CHAPTER TWO - Past is Past (part1)

16 0 0
                                    

Flashback
Xian Perez

"Bro! Saan ka nag-lunch kanina? Sayang wala ka, LOL sana tayo. " sabi ng kabarkada ko. Mga adik talaga sila sa LOL.

"Tss, wala matatalo rin lang naman kayo." Mayabang na sabi ko sakanya. Totoo naman, lagi silang natatalo haha.

"Uy balita ko kasama mo daw yung chicks nating classmate? kamusta? " Chick boy talaga oh.

"Aba g*go. Chicks ba yun?"

"Oo bro. Type ka nun for sure." Kung ano ano pinag sasabi ng lalaking to. Hindi nga namamansin yun.

"Type agad? Snob ngayon di namamansin, kala mo kung sinong mabait na tao. "

"Ligawan mo kaya yun. Try mo lang Hahaha. " Gago talaga to.

"Sira ka ba! Bat ko naman gagawin yon?"

"Ito naman ang KJ! Dare nga diba!"

"Ewan ko sayo!"
Pero napaisip ako dun. Malay mo maging malambot sakin yong babaeng yun kung niligawan ko. Wala rin naman akong magawa kaya siguro.

Reignbow

Naglalakad na ako palabas ng school ng may tumawag sakin.

"Uyy Reign! Teka lang." Eto na naman yong lalaking to. Feeling close lang. Nakakainis.

"Reignbow ang pangalan ko di 'Reign' " Sabay irap ko sakanya. At nagpatuloy sa paglalakad.

"Parehas lang naman yon. Eto naman, pinaikli lang." Ang daming alam ng lalaking to. Ano ba kailangan neto.

"Makahawak ka naman sa braso ko, close tayo?" Sabi ko sabay tanggal ng kamay niya sa braso ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Kinabukasan haban nag lalakad ako sa hallway nakita ko na naman yong lalaki at lumapit na naman sakin.

"Reignbow free ka ba mamayang dismissal?" Nginitian niya ako ng malaki at nakisabay sa paglalakad ko. So sa tingin niya sasama ako sakanya? Umasa siya. Kainis.

"Busy ako. Wala akong oras sa walang kwentang tao. " At mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"Hala! Magpapatutor lang sana ako, malapit na rin kasi ang exams" Mukang ang hard ko nga sakanya kasi yumuko siya at parang nagpapaawa. Ahy.Pag bibigyan ko na nga tutal para sa grades naman. Kawawa naman to.

"Oo na! Pagkatapos neto wag mo na akong guguluhin ah?" At tuloy tuloy na mag lakad nakita ko namang napangiti siya at parang sinabi 'yes!' Napangiti na lang ako sa gesture niya.

Pagkatapos ng klase, nakita ko siya sa labas ng classroom at naghihintay saakin. Nung nakita niya ako lumapit siya saakin at ngumiti.

"Tara! Dun tayo sa Library" mukang good mood to ah.

Nagdaan ang ilang araw at tapos na ang exam. Napag alaman ko ding Xian pala ang pangalan niya. Ang kulit kulit niya lang. Lagi siyang gumagawa ng weird faces pero nakakatawa haha.

Habang nakaupo ako sa cafetria may narinig akong nag uusap na mga babae.

"O MY G! Girls!! Napansin niyo ba? Laging magkasama yang Xian at Reignbow na yan! Its like Ohmygad!!" Nagulat ako nung marinig ko ang pangalan namin ni Xian.

"Like i know right! Ang kapal naman nya. They're not even bagay!" Wow ha! Mas makapal muka niya! Make up pa nga lang. Nakakainis tong mga babae na to. Sa inis ko umalis na lang ako sa cafeteria at narinig ko pa silang tumatawa.

Give me lightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon