Chapter 4

3.6K 70 2
                                    


Akio's

Humigop ako sa hawak kong frappe habang hinihintay kong lumabas sa isang building ang taong kanina ko pa inaabangan. I followed him and this where it lead me. Sumandal ako sa kotseng dala ko habang bagot na sumimsim sa kapeng hawak ko. What's taking him so long?

Ilang minuto pa akong naghintay nang sa wakas ay lumabas na siya at nakita ko ang nagmamadali niyang lakad papunta sa kotse niya. Pumasok siya sa kotse niya and he tried turning the engine on but he failed multiple times. Lumabas siyang nakakunot noo at inilabas niya ang selpon niya. Mabilis naman akong gumalaw at lumapit sakanya. Agad kong naamoy ang mabango niyang amoy. What's with them and their nice perfume? Mabango rin ang kapatid niya pero magkaiba sila ng amoy.

"Hello, Caden." Tawag pansin ko sakanya. Umangat naman ang tingin niya saakin and my smile widened when his eyebrows twitched at me. So handsome.

"It's you, again." Maikli niyang sabi bago niya ibinaba ulit ang atensyon niya sa selpon na hawak niya. Lihim akong napangiwi. He's acting like this but I clearly saw the interest in his eyes whenever he looks at me. His eyes are so easy to read, unlike his twin brother, kaya nga siya ang nilalapitan ko ngayon.

"Yup, something wrong with your car?" Nangingiti kong tanong. Natigil naman siya sa pagtipa sa selpon niya bago siya tumingin saakin.

"You did this?" Akusa niya. Naitaas ko ang dalawang kamay ko sa ere dahil sa sinabi niya. He's damn right, I did this.

"Nope, don't accuse me like that, that's baseless." Pag deny ko at nilapitan ang kotse niya.

"Something's probably wrong with your car, you're in a hurry?" Muli kong tanong sakanya. He was just watching me with his brown eyes. I gave him a pretty smile. Don't resist me, Caden, I know you like me.

"Mr. Ito, I am not interested." Matigas niyang sabi. Pinigilan kong mapairap sa hangin. Yeah, that's what they all say before they start begging me to fuck them.

"I was just asking about the car, seriously." Seryoso kong sabi sakanya. Tumitig naman siya saakin at napansin ko ang maliit na peklat sa may kaliwang tenga niya. It's a long small cut.

"Does your boyfriend know that you're out here asking random strangers about their cars?" Mahaba niyang sabi. I blew a loud breath and answered him.

"If only I have a boyfriend, shit, I was serious when I said Kazuya isn't my boyfriend, oh my gosh." Kinuha ko ang selpon ko at binuksan ko iyon at pumunta ako sa gallery.

"Here, look at this, does he look like my boyfriend here?" Pinakita ko sakanya ang picture ko nung five years old pa lang ako at kalong-kalong ako ni Kazuya. Napatitig naman siya sa screen ng selpon ko at nagulat pa ako nang mahuli ko siyang magpigil ng ngiti. What's funny?

"Why are you showing me that?" Tanong niya. I looked at him with my widen eyes. He's completely slow.

"To prove to you that Kazuya isn't my boyfriend? Wait, do you even know what's my surname? I'm Akihiro Ito, I have the same surname with him." Paliwanag ko pa. Ibinibigay ko na sakanya ang totoong relasyon namin ni Kazuya pero mukhang hindi niya pa rin iyon naiintindihan. Tumingin lang siya saakin bago napakamot sa kilay niya.

"He's your husband?" Mabilis akong napaikot at napahawak sa bibig ko sa sinabi niya. What in the hell? He's doing this on purpose. Muli akong lumingon sakanya.

"You're so handsome, Caden, so effing handsome and I know that you're also a genius, but you're very stupid in this situation, so stupid." Paliwanag ko sakanya and it looks like I hit a nerve. Agad na tumalas ang mga mata niya saakin.

"I was kidding," Matigas niyang sabi. I shrugged. He doesn't look like he's kidding to me. Ganon ba ang mukha niya pag nagj-joke? So weird.

"Akala ko ba nagmamadali ka-" Natigil ako sa sasabihin nang makita ko kung ano ang nasa likod niya. Malayo pa ang mga ito saamin pero agad na nawala ang mga ngiti ko sa labi at agad kong narinig ang nakakabinging ingay sa tenga ko.

Double Trouble: Carnal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon