Sino pipiliin mo? Si crush o si secret admirer?
==========================
Si Daisy ay simpleng istudyante na nag aaral sa Chu chu Academy. May gusto siya kay Lay ko este Lay. Si Lay ay isang heartthrob at captain siya ng basketball maraming tagahanga sa kanya at kasali na ako dun.
May laro ngayon syempre si Daisy hindi magpapahuli kasama ang kanyang bff na si Ana.
"Late na naman yung prince mo" sabi sa kanya ni Ana. Di niya na lang ito pinansin dahil busy siyang tignan ang prince ko este prince niya.
Biglang tumingin si Lay sa direction ni Daisy at kumindat ito. Muntikan ng malusaw si Daisy dahil sa ginawa ni Lay.
"Bestie, kinindatan niya ako" sabi niya sa bff niya.
"Wag kang assumera"
Pagkatapos ng laro syempre nanalo ang team unicorn. Pumunta ang mag bff sa locker nila.
Laking gulat ni Daisy for the first time dahil may nag bigay sa kanya ng letter.
"Bes tignan mo may letter ako"
"Oo nga no. Dali basahin mo na. May secret admirer na siya ayieee" panunukso ni ana sa kanya
Hi Daisy my loves
I love you.
Love,
Unicorn
(A/N: di ako mahilig sa chessy moment)
Sa simpleng sulat kinilig ang dalawa
"Baka si Lay to" sabi niya
"Ay. Wag kang magassume sa bandang huli ikaw ang masasaktan. Porke unicorn si Lay pogi kaagad. Malay mo nasa team unicorn"
"Pero kinindatan niya ako kanina"
"Sa girlfriend niya yun"
Baka nga hindi si Lay sa isip isip niya. Araw araw siyang nakakatanggap ng nga sweet letters galing kay unicorn.
Hindi na rin siya nakakanuod ng laro ni Lay. Sa tingin niya mahal na niya si unicorn at hindi na si Lay niya. Yes akin na si Lay.
Sa araw nato finals na ng basketball. Nakatanggap si Daisy ng letter.
Annyeong Asawa ko
Mag papakilala na ako
Love,
Unicorn
Dahil sa sobrang excited niya nakalimutan niya na finals ngayon.
Sa kabilang banda nawawalan ng focus si Lay ngayon. Ilang araw na siyang ganto. Nasan ka na? sa isip ni Lay.
Pagkatapos ng Laro. Pumunta si Lay kay daisy nakita niya ito sa locker.
Napansin ni Daisy si Lay. Hindi maipinta ang mukha ni Lay ko.
"Musta ang game?" tanong niya kay Lay ko hindi na siya naiilang kasi may unicorn na siya.
"Okay lang" sagot ni Lay.
"ahh" yun na lang sinabi niya. Aalis sana siya kaso hinila siya ni Lay at niyakap niya ito.
"Mahal kita" sabi ni Lay ko. Ang sakit ha?
"Lay... may mahal na ako" sabi ni Daisy
"Alam ko" sabi ni Lay at hinalikan si Daisy sa noo. Nakita ni Daisy may tumulong luha galing kay Lay.
Pumunta si Daisy sa rooftop. Sakto nandun si Ana.
"Sabi na nga ba dito ka pupunta" Nakita ni daisy na may dalang flowers
"Sayo tong flowers"
"sino nagbigay?"
"Yung prince mo slash unicorn mo slash secret admirer mo"
Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Ana
"Panalo sila. Nagpakilala si Lay na siya ang unicorn mo ang sabi niya kanina Daisy kung nandito ka ako ang unicorn mo. Diba sabi ko magpapakilala ako kaso mukhang wala ka dito. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita"
Pagkasabi ni Ana nun biglang tumakbo si Daisy papuntang court sakto nandun si Lay. Binato niya si Lay ng flowers
"Gaga. Emo ka na naman. Ngayon ko lang na narealize na mahal kita Lay. Mahal na mahal kita asawa ko"
"Alam mo na" takang tanong ni Lay
"Hindi asawa ko. Di ko alam" pambabara niya sa asawa ko este niya.
Dahil sa tuwa ni Lay bigla na lang sinunggaban ng halik si Daisy at tumugon naman si Daisy.
"Tayo na, asawa ko"
"Ayaw mo ata"
"Joke lang"
Pagkatapos nagpakasal sila pagtapos nila mag aral. Ang court, mga bola, ang Chu chu academy at lalong lalo na ang mga cctv ang mga saksi sa pagmamahalan nila
THE END
==========================
Dedicate to Zhang Daisy @exocouples519
Hindi talaga ako sweet yan lang kaya ng powers ko.
Vote
Comment
Thank you