STEPH'S POV
Hindi na ulit nagkasalubong ang landas namin ni Jessie. Naging busy ako sa extra curricular activities sa school namin. Kilala kasi akong achiever sa school namin. Laban dito. Laban dyan. Hindi yung away ah. Hahahahah. Pero isa din ako sa kinatatakutan sa school namin. Maliban sa malaki akong bulas ay hindi ako umuurong sa mga labanan. Kaya napagkakamalan akong tomboy dahil sa angas at tapang ko. Pake ko sa kanila. Bugbugin ko pa sila isa isa eh. Hahahahaha charot lang. Kaliwa't kanan ang competitions ko. Math competition, science competition, HE(Home economics) competition. Meron pang badminton competition. Favorite ako ng mga nagiging teacher ko. Maliban sa kalog ako. Naasahan nila ako sa klase. Tagalista ng noisy at taga pagtahimik sa klase. Lahat ng babangga sakin. It's either magiging alagad ko or pinagaguidance ako. Kaya kahit ang dami kong achievements hindi pa din ako nagiging top notcher sa klase. Hindi ko alam na may bearing pala ang ugali. Hahahahaha.
Pansin naman na masyado akong bida bida diba? Charot. Dahil dyan halos buong school namin kilala ako. May mga takot sakin. May mga naangasan sakin. May nabibilib sakin. May naiinis sakin. Ehhhh pake ko sa kanila. Hahahaha wala naman silang ambag sa buhay ko. Nagpatuloy lahat ng yun hanggang matapos ako ng Grade 6. Nakakapanlumo lang kasi hindi ako ang valedictorian. Kasi may mga requirements akong hindi naipasa dahil sa dami ng mga pinagagawa sakin sa school. Kulang na lang gawin na nila akong principal eh. Hahahahaha. Pero yung ugali ko never nagbago. Hinahanap niyo si Trish? Ayun nung Grade 4 nagkaiba na kami ng section. Masyado ko daw ginalingan eh. Kaya tumaas section ko. Siya, nagmaintain. Okay pa naman yung communication namin magkaibigan. Pero habang tumatagal. Mas tumutumal. Naiintindihan ko naman kasi iba na yung mundo ko. Iba na din yung mundo niya. Hindi na natin mapipigilan yung pagtanda at pagmature natin. Nag iiba na ng priorities.
Fast forward tayo....
So April na. Kailangan ko na mag enroll sa bago kong school. Masyado akong excited nun so maaga akong nagising. Nagulat sakin si Mama.
"Oh anak ang aga aga mo ah. Alas sais pa lang. Alas nuwebe pa enrollment niyo ah. Teka nga ipaghahanda kita ng makakain" ang sabi ni Mama.
"Eh Mama, alam mo namang bida bida ako eh. Tapos bagong school pa yun. Kailangan ko maging maaga para maikot ko na agad yung bago kong paghaharian hahahaha" pagyayabang ko kay Mama.
"Ay nako Steph, umiwas ka sa gulo ah. Dadagdagan mo pa ba yang peklat mo sa katawan. Para ka ng may tattoo dyan sa ginagawa mo ah. Parang hindi ka babae sa ginagawa mo ah. Anak. Dalaga ka na. Paano ka magkakaboyfriend niyan kung ganyan ka pa din kumilos. Jusko kang bata ka. Lalo akong tumatanda sayo eh" sermon ni Mama habang pinaghahain ako ng almusal.
"Hay nako Ma. Saka na yang boyfriend boyfriend na yan. Sagabal lang sa pangarap ko yan. Tsaka kita mo naman yung itsura ko. Sino magkakagusto sakin? Pangit na mataba pa. Hahahaha joker ka talaga Mama ah. Kain na nga tayo! Sabayan mo na me hihi" paglalambing ko kay Mama.
"Ikaw ang pinakamagandang babae anak ko. Makikita din ng tamang lalaki yang kabutihan sa puso mo. Hayaan mo darating din yan. Kasi sa kabila ng angas mo, nandyan yung napakalambot mong puso. Mahal na mahal kita anak ko." Pag lalambing ni Mama.
"Ihhh ang cheesy mo Ma. Hahahaha. I love you too. O sya ligo na muna ako Ma ah." Pagmamadali ko dahil excited na ako sa bago kong school.
Natapos na akong maligo. Dali dali kong sinuot ang paborito kong damit. Jeans na itim, polo shirt na blue. Rubber shoes na white. Kinuha ko na ang susi ng motor ko. Nagsuot ako ng helmet at good to go na. Kinaripas ko ng maneho papunta sa bago kong school. Sobrang lapad ng ngiti ko pagdating ko dito. Dali dali kong pinarada ang motor ko at masayang sumisipol habang naglalakad sa school ground ng bago kong school.
"Summerville Science High School. Ang sosyal talaga ng pangalan ng school ko. Dungisan ko nga. Hahahahaha" habang pabirong nag iisip ng kalokohan na gagawin ko ss loob ng eskwelahang ito.
Sa sobrang tuwa ko sa mga naiisip kong kalokohan. Hindi ko napansin na may tao pala sa harap ko. Parang pamilyar sakin yung mukha niya pero hindi ko maalala kung saan. Natamaan ko siya. Magsosorry na sana ako pero bigla siyang umattitude.
"Ano ba naman yan. Tumingin tingin ka nga sa dinadaanan mo." Padabog siyang umalis.
Natulala ako sa ginawa niya. At unti unti nagsync in na sakin yung mga sinabi niya.
"Walang hiyang lalaki yun. Kala mo kung sino. Nako wag lang magtatagpo landas natin. Sisirain ko buong buhay niya sa school na to. Makakatikim siya sakin" halos nag aapoy na ang tenga ko sa galit.
(A/N: Im backkkk. Hahahaha. Napagdesisyunan kong balikan tong ginagawa ko at tapusin na. Salamat sa aking pinakamaliit na kaibigan sa pagsupport sakin. Sana supportaha niyo rin to hanggang dulo. Hinding hindi ko kayo bibiguin. Bibigyan ko kayo ng magandang istorya. Mag iingat kayong lahat sa COVID-19 ah. Laging maghuhugas ng kamay at lalakasan ang resistensya. At higit sa lahat, laging magdadasal. Byeeers 😘)
BINABASA MO ANG
Promise, until the end
Teen FictionHindi natin alam kung kailan tayo iibig. Hindi natin alam kung hanggang saan tayo mananatili sa paghihintay. Hindi natin alam kung may hinihintay pa tayo. Ang alam lang natin na lahat ng pag-ibig may nakalaan. Hindi mo lang alam kung kanino, kailan...