Meeting the other teammates
Nang matapos akong mag half bath ay dumiretso na ko sa kwarto at naabutan ko si Enzo na nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama.
"Hindi ka pa natutulog? Anong oras na ah inintay mo pa talaga ko" sabi ko sa kanya habang nagsusuklay ng buhok. Tumayo ito at lumipat sa kama ko tsaka nahiga.
"Syempre alangan naman na matulog ako ng gising ka pa baka mamaya gahasain mo pa ko no" natatawang sabi nito kaya binato ko sa kanya yung suklay na hawak ko
"Wow, ang kapal naman ng mukha no ikaw gagahasain ko? Wag na no!" sagot ko naman sa kanya tsaka umupo sa gilid ng kama
"Tsaka bakit ka ba nandito? Andoon ang kama mo oh doon ka mahiga makikisiksik ka na naman dito sa kama ko" sabi ko habang hinihila ang kamay niya para tumayo pero hinawakan niya ang siko ko tsaka hinila ako papahiga.
"Eh gusto ko dito mahiga, bukas doon na ko mahihiga kasi bukas may kasama na tayong mga asungot" sabi niya tsaka niyakap ako
"Si Maxwell Clyde, Renzo, Shaun at Gabrielle lang ba ang lilipat?" pagtatanong ko sa kanya bumitaw siya sa pagkakayakap sakin
"Pano mo sila na kilala?" gulat na sabi niya tinawanan ko siya tsaka kinuha yung cellphone ko binuksan ko yung Instagram app at pinakita yung dummy account na ginagamit ko sa pagfa-fangirling ko. Pinakita ko sa kanya yung conversation kung saan makikita mo yung mga stories na minemention ko sila. Parang hindi siya makapaniwala na kilala ko lahat ng basketball players ng MIU dahil taga suporta nila ako mula Senior Highschool palang.
"So ikaw pala yan. Yung todo support samin kahit di ka naman student sa MIU tapos yung puro myday ay si Maxwell kasi crush mo!" nanunuksong sabi niya sakin habang nakahiga padin kami pero mas nagulat ako sa sinabi niya
"Nako! Siguro kaya ka dito nag enroll kasi para sundan si Maxwell uyyyy darating na bukas yung crush mo baka halikan mo pag nakita mo ah" natatawang sabi niya pa naalala ko na naman yung balik kanina. Peste yon! Hindi ko naman kasalanan na maabutan ko sila na naghihimala sa madilim na part na yon! Mga mapera naman kasi hindi nalang nag check in.
"Ewan ko sayo tara na matulog na tayo ang daldal mo na naman anong oras na gising pa tayo" sabi ko sa kanya tsaka siya tinalikuran para humarap sa pader humarap din siya sa likuran ko at yumakap. Ilang minuto lang ay nakatulog na din ako.
KINABUKASAN
Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa labas. Pag tingin ko sa tabi ko ay wala na si Enzo sa kama. Chineck ko yung oras sa cellphone ko pagtingin ko ay 7am palang.
"Ang lakas naman ng volume ng TV, bingi na yata si Enzo kaya ganon kalakas" bulong ko habang nakaupo at nagsusuklay. Nang matapos ay lumabas na ko sa kwarto habang ang atensyon ay nasa cellphone. Nagc-check ako ng emails ko dahil baka nag email yung ibang inapplyan ko na trabaho. Paglabas ko ng kwarto ay sinaway ko si Enzo
"EmEm pahinaan mo nga yung volume ng TV. Ang lakas masyado ikaw lang naman mag isa yung nanonood" naiinis na sabi ko sa kanya habang dire-diretso parin ang lakad papuntang kusina. Inilapag ko ang cellphone sa may bar stool at dumiretso sa lababo para maghilamos at mag toothbrush matapos non ay kinuha ko sa ref ang tira naming Adobo kagabi at kanin. Napansin ko na wala ng ingay sa sala pinatay na siguro yung TV.
"EmEm sabi ko pahinaan mo lang yung volume ng TV di ko sinabing patayin mo" pagsasalita ko habang naghihiwa ng bawang para sa sinangag. Tapos ko ng hiwain ang bawang kaya naman kukuha na sana ko ng ham at mixed veggies sa ref pero hindi natuloy dahil nagulat ako kung sino ang nakasandal sa pintuan non si Maxwell Clyde!
"So ikaw pala yung sinasabi ni Enzo na pamangkin ni Coach at nakasama niya dito for 2 days. What a coindence nga naman at dito ka pa nakatira sa Dorm namin" sabi niya habang magkatiklop ang mga braso. Tumayo ako ng tuwid at sinalubong ang mga tingin niya bago sumagot.
YOU ARE READING
That Basketball Player is a Jerk (ON-GOING)
RandomNagkaroon kana ba ng crush sa isang taong malabong magustuhan ka? Yung tipong langit siya at lupa ka?