Nang Dahil Sa Flashlight (One Shot)

9 1 0
                                    

Justin's Pov

'Dali na babe pleeeaaaase.Bar na tayo' Pangungulit sa akin ni Anne.Girlfriend ko,gusto niya kasing pumunta ng bar eh may ginagawa pa akong trabaho.

'May ginagawa pa ako babe eh' Sabi ko naman sa kanya.Kailangan ko na kasing maipasa ang report kong ito bukas,kung mag babar ako ngayon paniguradong hindi ko ito matatapos,siguradong matatanggal ako sa trabaho neto.

'Sige na babe *kiss* please babe *kiss* mabilis lang tayo'

Eh pano pa ako makakatanggi,ginamit niya na kahinaan ko.Ipapagawa ko na lang muna to kay Vince,pinsan ko.

'Mabilis lang tayo ha' sabi ko kay Anne,agad naman siyang ngumiti at tumalon na parang bata.

'Yehey! Mag babar kami ni Babe! Woooooh!' Makasigaw tong girlfriend ko,kala mo amusement park ang pupuntahan hahaha

Pagkatapos kong ibilin ang report ko kay Vince eh nag bihis na rin ako.

Pag baba ko ng hagdan,nakita ko si Anne na ready na papuntang bar.Alas 10 na ng gabi hindi pa rin inaantok

Sumakay na kami sa motor,wala kasi akong kotse,nag iipon kasi ako para sa kasal namin ni Anne,hindi naman ako ganun kasagana sa buhay.

May kalayuan ang bar dito sa aming lugar.

Madilim na rin yung kalsada kaya kailangan mag ingat sa pag maneho.

Habang tinatahak namin ang kalsada,may napansin ako sa di kalayuan mga 4 na babae na sa tanstya ko eh nasa 15-17 ang edad na naka tambay sa waiting shed at may hawak na flashlight.Medyo madilim na kasi sa parteng ito ng kalsada.

'Tignan mo sila babe oh,gabi na nasa kalsada pa din' Sabi ni Anne sa akin.Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya at mas binilisan pa ang pag mamaneho.

Ng malapit na kami sa waiting shed nagulat na lang ako ng biglang tinapat sa mukha ko nung isang babae ang flashlight dahilan upang mawalan ako ng control sa motor.

Booooogsh booooooosgh boooooooooooogsh

Bumangga kami ni Anne sa isang malaking puno ng acacia

Dumudugo yung ulo ko

Si Anne!

Inilibot ko yung paningin ko,hindi ko na masyadong maaninag yung lugar dahil nahihilo ako

Pero si Anne

Si Anne

Ang girlfriend ko.

Nagising ako na puti ang bumabalot sa paligid ko,nasa langit na ba ako? Nasaan si Anne?


Pero mukhang hindi ito langit,may naka kabit na dextrose sa gilid ko,kinapa ko na rin ang ulo ko at may benda ako.Nasa hospital ako

Inilibot ko ang paningin ko nag babakasakaling makita si Anne pero wala.

Sinubukan kong tumayo pero ang sakit ng katawan ko,hindi ko rin maigalaw ang kanan kong binti kaya hindi ako maka tayo.

Bumukas ang pinto,akala ko si anne pero isang nurse lang pala.

'Sir,mabuti na po ba yung pakiramdam niyo? Nako,himala ho talagang naka ligtas kayo' sabi sa akin ng nurse

'Bakit naman?' Tanong ko sa kanya.

'Eh ang lakas po ng pag kaka bunggo ng motor niyo sa puno eh' sabi niya sa akin

'Teka,yung babae nga pala,na kasama ko sa aksidente asan siya? Nasa kabilang kwarto ba siya?' Tanong ko ulit.

'Ay nako sir.Nasa morgoue po,namatay po,matindi po yung inabot niya sa pagkakabunggo niyo eh.Himala na nga po na naka ligtas kayo'

Ano? Namatay?!!! Si Anne hindi maari!

'Hindi! Hindi maari! Hindi pwedeng mamatay si Anne! Hindi pwede! Annnne!!!! Babe ko!'

Pagsisigaw ko sa loob ng kwarto

Pilit akong pinakalma ng nurse

Tinusukan nila ako ng pang patulog kaya nahihilo na ako

Hindi maari.Si Anne mahal ko

Hindi mawawala si Anne kung walang nag flashlight sa mukha ko.

Nang dahil sa flashligt,nangyari ang lahat ng toh.

Nawala ang pinaka mamahal ko.

The End

--------

AN:

How was it? Sana nagustuhan niyo,at abangan niyo rin po yung mga upcoming one shot stories ko.

Thank you for reading :) ♥

Xoxo Maeowwl.

Nang Dahil Sa FlashlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon