8

0 0 0
                                    

"Anong ibig mong sabihin, Tiya?"

Tila sumikip ang aking paghinga. Sa walang taong pananatili ko rito ay nasanay na akong katuwang sya.

"Tapos na ang trabaho ko oras na umalis ka sa silid na ito, Syl." Nakangiting sabi nya.

"Ngunit.. hindi na kita makikita?"

Tumango sya.
"Oo. Iyon ang nais mo, matagal na hindi ba? Masisilayan mo na muli ang mga puno, langit at bundok."

"Pero nasanay na ako sa pangit mong mukha.." naluluhang sabi ko.

Hinila nya ang buhok ko kaya tumawa ako.

"Tiya ayokong umalis ka. Hindi ka ba maaaring sumama sa akin?"

Umiling sya.
"Hindi. Hindi na rin ako babalik, Syl. Kailangan mong matutuhan na alagaan ang sarili mo nang magisa at walang kaagapay na iba. Ipagtanggol mo ang iyong sarili nang walang kahit anong tulong mula sa iba."

Yumuko ako.

"B-bakit kung makapag salita ka ay tila papanaw ka na?"

"Sa kwartong ito, dito ka lumaki at dito rin nahasa ang iyong utak. Tignan mo lahat ng mga bagay na nandito dahil paglabas mo, puro peke na ang makikita mo."

Kumunot ang noo ko.

"Tiya hindi nalang ako lalabas dito."

Lumiwanag ang mukha nya at ngumiti.

"Bakit? Gusto mo pa akong makasama?"

"Ayoko pong lumabas dito nang dumudugo ang aking pagkababae.."

Luna's spiritTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon