Part 35

310 26 3
                                    


PARANG nakatingin sa isang aparisyon si Ury. Nanginginig ang laman niya sa pinaghalu-halong emosyon at sumasakit ang kanyang dibdib. Galit at poot ang nananaig sa kanya sa mga oras na ‘yon. Kalabitin niya lang ang gatilyo at alam niyang matatapos ang paghihirap niya. Magbabayad ang may sala at matatahimik siya. But could he really be in peace once he killed this hateful woman?

“Ibaba mo ang baril mo, binata. Hindi ko alam kung sino ka, pero di ako nagpunta dito para mamatay sa mga kamay mo.” Isinara nito ang hawak na payong at binitawan sa damuhan.

Alertong di niya ibinaba ang baril sa pagkakaumang niya sa ere—sinusundan niya ang bawat galaw ng babae.

“I need to see my son that’s why I’m here. Allow me to offer my condolence.”

“S-son? W-who’s your son?” Sinalakay siya ng matinding kaba.

Itinuro nito ang puntod sa likuran niya. “Karl Vasquez.”

Di siya nakatinag ng ilang segundo. Pagkatapos ay nabitawan niya ang baril sa pagkabigla. Tila siya itinulos sa kinatatayuan habang pigil ang hininga. Para siyang hinataw ng bakal sa dibdib. Nakakulong at di makawala ang bigat. Nalulunod ang kanyang baga. Waring may pumipiga sa kanyang puso.

Sobrang sakit—sobrang bigat. Isang malaking sorpresa ang pagkakita niya kay Tatiana Cordoza. Di niya akalaing may mas malaking sorpresa pang gugulat sa kanya. Tulalang nilingon niya ang libingan ni Karl. Sa ginawa niyang pagkurap ay kusang nagsibagsak ang mga luha.

“Sinungaling ka! You only had one son. Ang nag-iisang anak mo sa tunay mong asawa—si Federico Cordoza.”

Tumiim ang mukha nito. “Walang kakayahang mag-anak si Federico. I got pregnant by his friend, Rosauro.”

“You are really a irresponsible slut, Mrs. Cordoza,” sarkastikong wika niya. “Sa mga kasalanang ginagawa mo, iba ang kailangang magbayad at magdusa.”

“Teka lang, sabihin mo kung sino ka. Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan?”

“Yes! I have all the rights to insult and curse you!” pagsigaw niya. “Nasa akin din ang lahat ng karapatan para patayin ka!” Humarap siya dito—puno ng galit. “Ako lang naman ang isa mo pang anak na inabandona mo at ibinenta mo sa impiyerno. Bumalik ako para patayin ka!”

Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng babae. Mula sa iritasyon, pagtataka, pagtanto, gulat, pangamba, at lambong. “U-uriel?” Natakpan nito ang bibig—bakas ang matinding pagkabigla. “I-ikaw si Uriel?”

Kumunot ang noo niya. “Don’t call me with an unfamiliar name! Di ko kilala ang pangalan na ‘yan. Nabuhay ako bilang si Ury—bilang si Mercury!”

Biglang bumagsak at napaluhod ang babae. Humagulgok ito ng iyak. “Ako ang naging pinakamsamang ina para sa’yo. Tatlong beses. Tatlong beses lang kitang nahawakan dahil pinagbantaan ni Federico ang buhay mo.” Ilang ulit itong suminghap. Dinaklot ang sariling dibdib. Nanginginig ang mga labi. “Ang ama mo lang, Uriel ang totoong inibig ‘ko. Sa lupit ng trato sa’kin ng asawa ‘ko, kay Javier ko nagtagpuan ang tunay na pagmamahal. Pero nahuli kami ni Federico at pinatay niya ang ama mo. Pinagbubuntis kita at nalaman ‘yon ni Federico kaya ginusto niyang ipalaglag kita. Mas takot siyang manahin mo ang kulay ng mga Mayan at ‘yon ang magiging katapusan ng reputasyon niyang pinangangalagaan. Tumakas ako at namuhay ng ilang buwan sa mga liblib na bayan. Naipanganak kita at natagpuan ako ni Federico. Inilayo ka niya sa’kin. Kinulong niya ‘ko sa loob ng mansiyon. He let his friends and colleagues assaulted mo. Isa doon si Rosauro Acueza na siya totoong tatay ni Karl. I needed to bite my tongue and accept all my husband’s condition in order for him to spare your life.”

Umiling-iling siya. “Akala mo ba maniniwala ako sa’yo? Napakagaling mong umarte at humabi ng mga kuwento. Ikaw ang nagpakulong sa’kin, di ba?”

“I am, Uriel. Hindi ako nangangatuwiran sa mga kasalanang ginawa ko. Ako mismo ang pumatay sa sariling asawa ko nang malaman ko kung anong pinaggagawa niya sa’yo. Tiniis kong lahat ang pagpapahirap niya sa’yo at sa’kin pero ang ipagbili ka sa mga matronang ‘yon, hindi ko kinaya.” Sunud-sunod na sumigok ito. “Di ako hihingi ng tawad dahil alam akong walang kapatawaran sa isang nagdusang anak ang di man lang makuhang ipagtanggol ng sarili niyang ina. Ilang beses akong nagsisi sa desisyon ‘kong ipanganak ka. Na kung ipinalaglag kita, hindi ka mahihirapan. Pero ninais kong mabuhay ka dahil parte ka ni Javier. Iyon ang makasariling dahilan ko kaya wala akong ginawa kundi ang sampalin ang sarili ko at kabugin ang dibdib ‘ko sa tuwing sinasaktan ka ni Federico. I was biting my tongue and clenching my teeth all along. Di kita puwedeng makita dahil alam ‘kong iiyak ako—dahil alam akong bibigay ako sa sarili kong kahinaan. At papatayin ka ng mga taong nakapaligid sa’kin.”

“No! Hindi totoo ‘yan!” mariing tanggi niya. “Ayokong makinig sa’yo. You’re a witch, Tatiana.”

“Oo, tama ka. Nilubog ko ang sarili ‘ko sa kasalanan dahil gusto ‘kong parusahan ako ng Diyos sa pinakamabigat na paraan. Wala akong karapatang mabuhay ng naaayon sapagkat nagdesisyon akong kalimutan ka, Uriel. Nakalaya ako kay Federico pero hindi ko nagawang tumakas sa mga galamay ni Rosauro. I became his mistress. I let you took the blame from killing Federico because I know that Mafia wouldn’t touch you inside the prison. Kailangang kalimutan kita upang hayaan ka nila. Gusto kong mabuhay ka kahit pa na kamuhian mo ako ng buong buhay mo. Your will to live in order to slap your revenge on my face—I was betting on that. Iniwan ko ang tadhana mo sa mga kamay ni Mr. Adamson—one of the cruel enemies of Mafia. Kung mamamatay ka, hindi ko na malalaman pa. At kung mabubuhay ka, umaasa akong hahanapin mo ‘ko para paghigantihan. I can’t leave the role of a villain, Uriel since I really deserved to die in your hands. Nagpasya kong maghintay kahit na gaano pa katagal. Di ako umalis sa mundo kung saan dapat mo ‘kong makita hanggang sa mawalan ako ng pag-asang nabubuhay ka pa. I can’t even believe that you are here now in front of my eyes—breathing. Maybe Karl really did lead me to you. Ninais niyang kumawala sa Mafia. Samantalang ako, hindi ko kaya. Pinili niya ang kapalaran niya kahit alam niyang ikamamatay niya ‘to. Please, I need to say goodbye to him.”

“Shut up! Shut up! Hinayaan mo siyang mamatay! Dahil takot ka! Dahil sakim ka!”

“Ury!” Napahinto ang binata sa pagduro sa hangin nang hawakan ni Keithlyn ang kanyang braso. Tumingin siya rito at nabanaag niya sa mga mata nito ang lungkot at pang-unawa. “Pakiusap, hayaan mo munang ipagluksa niya si Karl. She’s his mother and you are his brother.”

Puminid ang labi niya pero nagpahila siya sa dalaga at bahagya silang lumayo sa nitso. Sumusuray na tumayo si Tatiana at dahan-dahang lumapit sa puntod ng anak bitbit ang dalawang basket bulaklak. Tumalungko ito at hinimas ang lapida ni Karl matapos ilapag ang mga bulaklak sa magkatabing puntod. The woman cried silently.

Namalayan na lang niya na pinupunasan ng hinlalaki ni Keithlyn ang mga luha niya sa pisngi.

“Bakit hindi mo sabihin ang totoong nararamdaman mo, Ury? Paimbabaw lang ang matinding galit diyan sa puso mo. Natatakpan ang pananabik at saya dahil nalaman mong buhay pa siya.”

Hindi siya kumibo at iniiwas ang mukha.

“See her complexion? Di nagawang takpan ng make-up ang pamumutla. She’s like in severe pain. Alam kong imposibleng pagaanin mo ang nararamdaman niya sa mga oras na ‘to pero ayokong itatwa mo ang sarili mo. Kunin mo ito at ipaalam mo sa kanya kung gaano ka nangulila sa presensiya ng isang ina.” Iniumang nito sa kanya ang pag-aari niyang dog tag. “Ayokong magsisi ka dahil kinimkim mo lang diyan sa puso ang mga bagay na gusto mong itanong at sabihin.”

Dahan-dahang umabot ang kamay niya sa ere at tuluyang inabot ang dog tag nang kumislap ang singsing na naroon. Ilang sandali pa ay lumapit sa kanila si Tatiana. Pansin niya ang pamamawis na namumuo sa noo nito. Namumutla ang mukha nito at namumungay ang mga mata. Biglang naging mabuway ang pagkakatayo nito.

Tulalang nasalo niya ang katawan ng babae nang tuluyan itong bumuwal. Napaluhod siya habang nakaalalay dito. Basa ang nahawakan ng kamay niya. Then he noticed the blood in his palm. Hindi masyadong kita ‘yon sa itim at makapal na coat na suot nito pero talagang basa ‘yon ng dugo.

“I actually came here to die,” anas ni Tatiana. “To spend my last moment with Karl since I couldn’t even protect my children.”

****

I'll post the next part tomorrow.

Thank you for reading!



LEL 5: URY a.k.a. Mercury [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon