1

0 0 0
                                    

"ANONG GINAGAWA MO SYL?!"

Nabitawan ko agad ang hawak kong palayok na nilalagyan ng mga bulaklak ni Tiya kaya nabasag yon.

Hinawakan nya agad ako sa braso para ilayo sa bubog.

Bumuntong hininga sya bago linisin yon kaya naglakad ako palapit sa nagiisang kama dito sa loob ng aking silid.

Hindi ko pa nararanasang lumabas dito kahit isang beses at tanging ang maliit na siwang sa kisame lang ang nagbibigay ng liwanag dahil may bumbilya naman sa loob ng kwartong ito.

"Tiya.. kailan ako makalalabas? Kailan ko makikita ang langit?"

"Malapit ka na mag disi otso, Syl. Malapit na."

Kumunot ang noo ko dahil mabilis syang nakarating sa pinto sa isang pagkurap lang.

Malapit na? Ngunit labing dalawang gulang pa lamang ako.

Paano naman iyon e mabagal lumipas ang panahon.

Sinara nya muli ang pintuan na gawa sa bakal kaya magisa na uli ako.

Sinuklay ko ang kulay nyebe kong buhok na may halong kulay lupa.

"Nagugutom ako." Bulong ko.

Simula nung limang taong gulang ako ay dito na ako dinala noong dating kalaro ko. Sabi nya maglalaro lang kami tapos di na nya ako inuwi.

Buti nalang tanda ko pa ang itsura ng bahay namin ngunit hindi ang itsura ng aking mga magulang.

"Syl? Ihahatid ko na maya maya ang iyong pananghalian." Sigaw ni Tiya sa maliit na butas na naroon sa bakal na pinto.

Luna's spiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon