Chapter III - Shelby

64 1 0
                                    

After namin magkita sa bar ay mas naging malapit kami sa isa't isa. Isang buwan na din ang nakalipas magmula ng maging friends kami. At alam na din nya na same school lang kaming dalawa. Kasabay nga namin sila ni Gio maglunch ngayon eh. Pero ang misyon ko? Ayun wala pa ding progress. Mukhang hindi naman talaga ata wizard tong dalawang to? Harmless naman sila eh. And i'm enjoying their company.

"Eh ano naman ang tawag sa isdang hindi basa?" ayan na naman po si Gio sa mga korni niyang joke -_-

"Pag ako hindi natuwa dyan masasapak talaga kita." sabi ni Clarisse. Kainis naman kasi tong wizard na 'to. Araw-araw ata may baong joke yan. Joke para sa kanya yun eh. Joke na napakakorni -_- sarap ipatapon sa bermuda triangle.

"Ano?" iritang tanong ni Darpley. Kawawa naman kasi si Gio kapag hindi pinansin.

"Edi TUYO hahahahahaha " okay -_- ang korni talaga lalaking to -_-

"Gio pili ka." sabi ko sa kanya at pinapili sa mga daliri ko sa kamay. Pinili nya yung pointing finger ko. Ginamit ko ito para kilitiin ang sarili ko.

"HAHAHAHAHAHA" sarcastic kong tawa.

"Alam mo bagay kayo ni Gio." sabi ni Darpley at nagkatinginan sila ni Clarisse.

"PAREHAS KAYONG KORNI." sabay nilang dalawa at humagalpak ng tawa.

"Edi wow." sabi ko sa kanila at inirapan sila.

"Mayroon pa 'kong baon na jokes gusto niyo pa marinig?" tanong ni Gio na akala mo na HINDI KORNI MGA JOKES NIYA. CAPLOCKS YAN PARA INSTENSE.

KONTING KONTI NA LANG TALAGA TATAMAAN NA SA'KIN TONG WIZARD NA TO.

"Mas mabuti pang itikom mo na lang yang bibig mo. Puro kasi nonsense lumalabas eh." sabi ni Nax. Nandito pala to? Ay hindi Sab wala sya picture nya lang yan. Takte nahawa na ko kay Gio pati sarili ko kinakausap ko na. Hindi maganda senyales.

"Eto may sense na. Logic guys. Anong idadagdag nyo sa 9 para maging 6?" hay nako -_- pag isa na naman to sa kalokohan nya mababato ko talaga sya.

"Wala naman idadagdag eh. Actually babawasan pa nga dapat eh." napaisip na tanong ni Darpley. Take note : Nakalagay pa yung kamay nya sa chin nya.

"I guess S yung dapat idagdag?" tanong ni Clarisse. Feeling ko tama sagot nya. Genius yan eh . Lagi may sagot sa mga bagay bagay.

"Ang galing mo talaga Clarisse." sabi ni Gio atsaka pininch yung cheeks niya.

"Paano naging S aber?" tanong ni Darpley.

"Kasi ganto yan. Di ba sa roman numeral yung 9=IX . Idagdag mo S sa unahan edi SIX." paliwanag ni Gio na akala mo eh genius talaga sya.

"Wow ah infairness medyo may sense. Paparty na ba kami?" sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Oww ! Malalate na tayo sa next class natin." sabi sa'min ni Clarisse habang nakatingin sa wristwatch niya.

"Bye guys." sabi ni Darpley atsaka kami hinila paalis.

Nang makarating kami sa room ay wala pa pala yung prof namin. Which is good because I left my book in my locker.

"Wait lang ah. Locker room lang ako. May nakalimutan eh."

Tumakbo na ako papunta sa locker room para mapabilis ako. Baka kasi dumating na yung prof  eh.

Pagkakuha ko ng libro ko ay agad akong umalis

Patakbo kong tinahak ang daan patungo sa aking silid-aralan. Nang makarating ako ay nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pa din dumadating yung prof namin.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din ang prof namin.

"Sorry class kung medyo nalate ng konti. Anyway pumasok ka na dito iha." sabi ng prof namin at may pumasok na isang magandang babae.

"Sab, anong ginagawa nya dito?" pabulong na tanong sa'kin ni Darp.

"Kilala nyo sya?" pabulong ni Clarisse sa kabilang na nakaupo sa kabilang side ko.

"Yes. And this is bad."

"Hi :) My name is Shelby Monteverde."

Shelby Monteverde- A shadow fairy. Anak ng reyna ng Shadow Fairy na si Queen Euthoria. So basically, prinsesa sya.

Kung kaming mga Glimmer Fairies ay taga pangalaga ng kalikasan at tagabantay sa mga tao. Sila naman ang kabaligtaran namin. Sila yung mga dahilan ng mga paghihirap ng mga tao. She's a nightmare fairy. Ang mga nightmare fairy ang dahilan kung bakit may bangungot. Pumapasok sila sa isang magandang panaginip para gawin itong isang bangungot.

Shadow fairies are consist of Soul Stealer— after gawin ng mga nigthmare fairies ang pagpasok nila sa magandang panaginip ay sya namang pagdating mga soul stealer para kunin ang kaluluwa nila and lead them to death. Smoke fairy— sila yung mga fairies na nagdudulot ng mga pollution sa earth.

"She's an irregular student. So be good to her." sabi ng prof namin. Lumakad na si Shelby papunta sa upuan sa likod ko.

"Nice seeing you here Sab." nagulat ako ng magsalita sya. Hindi na 'ko magtataka kung bakit nya ako kilala. Malamang andito yan to ruin my mission.

"Same here." atsaka ko sya binigyan ng isang matamis na ngiti.

Pagkatapos na pagkatapos ng dismiss ay kinorner namin si Shelby.

"Spill it. Why are you here?" tanong ni Darp.

"Wait. Wala akong maintindihan. Paano nyo sya nakilala?" curious na tanong ni Clar.

"She's a fairy. An evil one." simpleng sabi ko. Alam ko namang maiintindihan nya yan eh.

"Now tell us, Why are you here?" paguulit ni Darp ng tanong nya.

"Wala na kayo dun." sabi nya na walang emosyon na pinapakita.

"Sa ngayon palalampasin ka namin. Pero sa oras na may mangyaring masama babalikan ka namin. Tandaan mo yan." pagbabanta ko sa kanya atsaka umalis.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok at dumiretso sa locker ko. Pagbukas ko ng locker ko ay may nahulog na maliit na sobreng kulay pink na may black na ribbon. Para syang invitation type. Binuksan ko yung papel at binasa yung printed message.

"Trust. Betrayal. Death is waiting for you. Be careful. Don't get caught."

                                       -2353217343747432

Anong ibig sabihin nito? Sinong nagpadala sa'kin nito? Si Shelby kaya? Naiisip ko pa lang na sya yung nagpadala ay nagiinit na ang ulo ko.

Sakto naman na nakasalubong ko sya. Iwinagayway ko sa kanya yung sobre.

"Anong gagawin ko dyan? May party ka? Invited ako?" mataray nyang tanong.

"You mean , Hindi ikaw nagbigay sa'kin nito?" takang tanong ko sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Pwede ba? I don't have time to deal with your craziness." pataray nyang sabi at tsaka sinangga ako at tuluyan ng umalis.

Kung hindi sya. Sino? Haaay hayaan na nga baka nagkamali lang ng locker na napaglagyan yung may-ari nito.

Sabaw ang update wahahahahahaha XD Darpley Ford nasa pic xD

The Magic Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon