Prologue

59.2K 992 236
                                    

I'm here at the beach, I'm currently preparing a date for me and Allesys.

Kinakabahan ako dahil ngayon ko siya tatanungin kung pwede ko na ba siya maging girlfriend, gusto ko na maging official kaming dalawa.

Nagtext na sakin ang mga kaibigan ko na andito na daw sila, kaya nagready na ako. Ilang sandali lang ay tanaw ko na sila, tanaw ko na ang babaeng mahal ko.

Nakangiti akong nakatingin sa kaniya na papalapit sakin, naka blindfold siya.

Nang sa wakas ay nakalapit na siya, agad na tinanggal ng mga kaibigan ko ang blindfold sa kanya.

Nakangiti kong pinagmamasdan siyang kinukusot ang mata, pagbukas ng mga mata niya ay gulat ang unang emosyong nakita ko na agad ding nawala napalitan ng blankong emosyon.

Inabot ko sa kanya ang bouquet na hawak ko habang nakangiti parin, tinanggap niya naman.

"Ang ganda mo, Alle ko." Nakangiting sambit ko sa kanya at inalalayan siya paupo sa upuan.

"What's the meaning of this, Aedan?" Hinawakan ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng table.

"I'm asking you to be my girlfriend now, Alle. I want us to be official." Nakangiti ko paring saad pero nawala ang ngiti na yon ng tinanggal niya ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya.

Nagtaka ako ng tumayo siya.

"Saan ka pupunta, Alle?"


"I'm sorry, I can't. It still him, I still love him, Aedan. K-kami na ulit."

Hindi ito ang ineexpect ko na magiging sagot niya. Ang sakit. Akala ko may naramdaman na din siya sakin dahil sa mga actions niya.

Akala ko wala na yung lalaki na yon sa puso niya.

Ilang buwan akong naghintay na makuha ang oo niya, pero habang naghihintay ako, may nanalo na pala.

Ang sakit mong mahalin, Professor Zenwildite.

Always you, Professor Zenwildite Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon