Chapter 14

3.3K 56 7
                                    

NOTE: Pa wait lang po ako sa UD sa Mío kasi super blocked po ang imaginations ko abt Hans and Kaleb, ayokong sulatin basta-basta ang story nila kaya I'm taking my time po para sa mga susunod na ganap na maiisip ko for them, thank u for waiting! Love lots!

Cody's

I watched as Akio converse with my parents. Nakatitig lamang ako sakanya habang nakikipag-usap siya sa mga magulang ko. Ganon rin si Caden. Pero sumasali siya paminsan-minsan sa usapan.

Napalunok ako habang pinapanuod si Akio. He seems different when he's talking to my parents, pero kapag sumasabat ako o si Caden ay agad na tumatalas ang mga mata niya.

Hindi ko napigilang mapangiti. This amuses me. I still can't believe the fact that he's here with my family but I like the way he softens to my parents. I didn't see him like this to his own father. Suot niya rin ang shorts kong maliit na saakin at ang t-shirt na suot niya ay kay Caden. He looks good as ever. I'm curious of what's the catch but I'll tease him about this later.

“Hey,” Napasulyap ako kay Caden nang tawagin niya ako. Pinagtaasan ko siya ng kilay para tanungin kung bakit. Sumulyap naman muna siya kay Akio bago nagsalita.

“Stop looking at him like that, are you not suspicious why he's here?” Mahina niyang sabi na kami lang dalawa ang makakarinig. Napatitig naman ako sakanya at napailing. I don't know. After what I found out about Akio's background, I can't seem to think bad about him.

“I-I don't know, Caden.” Ani ko. Napabuntong naman siya at napatitig rin kay Akio. Kagat labi akong napatitig rin sakanya. He's thinking something bad about him. This is my fault. Ganito ang ginagawa ni Caden kapag gusto niyang mawala ang pagkagusto niya sa isang tao. He's thinking of all the possible worst side of that person to withdraw himself from them.

Napamura ako sa loob-loob ko. Fuck. Bakit ba kasi ako nagsalita nang tapos? I told him na titigilan na namin si Akio at lalayo kami sakanya pero ngayon ay mukhang hindi ko na iyon magagawa, pero siya, he took my advice!

I'm fucking doomed.

“It was nice celebrating my birthday with all of you, Tito. But I have to go home now, baka po pasundan pa ako ng magaling kong ama, heh.” Narinig kong sabi ni Akio. Tumayo naman na kami at parang ayaw pa siyang paalisin ni Mami pero wala na itong nagawa. Hapon na rin kasi. Naubos ang oras namin sa kakakain at kakadaldal. Nanuod rin kami ng ilang movies.

Nakita ko pang napipilitang um-oo si Akio nang padalhin siya ni mami Stav ng mga pagkain.

“Marami ito kaya magpahatid ka sa isa sa anak ko, Cody, hatid mo si Akio.” My face lit up when mami Stav said that. Agad akong tumango. Hindi naman na kumibo si Akio at ganon rin si Caden na kanina pa parang wala sa hulog.

“Yes, ma. I'll go get the car ready.” Excited kong ani at lumabas ng bahay at nilapitan ang kotse ko na nasa garahe. Pumasok ako roon at inilabas ko ang kotse ko sa gate. Nang maayos ko iyon ay lumabas ulit ako ng kotse para pumasok sa bahay, pero bago pa man ako makapasok sa gate ay may nagsalita sa gilid ko.

“Hi, kuya Cody. Mukhang good mood ka, ah?” Nilingon ko si Arsist at nakangiti siya na parang aso saakin habang nakatayo sa gilid ng gate namin. Nakita kong may nilalaro siyang dalawang rabbit na may leash pa sa leeg at hawak-hawak niya. Napailing ako. Mukhang bagong ligo siya pero ang napansin ko ay ang mga gauze sa tuhod at noo niya.

“What happened to you?” Tanong ko. Arsist is a son of mami Stav's friend. Tito Hynodale. They're also our neighbor.

“I'm good, kuya. May food ba kayo? Papa and Dad are mad and I'm also mad at them so I'm not eating any of their food, but I'm hungry na.” Sabi niya at lumapit saakin. Sumulyap naman ako sa pinto ng bahay namin at nakita kong lumabas si Caden kasama si Akio. Ibinalik ko ang tingin sa kausap ko.

Double Trouble: Carnal GamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon