Worthless Girl •

15 0 0
                                    

"ANG PROBLEMA KASI SAYO! KINUKUNSINTI MO LAGI YUNG BATA NA YAN! LAGI MONG SINASABI NA OKAY LANG NA AYOS LANG LAHAT NG GINAGAWA NIYA. PERO ANG TOTOO WALA SIYANG NAGAGAWANG TAMA SA BUHAY! NAKAKAHIYA SIYA! ISA SIYANG KAHIHIYAN, ROMMEL!"

"SHUT UP! Anak mo yan! Anak ko siya! Paano mo nasasabi yang mga 'yan? HINDI PORKE NAGKAMALI SIYA NG ISANG BESES AY ISA NA SIYANG KAHIHIYAN! WALANG PERPEKTO SA MUNDO! KAYA TUMIGIL KA, KARLA!"

"Isang beses, rommel? HINDI LANG ISANG BESES ROMMEL. MADAMING BESES NA NIYA AKO NADIDISSAPOINT. HINDI NIYA NAPASA YUNG ENTRANCE EXAM SA UNIVERSITY NA GUSTO KO PARA SA KANYA! HINDI NIYA PINASA YUNG UNIVERSITY NA MAKAKABUTI SA KANYA! ANONG SILBI NG UTAK NIYA KUNG HINDI NIYA GAGAMITIN?"

"HINDI LAHAT NG BAGAY ALAM AT KAYA NG ANAK MO! MAY LIMITASYON LAHAT NG BAGAY, KARLA! KAYA PWEDE BA? YOU SHUT UP! AT MATULOG KA NA!"

Eto na naman. Away na naman. Sigawan na naman. Hindi ko lang naman naipasa yung entrance exam sa isang prestigious university. What's wrong with my mom? Ang dami pang ibang school sa tabi tabi.

Pinunasan ko ang luha na lumandas sa aking mga pisngi. Ayoko na. Nakakasawa na. Buong buhay ko nagtiis ako. Nagtiis ako na magisa lang ako sa buhay.

Oo, nandiyan sila. Pero lagi naman silang wala pagdating sa akin. Paano nasasabi ng iba na maswerte ako? Dahil lang sa mayaman kami? Dahil sa naibibigay nila yung mga luho ko?

Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko sa drawer. Sinuot ko yung jacket ko at nagtali ng buhok. Lumabas ako ng kwarto, bumaba ako ng hagdanan at naabutan ko na nagsisigawan pa din sila.

Dumaan ako sa gilid nila ng hindi lumilingon sa kanila. Tumahimik ng ilang minuto, napansin na yata nila ang presensya ko.

"Iha, saan ka pupunta? Gabi na. It's already 10 pm. Umakyat ka na doon at magpahinga."

Humarap ako kay daddy at nakita ko sa mga mata niya yung pag-aalala at pag-kaawa sa akin. Alam ko na alam niyang naririnig ko lahat ng mga sigawan nila. Tumingin naman ako kay mommy na may inis, disappointment, galit sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanila.

"Magpapa-antok lang po ako, daddy. Babalik din ako agad."

Lumabas ako agad matapos ko magpaalam. Huminga ako ng malalim at umiyak. Umiiyak ako habang naglalakad sa village namin. Tahimik ang lugar, walang tao. Umupo ako sa isang swing. Inisip ko lahat ng mga pangyayari, lahat ng mga away nila. Lahat ng mga pagkakamali ko sa buhay ko. Umiyak ako ng todo. Nilabas ko lahat ng lungkot, hinanakit ko sa pag-iyak. Crying is my temporary escape from everything.

"I'm a mess. Wala akong kwenta. Walang kwentang tao, walang kwentang anak. Worthless girl."

Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kawalan.

"No. You're not a mess. Lahat ng tao may mga pagkakamaling nagagawa. Lahat ng tao nagbibigo. Huwag mong sabihin 'yan."

Napatingin ako sa lalaking nagsalita. May inabot siya sa akin na panyo ngunit di ko tinanggap.

Sino siya? Sinubukan kong titigan ang kanyang mukha pero madilim masyado kaya di ko maaninag ito. Tanging ang husky na boses lang niya ang naririnig ko.

"Hello. Ako nga pala si Xyrus. Huwag ka na umiyak. Panget sa babae yung umiyak. Alis na ako!"

Nilapag niya ang panyo sa swing at agad tumakbo. Tinignan ko lang siya habang tumatakbo. Kinuha ko ang panyo na nilapag niya sa swing.

Worthless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon