Your Ghost

7 3 0
                                    

                     Kenneth Fin Contiveros

“ Fin, nasa baba na si Kaea, sabay na daw kayo pumasok sa school.” Wika ni mama habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
Tsk. Palagi nalang ganito, hindi ko naman sinabi sa kanyang sabay kaming papasok, ang kulit nya talaga. “Sige ma, bababa na ako.” Sagot ko naman kay mama at pagkatapos ko namang mag-handa ay bumaba na ako.
Naabutan kong nakaupo sya sa sopa habang nagbabasa ng dyaryo, sya si kaea keith Salueza, ang kababata ko, minsan naiinis ako sa kanya o kaya nakukulitan, minsan boring syang kausap, puro sya pag-aaral, palagi din nya akong pinipikon, halos araw-araw.
Pero, kahit ganun, mahal ko sya, dahil sya lang ang nag-iisang kaibigan ko.
Makulit sya pero kaya ko syang sabayan, makulit sya pero ayos lang sa'kin dahil isa yun sa naging dahilan kung bakit naging mag-kaibigan kami, boring sya kausap pero hindi ako mag-sasawang pakinggan ang mga sinasabi nya, dahil kaibigan ko sya.
“Oh,ba't ka nakatitig sa'kin?” Tanong nya kaya napaiwas ako ng tingin, hindi ko naman alam na nakatitig pala ako sa kanya,
“Kasi... – ang pangit mo. ” Sagot ko at hinagis sa kanya ang polo ko.
“Mahal kita.” ayan na naman sya sa mga atake nya, nasanay na akong sinasabi nya yan kaya normal nalang sa'kin na marinig ang mga salitang 'yun, “ Kung ako sa'yo, I-reserba mo nalang yan para sa magiging boyfriend mo.” Sabi ko sa kanya saka nag smirk. Cheh! As if!” Lumabas sya pagkatapos nyang sabihin yun, nagtatampo ba sya? “Kayo talagang dalawa... ” tukso ni mama kaya lumabas na rin ako.

Sabay kaming pumasok sa school, hindi kami magka-klase, pero magkadikit lang ang classroom namin. “Dyan ka na. ” Sabi nya at ginulo ang buhok ko, seryoso, kailan ba sya titigil sa kakagulo ng buhok ko.
“Mahal kita!” Sabi nya bago umalis.

“Uy pare, hinatid mo naman girlfriend mo. ” Salubong ng mga ugok kong kaklase, tinutukso nila ako sa kanya, pero wala akong pakialam. “Tsk.” Sabi ko lang at pumasok.

Nang makaupo naman ako ay agad na tumabi sa'kin si Snider, kaklase kong babae, maganda sya, matalino, mabait, sa totoo nga, Ideal type ko nga e, sya yung babaeng gusto kong ligawan, kaso yung makulit na 'yun, palagi nalang syang pumapagitna sa'ming dalawa, kaya medyo hindi na gaanong lumalapit sa'kin si snider, masaya nga ako ngayon at tinabihan nya pa ako.

“Hi fin, it's been a while.” panimula nya,
“Oo nga, kamusta ka na? ” tanong ko, syempre gusto kong malaman ang kalagayan nya, “matagal na rin kasi tayong hindi nakapag-usap.” dagdag ko.
“It's okay, I'm fine. Anyway, how is she? yung kaibigan mo? I hope she won't get in our way this time. ” Sabi nya. “ Okay lang sya, uhm, anong ibig mong sabihin sa sinabi mo ngayon lang?” tanong ko.
“Well... U-uhm, gusto ko sanang makasabay ka pauwi, okay lang ba sa'yo?”  What?! Seryoso?! Kung ganun, may pag-asang maligawan ko na sya? S-sure.” agad na sagut ko.

See you then (your ghost)Where stories live. Discover now