0

4 0 0
                                    

Kanina pa ako hikab nang hikab dito habang nakatunganga sa nagsasalita sa harapan. Maulan sa labas kaya ‘yong lamig na napapadako sa loob ay parang hinehele ako. Hulaan niyo kung asan ako...


“At iyon ang winika ni Jesus...” saad ng pari at binuhusan ako ng tingin.



Maingat ko namang inayos ang sarili ko. Umupo ulit nang maayos dahil napansin kong malapit ko nang masukat ang timpi ni Mama.




“Umayos ka riyan. Lagot ka talaga sa akin sa bahay mamaya,” bulong niya. Naramdaman ko ang inis mula sa tono ng pananalita niya kaya sinaway ko muna ang aking sarili.



“Tsk,” palihim na bulong ko.


Inip na inip na ako rito. Kailan kaya ‘to matatapos? Kung ako ‘yan ilalagom ko talaga ‘yung speech ni father. Ang haba, daig pa word count ng essay ko.




“‘Ma, matagal pa ba ‘to? May mga gagawin pa ako sa baha— aray, ah!” Napakurba ang aking katawan nang bigla akong biniyayaan ng banal na kurot ni Mama sa tagiliran. Syempre, hindi ko pinahalatang kinurot ako. Nakakahiya.




“Huwag tayong maging suwail.” Akma ko sanang ituon ang atensyon sa gwapong sakristan, pero napabaling ako kay father nang bigla niyang diinan ang sinabi niya habang nakatitig sa akin.




“Makinig tayo sa salita ng Diyos.” Napasandal ako sa backrest ng upuan nang muli niyang diinan ang sinabi niya habang matalim na nakatitig sa akin. Napalunok ako nang maramdaman ko ang matalim na salita niya na tumutusok sa tagiliran ko. Mas masakit pa sa kutsilyo sa Tondo.




Problema ng matandang ‘to?



“Kaya mga kapatid, mahalagang sikapin nating pumunta rito sa bahay ng panginoon. Imagine, isang beses lang po sa isang linggo, hindi pa buong araw ang hinihiling ni God,” saad niya.




Inikot ko ang aking mga mata, lahat sila ay nakapokus kay father. Pero si father, sa akin naka-focus. Personalan ba ‘to?




“Maliwanag po ba?”



“Yes, father!” tugon ng mga nakikinig. Tumango-tango na lamang ako na para bang nakinig ako sa sermon ni father.



Pagkatapos ng halos tatlong oras na taasan namin ng kilay ng katabi ko, sa wakas ay makakauwi na rin kami. It’s been a while since the last time I had been here. Kakabalik lang namin mula sa Manila dahil na-miss daw ni Dad ang fresh air.


“I miss my friends,” baigla kong nasambit sa kalagitnaan ng biyahe papuntang restaurant.



Kung titignan ay marami nang nagbago sa lugar na ito. Kung dati ay rural area ito, ngayon ay parang urban na sa dami ng mga human infrastructure.


“Wala ka bang kilala rito, Savanna?”



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Holy Daddy Where stories live. Discover now