{Dianne's POV}
*Now playing: Stay with me*
Narinig ko ang cellphone ko. Hudyat na bagong araw na naman. Ugh. Pinatay ko ang cellphone ko.
May sampung message akong natanggap.
Yung iba galing sa mga classmates ko tas kay bessy. At yung isa.. unknown number!
09366220997-
Papunta ako sa bahay niyo. Nagtext sa akin daddy mo. Lumabas daw tayo.
-Ejay Monterial
Ano? Hindi pa ako nakapag-ayos. Ugh. Ano bang trip ng tatay ko? Di ko naman kailangan lumabas.
Naaalala ko na naman yung nangyari kagabe. Gosh. Hindi pa din talaga nagsi-sink in ng maayos sa utak ko lahat.
Bumangon na ako at kinuha ang tuwalya. Dumiretso ako agad sa banyo. Matapos ko maligo ay nag-ayos na ako. Light make-up lang naman ang nilagay ko. Nag-dress na lang ako na pula.
*tok tok tok*
"Maam Dianne? Pinapatawag po kayo ng daddy niyo. May bisita daw po kayo sa baba."
"Sige ho! I'm coming!"
Tinignan ko sa salamin ang itsura ko. Ang ganda ko talaga! Medyo mahangin pero yun talaga ang katotohanan. Pfft.
Bumaba na ako sa sala at nakita ko na agad si Ejay. Nakasuot siya ng simpleng maong pants lang at red na polo.
Oh. Ang gwapo niya. Ang bango niya tignan. Walang duda, ang kagwapuhan niya ang dahilan kung bakit ang daming baliw na baliw sa kanya.
Ngumiti ako kay daddy at hinalikan siya sa pisngi.
"Good morning, dad."
"Good morning, iha."
Nagulat naman ako nung tumayo si Ejay. Hinawakan niya ako sa bewang at hinalikan niya ako sa pisngi.
"Good morning, Dianne."
Napatulala ako saglit. Ramdam na ramdam ko na naman yung pamumula ng mukha ko. Gosh. Dapat masanay na ako sa paghalik niya sa pisngi ko kapag nasa harap kami ng magulang namin.
"Uh. Good morning din. So, anong meron dad? Bat pinapunta mo siya dito?"
Kahit nakatingin ako kay daddy, ramdam ko yung pagtitig ni Ejay sa akin. Ugh. Ano bang problema niya?
"Wala naman. Naisip ko lang na summer naman diba? Bakasyon mo na. Bakasyon niyo na. Mas mabuti na sigurong lumabas labas kayo kesa nakatunganga kayo sa mga kwarto niyo. Napagusapan na namin ni Ejay yung dapat niyong gawin. Wala ka nang iintindihin, iha. Osige na. Umalis na kayo!"
Tumango tango lang ako. Inayos ko ang suot ko at nagpaalam na kay daddy. Hinatid niya kami sa pintuan.
Naramdaman ko na naman yung paghawak ni Ejay sa bewang ko. May bilyon bilyong kuryente ang dumaan sa katawan ko dahil sa paghawak niya na yun. The fuck? Nagkakaroon ba siya ng epekto sa akin? Damn it. Hindi pwede.
"Sige po, dad. Alis na kami. Ako na po maguuwi kay Dianne. Goodbye po!"
Nang nakalabas na kami ng bahay ay ako na mismo ang lumayo kay Ejay.
"Sabi ng dad mo ikaw daw ang tatanungin ko kung saan mo gusto pumunta. Hanggang 5pm lang ako pwede. May lakad ako ngayon. Saan tayo pupunta?"
Hm. Nagisip muna ako kung saan kami pupunta. Ayoko na sa mall, nakakasawa. Hmm. AY! Alam ko na!
Kinuha ko yung phone ko at dinial ang number ni bessy.
*kring kring kring*
Bessy: Hello?
Ako: Hi bessy!
Bessy: Sup? Napatawag ka? Miss mo ako agad? Hahaha
Ako: Hmmm medyo! Hahahaha. May lakad ka ba ngayon? Nasaan ka?
Bessy: Aba! Mukhang di pa sure yun ah. Hahaha. Wala. Nasa bahay lang ako. Why?
Ako: Okay. Good. Puntahan ka namin ah? Bye!
Bessy: Teka sino kasama m---
Bago pa niya ituloy ang tanong niya ay binaba ko na ang cellphone ko.
"Uh! May pupuntahan tayo. Halika na!"
Tumango na lang siya at sumakay ng sasakyan ng walang emosyon ang mukha.
BINABASA MO ANG
My Gangster Fiancee
RandomHate at first sight. Posible nga ba yun? There's always a fine line between LOVE and HATE.