Chapter 1

16 2 0
                                    

Chapter 1

"Class, I have a hanging question for you. You just have to put the answer on a one-half sheet of paper. Here it is. Do you believe with forever?"

Napakurap-kurap ako sa tanong ng teacher namin. Seriously? Pati utak nito nahawaan na ng social media infection?

"Cher, naniniwala ka ba sa forever?" napakidlot ako kay Stella, kasi bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko.

"'Wag ka ngang nanggugulat!" sigaw ko sa kanya. Wala na naman 'yung teacher namin eh.

"Sorry," nag-peace sign siya. Kinunot ko ang noo ko. "Ano ulit 'yung tanong mo?"

"Ang sabi ko, naniniwala ka ba sa forever!"

Tinakpan ko 'yung tainga ko. Puro forever-forever na kasi 'yung naririnig ko sa kanilang lahat at nagsasawa na ako! Lagi nalang 'yan 'yung trending topic dito sa room! Actually hindi nga lang dito sa room na'to eh. Pati sa other section or should I say, the whole students dito sa Montefalco University.

"Uhmm, nope." Her eyes widened.

"Ibig sabihin kasama ka sa mga taong hindi naniniwala sa forever?!"

"Di ba obvious?" I said then rolled my eyes.

"Oh well, me? Naniniwala ako. Kasi nandyan si Fafa Syl. He's so guwapo! Oh myy, I'm so very very inlove!" sabi niya habang nakapikit.

Napangiwi ako. "Sino nanaman 'yang Syl na'yan? New fandom?" binatukan niya ako.

"Gaga! 'Yun 'yung transferee student sa kabilang section! Sikat agad 'yun dito kasi sobrang guwapo. Ayun naging crush ko na'rin."

Hinampas ko siya sa braso niya. "Lumayo ka sa'kin!" hinampas ko ulit siya. "Ayokong mahawa sa kabaliwan mo!" Binalibag ko 'yung gamit niya naiinis ako sakanya! "Porke't nakakita ka lang ng guwapo crush mo agad?! 'Wag kang tatabi sa'kin ah!" napakamot siya ng batok niya at pinulot 'yung gamit niya. "Saka tandaan mo, Xylie! WALANG FOREVER! MERON LANG TOGETHER!"

Napatingin sa akin 'yung mga kaklase ko na parabang sinasabi nila na "Merong forever anuh!" Inirapan ko sila. Tss! Totoo naman eh, walang forever. Lifetime pa siguro, oo payag ako. Pero forever?

"Merong forever! Ayaw lang paniwalaan ng mga bitter! Kagaya mo! Bleeh!" sabi ni Xylie bago lumipat ng ibang upuan.

Umiral nanaman 'yung pagka-brutal ko, nakakainis. Haist! Ayoko kasing paniwalaan 'yan eh.

At never, ever akong maniniwala sa forever. Patayin niyo nalang ako kung maniniwala ako diyan.

❄❄ ❄❄ ❄❄ ❄❄ ❄❄ ❄❄

A/N: VOMMENT PLEASE

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WALANG FOREVER! (Meron Lang Together)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon