Chapter Twenty-seven

3.1K 123 19
                                    

Chapter Twenty-seven

I love you

I've been calling Aaron repeatedly. At nang sagutin niya ang tawag ko ay hindi ko na napigilan ang galit ko. "Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko?!"

Hindi agad siya nakasagot sa kabilang linya. "I'm sorry, I was driving."

"Where's Bella?!"

"She's here with me, don't worry. Paakyat na kami sa unit n'yo."

"Bakit hindi ka nagpaalam na kukunin mo sa school ang bata?!"

"Sinundo ko lang siya, and dinaan ko na rin pinakain sa labas—"

"Hindi ka nagpaalam!"

"I will explain to you, okay? Paakyat na kami ni Bella. Please wait for us."

Binabaan ko siya ng tawag!

Nakakainis si Aaron! I was so worried when I found out that my daughter wasn't at school anymore when I called her teacher. Sinundo na pala ni Aaron at hindi man lang nagpaalam sa akin!

I heard the doorbell. Agad kong pinuntahan ang pinto at pinagbuksan ang anak ko.

"Bella!"

I hugged her. I was so worried. I thought something bad happened to her already!

I glared at Aaron who came after my daughter.

Halos magtaas naman siya ng mga kamay niya na para bang sumusuko siya sa mga pulis. "I called you many times. But you seemed busy you can't answer your phone. Magpapaalam sana ako na ako na ang susundo kay Bella sa school niya ngayon at ipasyal sandali sa mall."

My mouth opened but he added more words to his explanation.

"After calling you at hindi ka sumasagot pinuntahan ko nalang si Bella sa school. And she's been waiting there for nearly two hours already after their class was dismissed. I called you again noong nasa school na ako dahil hindi mo pa pala nasusundo si Bella."

I closed my lips. And opened them again. "I was busy at the hospital. Hindi ko halos namalayan ang oras... But still! Nag-alala ako!"

"If only you answered one of my calls."

"Are you two fighting...?"

We were stopped by Bella's small voice.

Agad akong bumaba para maglebel kami ng anak ko. "No, baby. We are just talking..."

She nodded her head slowly. Now she looked sad. Agad naman akong natauhan na nakikipagtalo na pala ako kay Aaron sa harap ng anak namin.

"I'm sorry..." I hugged her to my chest.

"Come here, sweetheart." Kinuha rin siya ni Aaron sa akin at binuhat.

"Mommy and Daddy were not fighting. Mommy just got worried for Bella..." Aaron smiled to his daughter.

Nang tumingin sa akin si Bella ay ngumiti nalang din ako.

And then after that binigay na siya sa akin ni Aaron. After kissing our daughter's cheek ay nagpaalam na rin siyang aalis...

"Will we see each other again tomorrow, Daddy?" Bella asked in her usual small and sweet voice.

Nagkatinginan kami ni Aaron. "Sure, baby. If that's what Bella wants."

"I want to see Daddy again! Every day!" My daughter enthusiastically said.

Aaron smilingly nodded. Pagkatapos ay inabot niyang muli ang anak namin na buhat ko at hinagkan ito sa noo bago siya tuluyang nagpaalam na.

Mistakes and PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon