Lesson #36

4.5K 100 3
                                    

Kinakabahan ako. . .

"Hey you look tensed. . . "

"Ha?"

"Your hands are shaking. ..saka kanina ka pa di mapakali, may nararamdaman ka ba? Masakit ba ang tiyan mo?"

"H-hindi...ano kasi.." pano ko ba ipapaliwanag to. . "An--"

Hinawakan niya ang kamay ko. . "If it's about you and the ball . .you don't have to feel nervous, mas dapat maging confident ka tonight. .look at yourself at the mirror. . I'm sure you earn a lot attention, especially men..."

"Salamat. Laance" ginantihan niya ko ng ngiti at pinisil pa niya ang kamay ko, kahit papano gumaan ang nararamdaman kong kaba. .

Si Lance ang nag alok saking sumabay sa kanya tutal siya naman daw ang partner ko ngayong gabi, nagpapasalamat talaga ako at may Lance na nagpapagaan ng loob ko pero hindi parin ako mapakali. . Tumingin nalang ako sa labas ng bintana..ayaw kong makita pa ni Lance na muka na naman akong constipated, baka maabala ko pa siya sa pagdadrive..

Ang gwapo pa naman niya para maging driver ..

Masasabi kong siya na talaga ang literal na "Modernong Prince Charming.." Kahit sinong babae mapapalingon sa kanya. . At pakiramdam ko ang swerte ko ngayon, aba?! Ako ang napili niyang prinsesa ngayong gabi. . Pero malas din ako sa kabilang banda..siguradong papaulanan ako ng mga nakamamatay na titig galing sa mga babaeng humaling sa kanya.

Haaayyy....

Ano ba tong nararamdaman mo Red??

Simula ata ng umalis kami sa mansiyon nina Michie hindi na ko mapalagay,alam niyo yun, yung bigla ka nalang kakabahan sa di malamang dahilan, para bang. .. may hindi magandang mangyayari...

Ano naman kaya..

Huminga ako ng malalim..

Bakit ba masyado akong nagiging negative ng mga nakaraang araw, hanggang dito ba naman ganito parin ako..Naku Red! Mabuti pa enjoyin mo nalang ang gabing ito. .isipin mo na ikaw si Cinderella at ngayon, nakatakda kang makitang ang iyong Mahal na Prinsipe sa isang engrandeng bulwagan. . .at ang prinsipeng iyon ay walang iba kundi si..

Rodjan..

Dug dug dug dug

Siguro kaya ako kinakabahan dahil excited lang ako..tama! Excited lang akong muling makita siya. . Hindi ko mapigilang hindi mapaisip..ano kayang hitsura niya?

Kelangan pa ba yung itanung..siyempre isa siya sa Pinakamakisig na prinsipe ngayong gabi..

At ano din kaya ang reaksiyon niya kapag nakita niya ko lalo na't si Lance ang partner ko..

Hindi ko maiwasang di kiligin...siguradong salubong na naman ang kilay nun at parang magtatransform bilang isang halimaw pag nagseselos...masyadong possessive!

Teka nga pala...speaking of partner....sino naman kaya ang partner niya..

Iniisip ko palang na isa sa mga pinakamagandang babae sa University, sumisikip na ang dibdib ko..siguro ganito din ang nararamdaman niya pag....nagseselos siya...mas OA nga lang siya..

Pero muka namang wala siyang kapares, walang nabanggit sina Lance na may kasama siya sa ball saka bukod kina Jobel at sakin,wala narin namang ibang babaeng umaaligid sa kanya..

Sana naman tama ang hinala ko..

"Andito na tayo"  hindi ko manlang napansin na nasa University na kami. .

Pinatay na niya ang makina ng kotse niya at bumaba..ako naman abala sa pagtatanggal ng seatbelt.. . Eto na nga ba ang sinasabi ko..ang hirap kumilos ng nakagown!

When She Fell Inlove with that BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon