Chapter 14: Admirer

56 3 0
                                    

Mandy's POV

Papunta ako ngayon sa Locker ko at may kukunin na books for our assignment. Ok share lang hahaha.

(Baliw lang? )

Ay ewan ko sayo Ms.author , ikaw gumagawa ng story eh.

(Ahh oo nga? Ako pala baliw , kinakausap sarili.sige byeeee )

Pagkabukas ko ng locker ko , eh may nahulog na papel .

Kinuha ko ito at may nakasulat sa violet na papel , fave color ko pa :)

Huh? Letter?

"Hi Amanda,

May chocolates pala sa locker mo , oo alam ko ang corny ko pero sa simula pa lang gusto na kita eh . Ang cute cute mo . Tska ang bait mo pa . Hayaan mo magpapakilala ako sayo sa tamang panahon

-Your Admirer "

Tamang panahon? Aldub fan kaya toh? Hahaha . Pero wait? Admirer, may admirer ako? May nagkakagusto sakin kahit ang taba taba ko? Sino naman yun.?

Oh well kunin ko na lang yung chocolate at books ko . Then uuwi na ako .

Someone's POV

Andito ako ngayon sa sulok , tinitingnan si Amanda .

Sana makuha niya yung letter ko . Nakita ko naman na nahulog yung sulat ko para sakanya at alam kong babasahin niya yun.

Kinuha niya ito at binuksan at binasa niya na ang sulat.

Oo, matagal ko na siyang nagugustuhan . Hindi naman siya mataba eh, chubby lang naman . Ang cute niya nga eh. Ang bait niya , siya yung tipo ng babae na mapagkumbaba , at narinig ko na din siyang kumanta , nakaka inlove lang. So gay . Pero totoo na tong nararamdaman ko .

Pero may nagbago sakanya, pumayat siya , oo bagay pala sakanya. Oh siya magapapakilala ako sa tamang panahon.

Mandy's POV

Papunta na ako ng parking lot at kinakain ko na din yung chocolate.
Infairness sa admirer kong yun ah. Galante .
Napapasarap na ako sa kain eh , sira diet ko , nako talaga mapapagalitan ako ng mga bestfriends ko pag nakita nilang kumakain ako neto

"MANDY!!" OMG speaking of bestfriends

"Ano ba yan ! Bakit ka kumakain ng chocolate alam mo namang high in calories and fats yan diba? Sino ba nagbigay niyan? O bumili ka!?" Hala nakakatakot naman tong si Phoebe

"Eh? An---" Di ako makapagsalita enebeyen

"Nako talaga pag nalaman kong ikaw bumili niyan makakatikim ka sakin" wahh isa pa tong si Joy ><

"Hin--" ughhhh ><

"Sayang lang efforts natin eh!! Nakakainis naman!" Hala si Erine , pinagtutulungan na ako

"Kasi hin---" wahhhhh sasabog na ako -_-

"Ano bakit di ka sumasagot?" Tanong ni Phoebe

"Guys! Halerrr! Paano ba makakasagot si Mandy eh pinuputol niyo yung sasabihin niya , yan tuloy hindi makasingit" pangangatwiran ni Yanna , hay nako si Yanna na lang talaga yung taga awat

"Eh? Sorna! " sabay sabay sila

"Now explain" sabi naman ni Joy

"Eh kasi , ganito yun. Kumuha ako ng libro ko sa locker at may nalaglag na letter"

"Anong connect ng Letter sa Chocolate?" Tanong ni Erine

"Wait lang kasi >< hindi pa ako tapos. So ayon nga may nahulog na letter tapos galing sa admirer ko daw ayun may chocolates na binigay "

"ADMIRER?! O.O" hala sabay - sabay sila parang tarsier pa ang mga mata . Hahahha kakatawa lang . Okay back to reality

"Oo, admirer" sagot ko

"Sino ba yan? Sinong admirer . Oh my Golly! May admirer kana!!" Hala? Tuwang tuwa pa si Yanna

"Buang ka din Yanna? Admirer nga diba , hindi nagpapakilala. Psh" mainitin talaga ulo neto ni Joy

"Nako!! Malaman - laman lang namin kung sinong admirer yan sasapakin ko ! " si Phoebe naman

"Eh bakit naman? Wala namang ginagawang masama eh " sagot ko

"Anong wala? Siya ata sisisra ng pag dadiet mo eh! " inis na sagot ni Phoebe

"Oh siya! Magsiuwi na tayo para makapagpalit ng damit , Mandy susunduin ka namin ng 7:00 pm sharp!" Sabi naman ni Erine

"Huh? Saan? Tska may pasok pa tayo bukas " sagot ko

"hay nako! Hindi ka ba nakikinig Mandy? May seminar lahat ng teachers natin bukas . tska may pupuntahan tayo mamaya pero secret muna " sagot ni Yanna

"Sige na uwi na tayo!" Pagmamadali ni Joy

"See you guys!" Sigaw ni Erine

So ayun nga pumasok na kami sa kanya kanyang sasakyan namin. Psh saan naman kaya kami pupunta mamaya ? Bahala na nga , sasamahan ko na lang sila!

--*

New update :*
Okay hope you like it. Pls. Comment and vote kung nagustuhan ninyo. Love you -author

Pinaasa-Umasa , Nagmahal - NasaktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon