Chapter 6 : Meet Tyson Keith Tiangco and The Boys

89 5 1
                                    


Keith's POV

Siguro nakilala ninyo ako bilang masungit noh?

Well, di naman yun totoo

I'm Tyson Keith Tiangco 16 years old , mahilig sa music , collection ko ang mga sapatos , well, masungit ako sa di ko close . Kilala akong miyembro at leader ng Campus Prince.
Mayaman ang pamilya ko, hindi naman sa pagmamayabang pero totoo yun.

Galing kami ng barkada ko sa isang exclusive boy's school, lumipat lang kami kasi ang boring na doon.

Yung babaeng chubby at nerd ,di naman sa napapangitan ako sa kanya actually ang cute niya nga asarin eh kaya inaasar ko na lang siya .
Hindi naman talaga siya pangit eh, siguro nga yung sa airport napagsabihan ko siya ng ganon kasi na asar lang ako , dahil sa malagkit nga yung juice, pero yung pangalawang pagkikita namin sa mall natuwa lang ako kasi ang cute niya magalit namumula yung pisngi niya , alam ko naman na meron pang natirang libro doon, gusto ko lang naman makita siyang mainis eh.

At yung sa classroom kanina? Hahaha nagulat lang naman ako kasi magkaklase kami.

Meron naman akong barkada, syempre mana sakin' lahat gwapo.

Si Kim Smith - gwapong nerd, lagi nakatuon ang oras sa pagbabasa ng libro, mayaman, Hindi din masyadong pala imik. Mahiyain din minsan

Si Andrew Perez - playboy , maraming chixx, wala pang sineseryosong babae, cassanova daw eh , mahilig din magbar, matangkad , maitim , kulot ang buhok pero gwapo , akalain niyo yun? Kakaibang kagwapuhan ,pero habulin ng mga babae at bakla , pero syempre mas gwapo pa din ako

Si Jonard Dy - CHILDISH , yan siya , sobrang ingay niyan , kahit anong lumalabas sa bibig niyan eh , gwapo at matangkad din , Mayaman

Si Kris Jonas Lee- gwapong maputi , pero sobrang KJ . Minsan siya yung parang matanda samin' sobrang sungit! Nakakatakot din magalit kasi nanununtok agad , pero syempre dapat sakin sila matakot hahaha!

Kung tatanungin ninyo ako tungkol sa lovelife ko?

*flashback*

2years ago...

"Babe!!!" Sigaw ni Patricia ,
Si Patricia ang girlfriend ko , sexy ,maganda at mayaman

"Yes,babe?" Sagot ko

"Babe!! Natanggap akong Model sa France! Matutupad ko na pangarap ko. " sabi niya , pagkarinig ko noon parang nalungkot ako

"Ah , great! Ano ng plano mo?" Tanong ko sakanya

"Syempre I'll take the opportunity . " sabi niya
"Diba papayag ka naman?" Pagtuloy niya .

Alam ko naman na sobra niyang gusto ang pagmomodel, so hahadlang pa ba ako sa pangarap niyang iyon?

"Oo naman !" Sabi ko sabay yakap sakanya .

"Thanks babe , I love you! " sigaw niya

"I love you too , babe" sagot ko naman

After 3 days :

Nandito na kami sa airport at ihahatid ko na si Patricia

"Babe , call me everyday ok?" Sabi ko sakanya

"Oo naman !" Sagot niya

"Huwag ka masyado papagod doon hah? Kumain ka ng marami ." Paalala ko

"Babe, its okay, part of modeling ang mapagod ok?" Sagot niya

"Oo na, take care, I love you" sabi ko

" yes , I will , I love you too" sagot niya , and we said our goodbyes

Noong una , lagi kaming magka video call, nagkakamustahan pero after a month , di na siya masyadong nag paparamdam .
Inopen ko ang facebook ko at iba't - ibang pictures ni Patricia ang nakita ko ,nung una pictures niya lang yung nandoon , pero ngayon may mga kasama na siyang iba't - ibang lalaki sa isang bar. Hindi ko alam kung paano siya nakakapasok sa ganoong bar , ang bata niya pa .

Tiningnan ko kung online siya at sakto, minessage ko agad siya :

Me: Babe. How are you?

Patricia : I'm fine.

Me: Bakit hindi kana nagpaparamdam?

Patricia : That's the point , I want to breakup with you .

Me: huh?! BAKIT , DAHIL MAY MGA LALAKI KA NANG NAKILALA JAN?!

Patricia: Yes , Tyson! WE'RE DONE! MAS MARAMING NAKAHIHIGIT SAYO! Bye!

Sa sobrang galit ko , naitapon ko yung gamit ko .
Ano bang ginawa ko para hiwalayan niya ako.!?

Kinuha ko yung phone ko and dialled Andrew's number

"Dude!" Sagot ng nasa kabilang linya

"Punta kayo dito sa bahay, magdala kayo ng alak,inuman tayo,lahat ng barkada! Geh bye!" I replied and ended the call

Pumunta naman ka agad yung barkada.

Kumuha agad ako ng alak at ininom ito . Pagkaubos ko noon ay kumuha ulit ako , hanggang sa makalima ako

"Dude! Tama na yan? Ano bang problema mo? " tanong ni Kris

"Hindi ka naman umiinom masyado ah" sabi naman ni Jonard

" Nakipagbreak na si Patricia" walang ekspresyon kong sagot

"Eh bakit daw?" Tanong naman ni Kim

"Mas may nakahihigit daw sakin!" Sabay tapin nu g bote

"Oi tol! Tama na yan!" Pagpigil sakin' ni Andrew

"Hayaan ninyo muna ako. Salamat , kung gusto ninyo umuwi , pwede na kayong umalis." Sabi ko

"Sige pre', alis na kami, tawagan mo na lang kami kung may kailangan ka, andito lang kami " sagot ni Kris

Di na lang ako umimik .

*end of flashback*

Simula noon , nagsungit na ako lalo na sa mga babae. Sana huwag na siyang bumalik, nasasaktan pa rin ako sa mga nangyari pag na aalala ko ang mga nangyari . Hindi ko alam kung anong gagawin ko pagbumalik siya .

______________________________________________________

A/N : Thanks for reading :*

Pinaasa-Umasa , Nagmahal - NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon