CHAPTER 15

9 0 0
                                    

Nanatiling nakaawang ang labi ko sa biglaan niyang pagsulpot. The anger formed in his face. And that made me nervous. It looks like his anger may want to explode anytime.

Nanakit ang mata ko nang may lumabas na luha. Pansin ko ang naluluhang mata ni Cholo.

He saw uuuss for f*cking devil!

"Putang-"

Agad niyang sinugod si Garrett at deretso niya itong sinuntok sa mukha. Lumaki ang mata ko.

"Cholo!" sinusubukan kong lumapit sa kanila ngunit hindi ko masingit ang aking sarili dahil sa sobrang lakas ng pagbugbog niya rito.

Malakas rin ang suntok na ibinigay ni Garrett kay Cholo pabalik. My tears fell down. Hindi ko maipaliwanag ang kabog ng dibdib ko.

"Tama na yan Cholo ano ba! Makinig ka naman sakin!"

But he didn't listen to me. Tinutuloy niya lamang ang pagbugbog niya kay Garrett na para bang sa kanya niya lahat ibinubuhos ang galit niya.

"Ilang beses ka pa bang pagsabihan para layuan mo yung fiancé ko!!" galit niyang sabi rito.

Hanggang sa natapon na si Garret sa damuhan dahil sa malakas siyang tinulak nito. Ngayon ko lang siyang nakita na naging agresibo sa galit gaya ngayon sa nakikita ko. Sa bawat suntok na binigay niya kay Garrett ay parang wala sa oras ay mapatay na niya ito. Doon ako natakot, wala akong lakas para pigilan sila. Sumigaw ako ng tulong. Hanggang sa may dumating na dalawang guard ay doon pa sila tumigil.

I let out a cry. Hinarangan ko siya mula kay Garett. Galit na galit at mabilis ang bawat paghinga nito. Ako na ang nasasaktan sa ginagawa niya. Lumapit ang mga guard kay Garrett at pansin ko ang dumudugo niyang mukha.

Nang makita ko ang epekto ng ginawa niya ay hindi ko napigilan ang kamay kong malakas na lumipad sa mukha ni Cholo. Nagulat naman siya sa sampal na binigay ko. Pulang pula ang pisngi niya at puno ng puot ang ekspresyon ng kanyang mata. Doon pa ako nagising, bakit ko siya nasampal...

God, no... Bakit ko ginawa 'yon?!

May mga taong dumating galing sa loob at nawala ang tingin ko kay Cholo, nasaksihan ang madugong pag aaway nila at nagulat pa sa naging hitsura ni Garrett.

"Lorine!" agad na may lumapit sakin. Si Krizzy. Nang makalapit siya sa amin ay tumingin siya kay Cholo.

"Engineer look what you did! What happened to you? Bakit dito? " she was like getting confused from what happen.

Tiningnan lang siya ni Cholo at hindi na sumagot. Alam kong may iniipon pa rin siyang poot, pinipigilan niya lang.

May iba ring lumapit sa gawi namin. Pansin ko na si maam Flor iyon.

"Anong kahihiyan ito Lorine? And Engineer Calvillo? What is your right to flog our visitor!"

Hinarap ko si maam Flor. "Maam, i'm really sorry. Ako po yung may kasalanan-"

Hindi ko natuloy ang nais kong sabihin nang maramdaman ko ang paghawak ni Cholo sa braso ko. Alam kong pinipigilan niya akong magsalita.

"I'm sorry. That's was just a sudden attack." walang gana niyang sagot. Na para bang wala siyang nararamdamang konsensya at tama na sinaktan niya si Garrett. "walang kinalaman dito si Lorine. I'm sorry again."

Binigyan siya ni maam Flor ng hindi makapaniwalang tingin. "I thought you're a good man. Pero may tinatago ka pa lang kasamaan? At anong rason mo para saktan si Mr. De Lapaz? He is our special visitor and you have no respect!"

"Maam, maam." nilapitan ko si maam Flor upang siya ay mapigilan. I hold her hand. "i'm sorry.. I can fixed it. May kasalanan rin si Mr. De Lapaz and it's confidential. Can we just forget about the trouble. Ako ang mag aayos nito. I'm sorry po."

Love Wins Than Hatred (COMPLETED)Where stories live. Discover now