Magandang Araw! Ako nga pala si Prinsipe Mateo. Isa akong Insulares. Pinanganak ako dito sa Pilipinas ngunit parehong Espanyol ang mga magulang ko. Nasasabik na ako dahil papunta kami sa palsyo nila Don Montecarlos na malapit na kaibigan nila Ama kung saan nagtratrabaho ang kaibigan kong lalaki na si Liam. Nililihim ko lang ito kay Ama dahil nasisigurado ko na magagalit siya pag nalaman niya na nakikipagkaibigan ako sa isang indio.
Dumating na kami sa palasyo ni Don Montercalos. At agad naman sila nagbatian. "Kamusta kayo? Matagal ko na kayo hinihintay. Buti naisipan niyo dumalaw" sabi ni Don Montecarlos. "Ayos lang kami. Paumanhin at ngayon lang kami nakadalaw" agad na sambit ni ama.
At pumasok na kami. Pagkapasok namin ay dali dali ako tumakbo papunta sa ilalim ng punong mangga dahil doon kami magtatagpo ni Liam.
"Liam! Nandito na ako" sabi ko at sabay takbo papunta sa kanya.Liam's POV
Bumilis bigla ang tibok ng aking puso ng marinig ko ang boses ng prinsipe. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, basta alam ko lang na masaya ako pag kasama ko siya kaya nakikipaglaro parin ako sa kanya kahit alam kong bawal dahil hindi kami magkapantay ng katayuan sa buhay.Nagtakbuhan kami sa tabi ng ilog, namitas ng mga prutas at sabay na kinain yun, at tinuruan ko rin siya mamingwit ng isda. Pagkatapos nun ay nagpahinga kami sa ilalim ng puno. "Liam may sasabihin ako sa iyo" banggit ng prinsipe. "Ano yun?" tanong ko. "Kailangan na muna namin bumalik sa Espanya pero babalik rin kami. Pangako ko sayo yan. Kaya sa ngayon ay nais ko na maging malakas ka at wag magpapa-api kahit kanino man" paliwanag niya. " Oo pangako. Hihintayin ko ang pagbabalik mo" sabi ko. " May ibibigay pala ako sayo. Itong kwintas" sabay sabit sa leeg ko. "Ayan parehas tayo. Huwag mong huhubarin yan dahil pagbalik ko. Yan ang magiging palatandaan ko sayo. Hanggang sa muli. Mag iingat ka" paliwanag ng prinsipe. At nagyakapan na nga kami at nagpaalam sa isa't isa.
10 taong lumipas....
Liam's POV
Nandito ako ngayon sa hardin ng palasyo. Napakarami kasi pinapagawa sa akin ni Señorita Maria. Anak siya ni Don Montecarlos at kakauwi lang niya dito sa Maynila galing sa Cebu. Kailangan na niya kasi paghandaan ang nararating na pag iisang dibdib nila ng isang binata daw na galing Espanya. Maganda naman ang trato sa akin ni Don Montercalos pero hindi ang asawa niya. Napaka istrikto ni Doña Sonya dahil lagi niya ako sinasaktan pag nagkakamali ako pero mabuti na lang ay hindi na gaano ngayon. Ngunit dumagdag naman ang kaniyang anak na sobrang taray at matapobre pero ayos lang lalo na pag naaalala ko ang mga katagang binitawan sa akin ng Prinsipe kaya magiging malakas ako hangga't sa bumalik siya. At sabay hawak sa kuwintas.Kinagabihan...
Magpapahinga na sana ako nang may biglang kumatok sa aking silid-tulugan. "Liam gising ka pa ba? May dala ako para sayo" sambit ni Aling Nenang. Matagal na siyang kusinera dito sa palasyo at siya lang rin ang kasundo ko dito sa bahay. "Opo, gising pa po" sagot ko. "Maligayang Kaarawan sayo. Pasensiya ka na at ito lamang ang naipagtabi ko sa iyo". "Ayos lang po iyon. Maraming Salamat po at naalala niyo pa po ang kaarawan ko". "Ano ka ba! Pano ko makakalimutan yun. Eh anak na ang turing ko sayo tsaka matagal na tayo magkasama dito, diba?" sambit niya na nakangiti. "Opo nga po, hehehe". "Sya, aalis na ako. Matulog ka na kaagad pagtapos mo diyan ha. Magkakaroon na malakihang salo-salo bukas dahil darating daw yung binatang mapapangasawa ni Señorita Maria mula Espanya" "Okay po. Maraming Salamat po" sabi ko.Sino kaya yung darating bukas na mapapangasawa ni Señorita? Kung sino man yun, napakamalas niya dahil medyo hindi kanais-nais ang pag uugali ni Señorita. Nakain na ako nang bigla kong maalala ang aking pamilya. Lahat kasi sila ay namatay sa digmaan nung apat na taong gulang pa lamang ako. At doon ako nakita ni Don Montecarlos at kinupkop sa bahay nila kaya naman naiintindihan ko kung bakit ganun na lamang ang galit sa akin ng Doña. "Sana nandito kayo ngayon" nasambit ko na lamang sabay patak ng aking luha.
Kinaumagahan...
Abalang-abala kaming lahat sa paghahanda sa malakihang pagsasalo-salo para sa pagsalubong sa binata mula sa Espanya. Nandito ako ngayon sa kusina dahil inaayos ko ang mga pagkain na dadalin namin sa labas.Pagkalabas...
Dala-dala ko ang adobo para ilagay sa mahabang mesa nang biglang nagsipalakpakan ang mga tao. Nilagay ko na ang ulam at humarap para puntahan ito at tignan. Nakita ko ang isang binatang naglalakad nang marahan sa gitna ng maraming tao habang ngumingiti sa kanila. Matangos ang ilong niya, mapula ang kaniyang labi, matangkad, naayon lamang ang sukat niya, at hindi mo maitatanggi ang kaniyang kagwapuhan. Nagitla naman ako nang biglang magtagpo ang aming mga mata at masilayan ang kwintas na nakasuot sa kanya. Akala ko ay naaalala niya ako ngunit ako'y nagkamali nang umiwas siya ng tingin at patuloy na naglakad patungo kila Don Montecarlos.Nandito ako ngayon sa may tabing ilog sa ilalim ng puno at hanggang ngayon ay dipa rin ako makapaniwala na hindi na niya ako nakikilala.
Liam: "Pangako pangako. Wala ka pala isang salita! Sabi mo hintayin kita pero ni hindi mo na ako makilala. Kainis, di-porket ikaw ay ikakasal na, ako ay iyong kakalimutan" (sabay bato ng bato sa ilog)
Prinsipe Mateo: "Ehem... Mukhang hindi maganda ang iyong araw, Liam"
Liam: "Prinsipe Mateo"(gulat na gulat at biglang napayakap nang hindi mapigilan ang nararamdaman) "Pakiwari ko hindi mo na ako natatandaan"
.................
"Ayy! Pasensiya na po"( sabay yuko at takbo papalayo)Mateo's POV
Nagitla ako nang bigla ako yakapin ni Liam. Sa diko malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng aking puso na tila ito ay may hinahabol ngunit masarap sa pakiramdam. Napangiti na lang ako nang bigla siyang tumakbo papalayo.Sa hapag kainan...
Don Montecarlos: "Prinsipe ito'y iyong tikman. Ito ang kaldereta ala montecarlos. Nasisiguro ko na magugustuhan mo iyan"
Prinsipe Mateo: "Opo. Salamat po"
(Titikman ko na sana nang biglang malaglag ang kutsara ko)
Katulong: "Liam! Magdala ka ng kubyertos dito"
Liam: "Opo. Ito na po"(sabay abot sa prinsipe at hindi makatingin ng deretso sa mata)
Prinsipe: "Napakasarap nga po para akong yinayakap" (sabay tawa)
At napasamid naman si Liam at namula ang mukha
YOU ARE READING
Vale Te Amo
Fiction HistoriqueMarami na tayong mga alam na kaganapan sa panahon ng Espanyol subalit mas marami tayong mga bagay na hindi alam sa kaganapan noon. Bukas na ang mata ng ating lipunan ngayon sa mga LGBTQ pero noong araw ay hindi pa. Kaya naman pano kung may dalawang...