Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko si Naxian Lockheart na naghahanda na para sa drag racing na sinalihan namin.
Tatlong taon na ng magsimula akong bantayan ang bawat galaw nya at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang katakot-takot sa mga kilos niya. Baka naman nagkamali lang si Queen Jewel ng impormasyon na nakuha? Sa itsura kasi ni Naxian mukhang isa lang syang mahinang mortal.
Yes, He's good in academic , sports and in racing pero kahit kailan ay hindi ko pa nasasaksihan ang paggamit nya ng magic. Ano nga ba ang kapangyarihan nya? Sya ba ang sinasabi ni Queen na tatalo sa mga kalahi ko? I don't think so. Nag-aaral kami sa isang unibersidad ng mga mortal at hindi ako sigurado kung ilan kaming mga nilalang na may kapangyarihan ang nandoon at wala akong pake kung ilan kami. I only think about is my mission. Misyon ko na manmanan ang bawat kilos ni Naxian at kung may progress na ba sa pagtratraining nya kung paano gamitin ang magic nya. Kaya ako napadpad sa drag racing na to. Kung tutuusin kayang kaya kong talunin ang mga kalaban ko because i can use magic. Lahat na ata ng sinalihan nya ay sinalihan ko na rin pero hindi ko pinapanalo yung sarili ko dahil ayokong mapansin nya 'ko. Dahil baka ikasira pa ng plano at misyon ko.
"Attention players, the race will start in 15 minutes....."
Agad agad kong inayos ang sarili ko at saka pumasok sa Yellow Dodge Viper GTS ko. Sinulyapan ko si Naxian at nakita kong nagreready na din siya.
Huminga ako ng malalim at tsaka napapikit saglit. Mukhang kailangan ko na kasing gamitin yung magic ko para maipanalo 'tong race na 'to.
3 years ago ...
"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na wag na wag mong gagamitin ang kapangyarihan mo laban sa mga mortal?" galit na sabi ni Queen Jewel.
"Pero hindi ko po ginawa ang sinasabi nyo. Na-framed up lang ako"
"What are you talking about? Ang mahal kong anak na prinsesa ang nagsabi na nakita ka nya. Sinaktan mo ang isang mortal gamit ang iyong kapangyarihan"
"That's not true. Ang anak nyo ang nagframe-up sakin." hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napasigaw na ako sa galit.
"Baka nakakalimutan mo na ako ang reyna dito kaya wag mo 'kong pagtaasan ng boses. Whether you did it or not I will still punish you because of your rudeness."
"Hindi naman po ata makatarungan yan. Hindi porke't isa lang akong pangkaraniwang fairy ay paparusahan nyo ako ng ganung ganun lang na hindi manlang inaalam ang totoo. Oo kilala ako bilang pasaway na fairy pero hinding hindi ko po magagawang manakit ng tao QUEEN." pinagdiinan ko talaga ang word na Queen.
"Para naman hindi mo isipin na masama akong reyna , let's just say that you have to accomplish one mission that will save windsor castle." ang galit kong expression ay napalitan ng excitement. I love missions , another adventure na naman to.
"What mission?" i asked her
"Pupunta ka sa mundo ng mga tao." shocked is written all over my face. Is this true? I'm really excited woah this is my dream ang makasalamuha ang mga tao.
"Really?" paninigurado ko na may malapad na ngiti sa aking labi.
"Yes , kailangan mong manmanan ang taong or rather wizard na nagngangalang Naxian Lockheart. Kailangan mong bantayan ang bawat kilos nya at agad na ireport sa akin. Hindi lang sya basta basta isang wizard, taglay nya ang mga elemental , mental and arcane magic. At siya rin ang may kakayahan na tumalo sa atin. Kailangan mo syang manmanan dahil kung hindi ay mauubos tayo at wala ng mangangalaga sa kalikasan at tuluyang pagkasira ng mundo. Kung maari ay gawin mo syang kaibigan para mas malaman mo lahat ng tungkol sa kanya. Lagi mo din tatandaan na wag na wag kang gagamit ng mahika kung hindi naman kinakailangan. Maliwanag ba?"
~~
~present
Kailangan na nya akong mapansin ngayon kaya kailangan ko ng gamitin ang magic ko. I need to be-friend him for the sake of my mission. Oo , nagugustuhan ko na dito sa mundo ng mga tao pero gusto ko ng bumalik sa kaharian namin.
"Ready, Get set, Go..." anunsyo ng MC kasabay ng pagputok ng baril.
Agad agad kong sinumulang iistart ang aking Dodge Viper GTS at tsaka finull speed ito pero sadyang magagaling ang mga kalaban ko kaya't wala na akong choice kung hindi gumamit ng mahika.
Isa akong wind fairy. Kaya naman kaya kong kontrolin ang hangin.
"By the power of wind,
I command you to manipulate the
speed of this object..."
And yes, wala akong magic wand and i don't need a pixie dust to use my magic. The heck? We don't use that. We only need to recite a command then boom ! Wala tayo sa isang fairy cartoons show na ako ang bidang fairy na mayroong magic wand na may star sa tuktok.
At tsaka ko tinutok ang point finger ko sa Ford Shelby Cobra GT500 na nasa harapan ko na ngayon ay naunahan ko na.
Sunod ko namang pinoint-out ay ang White Bugatti Veyron at naunahan ito.
Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko hanggang sa malagpasan ko na ang Porsche 911 at Pagani Zonda C12 S 7.3 na kani-kanina lang ay hindi ko maabutan.
Tanaw ko na mula sa kinalalagyan ko ang White Porsche Carrera GT ni Naxian. A smirk formed into my lips. Agad din itong nawala ng hindi tablan ng magic ko ang kotse nya. Tsk . I thought it would be easy to beat that bastard.
Binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo at nung magkapantay na kami ay sinangga ko ang pinakamamahal nyang Porsche Carrera GT. Agad naman syang nawalan ng kontrol dahilan para maunahan ko sya.
Tiningnan ko sya sa side mirror at nakitang humahabol siya kaya naman mas lalo ko pang binilisan. Halos magkapantay nalang ang distansya naming dalawa at kung tama ang kalkulasyon ko, ay may posibilidad na maunahan nya ako. Mula dito ay tanaw ko na ang finish line. Konting konti na lang ay ako na ang mananalo pero dahil magaling talaga ang kalaban ko kung kaya naman ay 2nd placer lang ako.
Lumabas na ako ng kotse upang icongratulate si Naxian subalit paglabas na paglabas ko ay nandoon sya sa tapat ng kotse ko.
"Uhm Congratulations. You did great." naiilang kong sabi
"Thanks. Ikaw din naman eh. Na-amazed nga ako sa'yo eh. You're cool . Imagine , you're the only girl who qualified in this race and you almost beat me."
"Thanks for the compliment and you are..?" tanong ko kahit naman alam ko na pangalan nya.
"Hey Nax who's this ravishing lady in front of you?" tanong ng lalaking kaibigan ni Naxian na kasali rin sa race. I told you i know him too well.
"She's my opponent earlier." nginitian ko si Giovan— Naxian's one and only friend or should i say bestfriend.
"Whooahh she's really good . Muntik ka na nyang matalo. I wonder kung ano magiging reaction mo kung natalo ka nya. Nakakababa siguro ng ego no? haha." tanong nya kay Naxian.
"Hey ! Wag nga kayong magusap na parang wala ako dito at hindi ako ang pinaguusapan. I better leave now, i guess." paalam ko pakiramdam ko kasi hindi na 'ko belong sa usapan nila eh.
"Wait.." Naxian grabbed my arm kaya't napaharap ulit ako sa kanila.
"I'm Naxian Lockheart and this jerk beside me is Giovan Lorton." pag-iintroduce nya at tsaka inilahad ang kanyang kamay for a handshake pero biglang nagsalita si Giovan.
"Hey ! Hindi ganyan ang tamang pagdedescribe sa drop dead gorgeous na katulad ko sa harap ng isang magandang binibining ito." kinabig nya ang braso ni Naxian "I'm Giovan Lorton and I have a body you would die for." bahagya akong natawa sa kung paano nya dinescribe ang kanyang sarili. What a narcissistic wizard. Yeah , he's also a wizard. Pero isang mababang uri ng wizard kaya naman tinablan yung car nya ng magic ko.
"Sabrina Spears. Sab for short" at tsaka ko sila nginitian at nakipaghandshake.
—
Forgive my grammar LOL XD Sabrina Spears yung nasa pic xD First time ko gumawa ng fantasy kaya pasensya na kung kulang ako sa knowledge hahahahaah XD
BINABASA MO ANG
The Magic Of Love
FantasiA Wizard and a fairy, will they be able to make a good lovestory?
