay naman ang titig nitong partner niya sa kanya. Napakunot ang noo nito ng marinig siyang bubulong-bulong.
Tumugtug ang mga drummers, hudyat ng pagsisimula ng parade.
Habang nasa parade, Panay sulyap naman ni Bryle kay Wynne. Paminsan minsa'y nakatitig pa Ito sa kanya.Inaamin niya na naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman. Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib n'ya knowing na ganun ang ikinikilos ng kanyang partner. Alam niya ang mga pasulyap- sulyap nito sa kanya, na minsay nagiging titig pa. Alam niya, kasi'y maging siya ay ganoon ang ginagawa. Pasulyap-sulyap din siya dito, at napapatitig kapag hindi ito nakatingin sa kanya.
Ang gwapo nito huh? Bumagay dito ang green na T-shirt at semi walking short na suot. At ngayon nga ay nakatitig na naman ito sa kanya.
"Bakit?" Tanong niya na tiningnan ito sa mga mata.
Nagbawi naman kaagad ito ng paningin na hindi kumibo.
Napahugot siya ng malalim na hininga. Dahil nga sa nararamdaman at di mawaring bilis ng kabog ng dibdib n'ya.
Sumulyap muli ito sa kanya, at nagtama ang kanilang paningin. Bumuntong hininga ulit siya. "Haaayy! Ano ba? d'yan ka nga tumingin sa nilalakaran mo," Sita nya dito. "Baka mamaya madapa ka pa!"
"Ohmm," Bryle, pouted. Bumuntong hininga at ibinaling sandali ang paningin sa nilalakaran. Pero ibinalik din naman kaagad ang paningin nito kay Wynne. "Bakit? Ikaw rin naman, ah!" Ang sabi.
"Oh? Anong ako rin naman ah?" Sagot tanong ni Wynne dito.
" Nakatingin ka rin naman sa'kin." Sagot naman nito.
Ayaayy! Sigaw ng isip ni Wynne. Nakaramdam siya ng biglang pag init ng kanyang mga pisngi. He knows he's blushing right now. Napatingala siya sa langit at sandaling inalis ang suot na sumbrero. At napasapak s'ya sa sariling noo.
"Oh, ano?" Tanong ni Bryle.
"Huh?" Kaagad niyang sinuot pabalik ang sumbrero. "Anong, ano?" Baling niya dito.
Hindi na ito kumibo at itinoon na lang ang paningin sa nilalakaran.
"Haaayy! Kainis!" Sambit ni Wynne sa sarili. "Ano ba kasi itong nararamdaman ko? Bakit ba kasi ganito?! OMG! Nababaliw na ba ako?" Mga tanong naman na naglalaro sa isip n'ya. "Haaayyy! Ewan!" Sambit niya ulit sa sarili.
Kunot noo namang napatitig muli si Bryle sa kanya. Nagtataka ito sa nakikitang expression ng mukha at galaw n'ya. Masisilayan sa mukha nito ang pag-alala.
"Hey! What's wrong?!" Tanong nito sa kanya.
"Huh?" Sambit n'ya at napalingon na naman dito.

BINABASA MO ANG
UNEXPECTED GROOM
Ficção GeralNakatakdang ikasal si Wynne sa isang lalakeng ni Hindi nya kilala, kahit sa pangalan man lang. Halos ikamatay nya ang problemang iyon, lalo na ng malaman nya mula Kay Bryle ( ang taong labis na labis nyang minamahal ng lihim) na, pinsan daw nito ang...