LORINE POV:
"Myghod! wala ka ba talagang balak mag ayos man lang kahit make up or blush on?" tanong sakin ni Krizy. "para may kakulay naman yang hitsura mo. Try this." sinubukan niyang maglagay sa aking mukha ng blush on ngunit tumanggi ako at inilayo ng kaunti ang mukha.
"Kailangan pa ba? Magba-bike nga lang tayo magme-make up pa." Sagot ko
Pabagsak niyang nilapag ang make up brush sa lalagyan nito. Umaaktong nagtatampo dahil hindi ko sinusunod ang gusto niya.
"Sinasabi ko sa'yo kapag may pogi kang makasalubong mamaya tapos hindi ka prepared."
Pairap akong lumingon sa kanya. Sinandal ko ang magkabilang kamay sa lamesang kaharap namin. "Iyan nanaman tayo sa lalaki na 'yan. Ano bang mapapala ko diyan?" Bumaling na ako sa salamin, tinuloy nang tinali ang buhok kong mahaba.
"Girl! Halos umabot ng taon kanang single! Masyado ka namang business minded. Kumilala ka naman! Ang boring naman ng life mo!"
Tiningnan ko siya mula sa salamin. "hindi ko kawalan kung single ako. Actually mas masaya ako kapag walang iniintindi." Sagot ko. "kaya tara na." Dagdag ko matapos itali ang buhok, sunod akong naglakad paalis at sumunod naman siya.
Lumabas na kami ng condo. Nakasuot ako ng sports bra at sinamahan ko ng puting sando at shorts naman for my bottom. Dumaan nga pala siya dito ngayon dahil niyaya ko siyang mag bike. Gusto ko lang malibang. Puro stress na lang ang nahaharap ko this past few days. Mabuti at day off ko sa trabaho ngayon.
Bestfriend ko si Krizzy simula nung college pa kami. Palagi na kaming magkasama kahit noon pa lang. Hanggang ngayon nagkakaroon pa rin kami ng tyansang magkasama muli. Paminsan ay nakukulitan rin ako dito. Masyado siyang atat na magka boyfriend ako! Alam kong kilala at alam niya ang mga napala ko sa mga ex ko noon. Tapos siya pa ang idadala ako sa pahamak ngayon.
Nakarating na kami sa open park. Nagrent agad kami ng bike. Matagal na rin ako hindi nakakapag bike dahil busy na sa trabaho. Ngayon lang nagkatime ulit.
"Lorine." Tawag niya sa akin. Nilingon ko siya. "Tumatanggap ka ba ng reto?" Tanong niya habang malawak ang ngiti. Umiba agad ang timpla ng mukha ko nang marinig ko ang salitang 'reto'. Nawalan agad ako ng interes.
"Tsk! Tigilan mo 'yan. Wala tayong mapapala diyan."
Nakuha ko na rin ang bike na nirenta ko kaya agad ko na iyon pinatakbo. Nakasunod naman siya sa akin sakay ang sa kanya.
"Masyadong pabebe. Wala kang mapapala diyan." Habol niya. Magkasunod kami ngayon.
Bumitaw ako ng hininga. Naka-shades rin ako para hindi madaling mapuwing ang mata ko.
"Oh e, sino naman 'yang irereto mo? Siguraduhin mo lang na worth it na lalaki 'yan. Kapag hindi, sa 'yo na lang 'yan."
"Kaibigan ni Vince, nakita ko siya kahapon sa birthday party na ginanap sa Vrecks. Tangina pogi teh! Tapos 'yung tinanong ko, single raw. Haha! Bagay kayo. Kung single lang ako, papatulan ko na 'yun."
Wala naman akong interes na naramdaman. Nawawalan na talaga ako ng interes sa mga lalaki na 'yan.
"Professional civil engineer. Matangkad, gwapo, husband material, ang ganda ng katawan, tapos ang disenteng tingnan, mukhang mabait! Parang siya 'yung nagmamay ari ng lahat ng lupa dito sa pilipinas, yung mga ganon! Kung ako sa'yo, take the chance! Or lose it?" Dagdag niya pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/323277448-288-k965223.jpg)
YOU ARE READING
Love Wins Than Hatred (COMPLETED)
RomanceThey are both happily inloved, but why it turns into hatred? Lorine is a business minded person. She was always with her bestfriend, Krizzy. She always tend to dream big and achieve her goals not just as a manager of a restaurant. Ngunit pagdating n...