"Paula, kain tayo sa canteen. Gutom na gutom na ko." kanina pa nagmamaktol yang si Coleen sa gilid ko. Hahaha.
"Wait lang Col. Nagsusulat pa ko ng notes. Saglit na lang to. Promise." mas lalo kong binilisan ang pagsulat ko ng notes sa blackboard. Hays.
Tumahimik naman siya sa katabi kong upuan habang ako, seryoso pa din sa pagsusulat.
"Kung bakit ka ba naman kasi umabsent kahapon eh. Yan tuloy wala kang nakopyang notes. Oo nga pala, bat di ka man lang nagtext sakin kahapon kung bat ka umabsent? Pinagalala mo ko dun ah!" napakamot na lang ako sa ulo ko.
Kahit kailan talaga ang makakalimutin nito ni Coleen. Kakasabi ko lang sa kaniya kanina tapos nakalimutan na naman. Hay nako. (-___-")
"Kakasabi ko lang kanina nakalimutan mo na agad?" tuloy tuloy pa rin ako sa pagsusulat. 3 blackboard kasi yung kinokopyahan ko ang nasa last board na ko. Yizz ❤
"Ay oo nga pala! Ahahaha nakalimutan ko na nagkasakit ka pala. Hahaha! Sakit sa puso ata yun? Tama ba?" hindi ko na lang siya pinansin. Loko talaga tong babaeng to.
"Kung bakit ba naman kasi di ka pa nagkakaboyfriend. Ni kaibigang lalaki ayaw mo. Ewan ko ba sayo! Baka tumanda kang single. Hahaha! Maganda ka naman, masipag, mabait tsaka matalino pero ayaw mo sa lalaki. Ewan ko na talaga! Nakakabaliw ka!" niligpit ko na lang yung gamit ko since tapos na naman ako magsulat. Para naman makakain na kami ni Coleen. Ang daldal talaga nito pag gutom. Hay nako.
"Halika na nga! Ang daldal mo!" tumayo na kami at lumabas na ng room. Dumiretso muna kami sa locker room para ilagay yung iba naming books sa loob. Medyo mabigat din kasi.
***
"Pau-pau diyan ka lang ha. Ako na oorder ng pagkain natin. Ano bang gusto mo?" nakaupo na kami ngayon sa loob ng canteen.Ngumiti lang ako sa kaniya "Kahit ano. Kung ano yung iyo, yun na din yung akin." then umalis na siyan.
Napaisip ako sa sinabi niya kanina. Oo, ayoko sa lalaki. Takot kasi ako. Takot akong masaktan. Nakita ko na kasing masaktan yung bestfriend ko and I don't want to feel it too. Takot din ako na baka saktan lang nila ko and paglaruan yung feelings ko. I can say na hindi pa talaga ko nakakamove on from the past. Masakit alalahanin pero minsan matatawa na lang ako pag naiisip kong ang tanga ko pala noong highschool ako. I remember...
*Flashback*
I was just 2nd year highschool when I felt this what they call LOVE. Naramdaman ko yung sinasabi nilang, butterflies in my stomach and also yung heart skip a beat.
Yeah, I know that it's too early for me to be inlove pero wala akong magagawa, di ko kayang pigilan feelings ko eh. Ang sarap kaya mainlove lalo na kung crush mo yung nakalovelove mo. Yiiee ❤ Kinikilig naman ako :''''> . Bata kong lumandi no? Hahahah lels
He's name is Prince. O diba? Parang Prince Charming lang tapos ako si Cinderella the Princess. Hahaha ❤ Feeling ko tuloy destined kami. Yiiieee :'''>
Nakaupo ako ngayon sa grass sa garden namin. Pinagmamasdan ko lang sa malayo si Prince habang naglalaro siya. Wag niyo na alamin kung anong nilalaro niya. Wahaha! Baka mainlove pa kayo
Habang nakaupo ako magisa sa grass ay umiinom ako ng chocolate milkshake. Yum yum yum! Sana katabi ko si Prince ngayon para dabest!
Ohh WAIT!!!
Humarap si Prince sakin!! Ngumiti pa siya! Wahhh ❤ Grabe!! Heaven!!!
Nagtaka pa din ako kung ako ba talaga yung nginitian niya kaya tumingin ako sa likod ko pero naamaze lang ako dahil wala namang tao. SO IT MEANS.... AKO TALAGA!!?