He's my First Kiss
Kinabukasan............
Michelle's POV
Naging maayos naman ang pagpunta ko sa Manila kahapon. Nakapag enroll at nakahanap na din ako ng trabaho kasama si Enzo sabi pa nga ng inapplyan ko ay maaari na akong magsimula ngayon. Kaya naman ay umoo agad ako sayang din kasi iyon kung patatagalin ko pa may matitirahan naman na ako dahil si Tito ay pinagpaalam na ako sa Dean na sa MIU Dorm ako titira yun nga lang ay makakasama ko ang 5 player ni Tito sa Boys Dorm dahil wala ng available sa Girls Dorm kaya hindi na ko umangal dahil makakatipid ako dahil hindi ko na kailangang magbayad ng renta. Okay lang din naman kay Tito dahil kasama ko si Enzo at alam niyang mapagkakatiwalaan niya ang mga makakasama ko sa Dorm. Pero hindi ko pa nakikilala kung sino sila dahil ayaw sabihin sakin ni Enzo at ni Tito.
Pagtapos namin kahapon kumain ay nagkwentuhan lang kami ng halos 2 oras at napagpasyahan ni Mama na lumipat na ako sa Manila kinabukasan para sa trabahong nahanap ko para hindi na rin ako gumastos ng malaki para sa pamasahe. Bago kami lumuwas ulit ng Manila ay binisita namin nila Tito si Papa iniwan din namin saglit si Tito mag isa doon para makapag luksa. Naging masaya din kahit papaano ang huling sandali ko sa piling nila Mama. Mahaba habang panahon akong mawawalay sa kanila kaya panigurado na hahanap-hanapin ko ang presensya nila. Dala dala ko na din lahat ng gamit ko dito sa Manila, 2 maleta at isang medium travel bag ang bitbit namin buti nalang at pickup yung sasakyan ni Enzo at doon niya sa likod inilagay yung dalawang malaking maleta.
Kakagising ko lang at mabilis akong kumilos para makapag luto ng almusal dahil dito maga-almusal si Tito at Enzo lilipat na din kasi si Enzo dito para daw may kasama ako kaagad kahit na 1 buwan pa mula ngayon ang pasukan. Napakalaki ng kwarto may anim na double size bed, sa tabi ng kama ay may study table at Cabinet and Drawer para sa mga damit. Ang pinili kong higaan ay yung nasa tabi ng sliding door at pader dahil hindi ako nakakatulog kapag hindi ako ang nasa dulong higaan. Maganda ang pwesto ng kwarto ng dorm na ito dahil ito ang pinakadulo kaya may veranda kami sa kwarto at magandang mag sight seeing dito kapag gabi dahil matatanaw ang mga city lights dahil nasa 20th Floor kami. Nagsaing lang ako sa rice cooker pag tapos kong magluto ng tocino, Sunnyside up egg at hotdog. Tapos ay naligo nadin ako pag tapos ko ay luto na din ang sinaing ko kaya inayos ko na ang mesa at naghain na. Anim lang kaming titira dito pero yung lamesa ang pang labindalawang tao. Pati ang sofa ay ganoon din ang sala ay naka-aircon, ang TV nila ay napakalaki 55 inch ang sukat non sa likod non ay isang makapag na plywood divider na ang harap ay isang mini stool bar na may nakadisplay na mga alak at mga kopita. Halatang mga mayayaman ang mga nakatira sa dorm na to ilang saglit pa ay may nag doorbell na ang sosyal no? HAHAHA sinilip ko muna sa peephole kung sino iyon at nang makita ko na si Enzo iyon agad ko iyong binuksan.
"Hi Chubs good morning" pagbati nito sakin sa malambing na boses na may kasamang matatamis na ngiti. Natawa naman ako sa inakto nito at kinuha ang sport bag at backpack na dala niya.
"Wag ka ng magpa cute jan. Hindi bagay sayo ang cringe pakinggan halika na pumasok kana at nakahain na ang pagkain" natatawa kong sabi at malaking binuksan ang pinto inirapan niya lamang ako at idiniretso ang kanyang maleta sa kwarto. Sinunod ko naman ang sports bag at backpack niya.
"Dito ba ang kama mo?" tanong niya at itinuro ang kama sa pinakadulo tumango naman ako
"Bakit jan naman ang napili mo?" tanong pa ulit niya.
"Hindi kasi ako nakaka tulog agad kapag hindi ako ang nasa pinakadulo ng kama o hindi ako nakaharap sa pader. Tsaka maganda gumising kapag Umaga dahil pagbaba mo ng kama ay pwede kang humarap dito sa sliding glass door para tingnan yung labas" pagpapaliwanag ko habang inayos yung kama niya yung katapat na kama ang pinili niya para daw pwede kaming makapag usap kahit gabi na dahil lilipat lang siya ng ayos na nasa paahan ng kama ang kanyang ulo. Natawa ako sa sinabi niyang 'yon at tinulungan siyang mag ayos ng mga gamit niya sa cabinet at drawer. Mabilis lang kaming natapos sa pag aayos, paglabas nga namin ay naroon na sa dining area si Tito at nakaupong naghihintay sa amin.
YOU ARE READING
That Basketball Player is a Jerk (ON-GOING)
RandomNagkaroon kana ba ng crush sa isang taong malabong magustuhan ka? Yung tipong langit siya at lupa ka?