Nasasabik akong makita ang labas ngunit sa kabilang banda ay kinakabahan din.
Bakit tila napaaga ata ang aking paglabas gayong wala pa ako sa tamang edad?
Gaya dati ay tumabi sakin si Tiya at kinantahan ako hanggang sa makatulog ako.
Mabilis lang din akong dinalaw ng antok pagkapikit ko ng aking mga mata.
Kinabukasan ay hindi ko na naabutan sa tabi ko si Tiya kaya tumayo na ako para silipin sa banyo ang aking nagdurugong pagkababae.
Napansin kong tuyo na ang dugo sa pasador na suot ko kaya huminto na malamang.
Bumuntong hininga ako at lumabas pagkatapos itali ang buhok ko.
"Tiya.. tiya nagugutom na po ako!"
Bumukas ang pinto pero imbis na si Tiya ang masilayan ko ay isang matandang babae na may kulay lupa na buhok.
Kumunot ang noo ko at sinuri sya.
May dala syang pagkain ngunit hindi gaya ni Tiya na laging nakasimangot ay nakangiti ang matandang to.
"Ito ang kakainin mo Ms. Deinsyl. Heto naman ang isusuot mo dahil aalis na tayo agad kapag natapos ka nang kumain." Nilapag nya sa maliit na mesa yon pero nakatitig lang ako sakanya.
"Sino ka? Nasaan si Tiya?"
Ngumiti sya nang malaki.
"Wala na sya.. hindi ba nila sinabi sayo?"
"Na ano?"
"Pumanaw na sya. Napagtripan ng mga lobo sa gubat kanina habang naghahanap ng ubas na paborito raw ng alaga nya. Kung tama ako ay ikaw ang alaga nya diba?"
"Ako nga.."
Tumawa ako nang malakas kaya nagtaka ang mukha nya.
"Pinagtripan ng mga lobo kaya sya pumanaw? Bakit ho hindi nya na lamang pinutok isa isa?" Natatawang turan ko.
******************
That's all for tonight hehe have a goodnightt guyss
BINABASA MO ANG
Luna's spirit
FantasyThis is on the spot SA LAHI NG MGA BAMPIRA, AKO ANG PINAKAMAHINA. "You are the weakest one here, bakit ako papatol sayo? Baka tao ang nakabùntis sayo." Napayuko ako. Anger started to eat me. Nag angat ako ng tingin. "SHE HAS BRIGHT AMBER EYES!" Na...