B5

8.1K 191 2
                                    

Red's POV



Hindi ko malaman kung F1 racer ba tong kasama o sadyang kaskasero lang talaga. . .



"S-sandali!" Sigaw ko..mamamatay ako sa takot dahil sa kanya!



"Y-yung ga-gamit...Ano ba!" Hinampas ko na siya.. puno na ko! Hindi na nga ko makabuo ng isang pangungusap sa sobrang takot ko..




SCRRREEEEECHHHH..



Yung kaluluwa ko! Tumalsik na ata ulit sa labas..



"What was that for!" Eto na naman siya, .pero dapat hindi matakot..ako ata si Red..atapang atao atakot sa multo..


"Pwede ba magdahan dahan ka?! Hindi lang ikaw ang sakay..hello?!"



"Pssshh.." buti naman at nagdrive na siya ng maayos..kung hindi talaga huhugutin ko na ung itak na pabaon sa---


"SANDALI!!"



SCCRREEECCHH



"F*ck! Just shut up will you!" Ayan na naman siya...tinititigan niya ko ng masama pero sorry ka..sanay na ko sa pamatay mong titig..halos wala pang 3 oras tayong magkasama pinaliguan mo na ko ng sangkaterbang titig mo..Pag hindi pa ko nasanay dun.

"Panu yung gamit ko!! naiwan sa bahay na tinuluyan ko!!" Andun pa naman yung pabaong mangga ni itay..

"Get it by tomorrow"


"Hindi pwede!"


"Don't shout,,I'm not deaf"



"Kelangan kong kuhanin yun..habang...habang...."



"Just say it!"



"Ikaw nga tong laging nakasigaw eh?! Akala mo babaeng nireregla!" Nakita kong nanlaki mata niya.



"F*ck!" Hinampas niya yung manibela ng kotse..sige ka pag nasira yan maaksidente tayo..buti sana kung ikaw lang..


"Kunin na natin ngayon.."

"Give me valid reason.." yun lang pala eh.. " ek kasi kung bukas ko pa kukunin yun siguradong maliligaw lang ako..Bagong salta lang kaya ako eh ikaw mukhang taga dito ka talaga..pangalawa baka abutan ako ng mga Prosti dun bukas tapos hindi na ko makakaalis tapos pipilitin nila akong magtrabaho dun sa bar tapos may manghahara--"

"Stop,," napanguso ako... sabi mo bigyan kita ng valid reason,,tapos patitigilin mo ko..


"So that's the reason why you're in the club street.."

"Oo..tapos ang masakit! Sarili ko pang kadugo ang nagbugaw sakin! Aba! Alam kong maganda ako at seksi pero yung magtrabaho sa isang...anu ngang tawag dun??? Ah tama!! Yung magtrabaho sa isang Strip Club?! Mas gugustuhin ko pang mamalimos sa kalsada noh?!"


"You're talking too much"


"Oo nga eh---sandali? eh bakit ikaw nanduon ka din!!? Wag mong sabihin----" grabe?! Sinasabi ko na nga ba eh! Lahat ng Gwapo sa Maynila---

"I'm not as cheap as they,,I can buy that whole club street" di ikaw ng mapera!

"I can buy that who---hehehe..peace! " tiningnan na naman niya ko ng masama!! Ikaw kasi ginaya gaya mo pa..

Nanahimik nalang ako. ..


"Where's your address" ano?


"Just say it! I don't wanna waste my time with nonsense sh*t" namumuro ka na talaga to sa kasungitan



Pagkasabi ko ng address, walang pasabing  pinaharurot na niya ulit ang sasakyan..mukhang kelangan ko ng magbawas bawas sa pag inom ng kape!!!





---------


"WOOOOOWWW!" Totoo ba tong nakikita ko o nananaginip lang ako... "huy Rodjan,,kurutin mo nga ko"


"ARAY!" Balak ba nitong tanggalin ang pisngi ko!! Kung nasaktan ako ibig sabihin---


"Bahay mo ba talaga to??" Kung iniisip niyong mali ako..MO talaga hindi NIYO..kanyang kanya lang to?! Grabe!! Ang laki laki at ang ganda ganda!! Kung kami ang nakatira dito baka hindi pa kami magkakitaan sa sobrang laki!!


"Get your things"at iniwan niya ko. . . Napaka GENTLEMAN mo talaga! Kahit nung kunin ko yung gamit ko kanina kina Tiya..hindi man lang din niya ko tinulungan,,,buti nalang wala pa sila dun..kaya nakatakas agad ako..



Pero...Grabe!!! Bahay niya ba talaga to!! Sa TV lang ako nakakakita ng ganito kalaki at kagandang bahay.. Gawa sa glass ang buong paligid, may mga iba't ibang kulay ng ilaw na nagbibigay ng kakaibang effects dun sa fountain. .


Kung ganito na kaganda ang labas panu pa kaya pag nasa loob na.


"Faster!"

"Ayy! " nagulat naman ako sa sigaw nito!




Kahit mabigat ang mga dala ko, pinilit ko paring makasunod agad sa kanya, Nagulat pa ako ng automatic na nagbukas yung pinto niya..Wow! Magic!!



"Pssh." Anu na namang problema nito?? Nananahimik na nga ko eh..


"Pwede bang tulung--"



"GOOD EVENING SIR"


"Aykabayo!"



Napatulala ako..ang daming katulong na nakahilera ng dalawang linya tapos...tapos..ang Cute ng Uniform nila!! Gusto ko din yun!!



"This is. . . Wait..what's your name noisy girl" nanlaki ang mata ko. . Ano?! Kanina pa tayong magkasama at halos paulanan mo na ko ng nakamamatay mong titig tapos hindi mo pa ko kilala?! Eh kung hampasin kaya kita ng bag ko!!


"Say it"

"Reginia Dana! Red for short!"

Akala ko siya lang ang mahilig magbigay ng nakamamatay na titig pati pala mga kasamahan niya dito sa bahay..mukhang maaga akong mawawala sa mundo ah..


"Shiela"


"Yes Sir" at may lumapit na magandang babae..nakasuot din siya katulad ng Uniporme ng iba at sa tantiya ko, magkasing edad lang kami. .


"Bring her to the quarters and give the instructions and rules in my house" at naglakad na siya papunta sa napakagarang hagdan.. . .


"Halika na--"



"Sandali lang Rod--este Sir!" Kelangan ko narin atang masanay na tawagin siyang Sir. . ..mahirap na baka matanggal ako ng  wala sa oras..



Dug dug dug dug



Sandali..anu yun?



"Ah..ano...ano kasi..." bakit nablangko ako



"What" salubong na naman ang kilay niya, huminga ako ng malalim

.

.

.Eto na

.

.

.

.

.

"Magkano nga pala ang sahod ko.."

When She Fell Inlove with that BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon