CHAPTER 8 __Wish Granted

75 8 0
                                    

Nagbalik sa kasalukoyan ang isip ni Wynne ng may maramdaman siyang,, may mga yabag na papalapit sa kanyang kinaroroonan. Pero hindi muna siya nag-angat ng ulo at mukha. Nanatili siyang nakaupo sa sulok, sa pinakatuktok ng pinaghagdang sementadong upoan ng auditorium. Nakatukod ang mga siko sa tuhod at sapo ng dalawang mga kamay ang mukha. Ganito ang ayos niya kanina pa, habang inaalala ang mga nakaraan.

Naramdaman niya na parang nasa harapan na n'ya ang may-ari ng mga yabag. Pero hindi pa rin siya nag angat ng paningin. Ipinagpalagay n'ya lang na, baka gusto rin lang nitong umupo dito sa kinaroroonan n'ya at magmumuni-muni ring katulad n'ya.

Lumipas ang ilang sandali ay hindi na n'ya nararamdaman ang mga yabag. Parang wala na ito dito sa malapit sa kanya. Baka umalis na, o kaya'y umupo na rin dito sa sulok. Oh baka magjowa ang mga iyon na gusto sanang dito mag moment-moment, pero dahil nandito s'ya, kaya't umalis na lang at naghanap ng ibang mapu-pwestohan.

Ilang minuto pa ang lumipas, narinig niyang pamilyar sa kanya ang intro ng kantang itinutogtog. Yeah, hindi s'ya nagkakamali, ito yong kantang hinding-hindi nya makakalimutan for life. Ang kantang naging pinakapaborito niya sa lahat. At may worst! Pero ibang version na ito. Ibang singer na ang kumanta. Pero syempre kahit ibang version na ito, 'yon pa rin 'yong kanta. Kunting areglo lang naman ang nabago, halos lahat pa rin naman katulad ng original. At muli na naman niyang naalala ang dahilan kung bakit naging paborito niya ang kantang iyon, it was 3 years ago.

Ilang minuto, o oras na kaya siyang nakaupo dito at nanatili sa ganitong posisyon? Naku! ano na kaya ang nangyari sa mga co-officer nya? Ang mga namuno sa padiscong ito!

Nag-angat siya ng paningin upang kumustahin ang paligid.

"Huh!" Sambit n'ya, nang sa pag-angat niya ng mukha ay mabungaran ang lalaking nasa kanyang harapan. Nakatingin ito sa kanya.

"Hi, hello!" Nakangiting bati nito sa kanya.

Kaagad niyang kinusot-kusot ang kanyang mga mata. Baka naman kasi namamalik-mata lang s'ya at nasa nakaraan pa rin ang isip n'ya.

"Can I dance this music with you?" At inilahad nito ang kanang kamay.

"Huh?" At totoo ngang nasa harapan n'ya ito. "Kanina ka pa ba dito?"

"Hummn," tumango naman ito. "Maybe it's 5 minutes past."

''So ito pala ang may-ari ng mga yabag na 'yon!" Sa isip nya.

"Wanna dance?" Ulit nito.

"Huh?" Ito na ang katuparan ng wild wish n'ya kanina! Ang maisayaw siya ng kanyang dream boy.

"Please!" Nakalahad pa rin ang mga kamay nito.

"Jusko Lord! Subrang bait ko na ba at tinupad n'yo kaagad ang wish ko?" Hiyaw sa tuwa ng isip n'ya.

At humawak na s'ya sa kamay nito para tumayo.

"Do you remember that song?" Tanong ni Bryle habang naglalakad sila patungo sa gitna ng sayawan.

"Ah, hmmm," tumango naman s'ya.

Ang cute-cute ng ngiti nito. Lalo tuloy siyang naiilang. Pero walang masisidlan ang tuwang kanyang nadarama, narito ang dreamboy n'ya, at makakasayaw pa niya sa pinakapaborito niyang kanta. Nakadagdag pa sa kilig niya, ang malamang katulad niya ay hindi rin pala nito nakakalimutan ang song they sang together 3 years ago.

Pagkatapos itugtog ang kantang naging paborito n'ya ay, nagpaalam na siya rito na babalik na doon sa kinaroonan niya kanina.

"Tara!" Ang sabi ni Bryle pagkatapos niyang magapaalam dito.

"Huh? Sasama ka doon?"
"Uhhumm" tumango.

"Bakit mo naman gugustohin doon? Sa sulok?"

"Dahil gusto mo naman doon,"

UNEXPECTED GROOM   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon