[Months Later]Kahit saang sulok ako tumingin, nakikita ko sya, kahit alam kong nag-iisa nalang ako, nararamdaman ko sya, at kahit hindi na sya babalik, hinihiling ko parin na makita syang muli, kahit sandali lang, kaso sobrang imposible.
Noong araw na nagkatampuhan kami, lumala na pala ang sakit nya kaya pilit nya akong iniwasan, sinubokan nya ring tigilan ang mga bagay na nakasanayan nyang gawin, dahil ayaw nyang mag-iwan ng masayang alaala.
Alam kong sa una pa lang, na hindi na magtatagal ang buhay nya, kaya pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko dahil alam kong hindi nya magugustohan kapag nalungkot ako, pero hindi ko mapigilan,
mahal ko sya at hindi ko sya kakalimutan.“ Ken! Hintayin mo ako! ”
Napalingon ako nang marinig ang boses na 'yun, pero pag-lingon ko, wala namang tao.
Kahit saan-saan ko nalang naririnig ang boses nya.Wala na ang maingay kong kaibigan, wala na ang taong nangungulit sa'kin, wala na rin yung taong palaging nakikinig sa'kin,
yung babaeng mahal ko, ang nag-iisa kong kaibigan, wala na sya.Araw-araw akong gumigising pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sa bawat pag-buhos ng ulan, sumasabay naman sa pag-patak ang mga luha ko. Araw-araw kong nararamdaman ang pag-gulo nya ng buhok ko, araw-araw kong naririnig ang mga katagang 'yun. Mahal ko sya,
sana sinabi ko agad, sana ipinaalam ko sa kanya.“ Fin, anak, alam kong hindi madali, pero sasamahan kita palagi, alam kong dapat mo syang kalimutan dahil masasaktan ka lang, pero hindi ko hahayaang mangyari 'yun. Ayaw kong kalimutan mo sya dahil baka hindi na kita makilala. Palagi mong iisipin ang mga sinabi nya sa'yo at magpatuloy ka lang, kaya mo 'yan, ikaw pa. ”
Hindi ko sya kakalimutan, hinding-hindi.
“Kei, Mahal kita.”
Mga katagang hindi ko na masasabi sa kanya,
Mga takagang ako nalang ang makakarinig.