ZYLIE
"Okay, so anong gagawin ko ngayon?" Pinalibot ko ang paningin sa buong venue. Wala na akong ginawa magmula nang dumating ako rito bukod sa makipag-usap sa debutant, si Yvonne, sa mga pinsan at kaibigan ni Ivos.
Speaking of Ivos, hindi ko naman siya ma-solo dahil napakarami niyang kausap na bisita. No offense naman kay Vonni pero pumunta lang ata talaga ako rito para sa kuya niya. Nakakatawa, pagkatapos kong i-deny ang lahat, mauuwi rin pala ako sa pag-amin na gusto ko talaga siya. Hindi ko alam kung kailan at mas lalong hindi ko alam kung paano.
"Hello, Zylie!" My gaze lifted when I heard someone calling me. Ngumiti ako pagkatapos batiin ni Angelica. Hindi pa nagtatagal nang dumating siya pero ngayon lang siya pumunta sa gawi namin ng mga kaibigan nila. Napakarami niya ring binating bisita.
Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko hinangaan ang ganda niya. She looks sophisticated and elegant most of the times. Nakadala rin ang mahaba at natural na straight and silky niyang black hair. She looks like she jump out straight from a magazine.
"What's up, Geli! Habang tumatagal mas lalo mong nagiging ka-vibes ang Ate ni Dao Ming Si." Nagtawanan ang lahat sa biro ni Ian. Nagyakapan sila ni Angelica na umiiling-iling lang.
Binalingan niya ng tingin si Kyla. "Bakit mo ba pinatulan 'to?" Nanunuyang aniya.
Ngumiti si Kyla. "Mahal ko kasi." Napuno ng kantyawan ang buong paligid sa naging sagot nito. Mukhang tanga namang kinikilig itong si Ian na sinusundot-sundot pa ang jowa.
"Oh please." Angelica rolled her eyes kaya natawa ang nakakarami. Nagulat ako nang balingan niya ako bigla ng tingin. Napahinga nalang ako ng malalim dahil ngumiti ito sa akin. She looks intimidating but very kind kapag ngumingiti na. "It's nice to see you here, Zylie.
Ngumiti rin ako. "Likewise."
"Oh by the way, where is Ivos?" Luminga-linga ito sa paligid habang nakakunot na ang noo. "Hindi ka dapat naiwan ditong mag-isa. Wait for me. Hahanapin ko muna siya."
Sinundan ko siya ng tingin dahil ang sama na talaga ng tingin nito at nakitang nahagip na pala ng mata niya si Ivos. "Ah.. okay lang naman ako." Tumingin ito sa akin. "Promise! Ako rin naman ang nagsabi kay Ivos na i-entertain niya ang ibang guests nila. I'm really fine, Angelica."
"You sure?"
"Sure na sure,"
"Okay." Ngumiti ito kaya nawala na ang kaba ko. "One favor, Zylie. Can you call me Geli nalang? I don't like being called by Angelica kasi it sounds so formal." Napirap ito sa hangin kaya hindi ko napigilang matawa.
"Alright. Then, call me Zy nalang din."
"Zy." Tumango-tango ito. "I like it."
Pagkatapos ang munting kwentuhan naming dalawa, nagpaalam din ito dahil tinawag siya ng mga magulang niya dahil may ipakikilala. I'm glad she was able to accompany kanina, she's really kind. She made sure na makakasabay ako sa lahat ng chika ng mga pinsan niya. Hindi ko lang maiwasan sa tuwing natutukso siya kay Ivos. I can see that it does not bother her, iniismiran nga niya lang lahat ng panunukso sa kaniya. Pero nakikita ko rin kung bakit siya tinutukso ng mga tao kay Ivos.
She's the perfect pair for Ivos.
Sumimangot ako sa mga sarili kong naiisip at skaa kumuha ng maiinom. Tinungga ko ito ng isahan kaya halos matumba pa ako. Alam ko naman na mababa ang alcohol tolerance ko pero dahil mukha akong tanga na nag e-emote sa wala, uminom lang ako ng uminom. Mas lalong lumakas ang pakiramdam ko na hindi ako tinatablan ng alak dahil alcohol free ng twice ang pinatugtog nila.
"Ay kabayo!" Napasigaw ako nang muntik ko na mahulog ang boteng tinutungga ko kanina dahil may biglang humawak sa magkabilang balikat ko. "Ano ba!?" iritang saad ko at saka nilingon ang likuran ko at nakita ko si Ivos na magkasalubong na ang kilay.
Tinalikuran ko ito ngunit nawalan ako ng balanse dahilan para matumba ako ngunit agad niya naman akong nasalo. "Are you drunk?"
Tumawa ako at saka iwinasiwas ang kamay ko sa ere. "Hindi. Ano ka ba? Malakas yata 'to." Napahawak ako sa sintido ko nang makaramdam ako ng pagkahilo.
"You are definitely drunk." I heard Yvos sighed. Hinila niya ang pulsuhan ko kaya natigilan ako. "Sumama ka sa'kin. You need to sober up."
Hindi na ako umangal at hinayaan nalang siyang hilahin ako kahit saan dahil nahihilo na rin talaga ako. Nakakainis, ang bilis ko talaga tablan ng alak. Dinala niya ako sa may garden at inalalayan akong maupo sa bench. Umayos ako ng upo at sabay sandal sa sandalan. Yumuko si Ivos at saka tinanggal ang heels na suot ko.
"Ano bang pumasok sa isip mo at nagpakalasing ka?" Tumingala ito sa'kin at itinabi ang isa sa mga heels ko na natanggal na. "You know well na you can't handle heavy drinks." Patuloy na sermon nito.
Marami pa siyang sinabi na hindi ko pinakinggan dahil wala akong gana. Mas malala pa ang isang 'to kung talakan ako, parang nanay ko lang. Umalis ito at pagbalik niya may dala na siyang bottled water at gamot. Umupo ito sa tabi ko kaya napilitan akong umusog.
"Here, take this." Inilahad nito ang gamot at tubig ba agad kong tinanggap.
"Salamat." Ininom ko agad ang gamot at pagkatapos ay uminom na rin ako ng tubig.
"Are you feeling better?"
"Kita mo namang kakainom ko lang ng gamot, nagtatanong ka na. Ano ba sa tingin mo, within five seconds e-epekto na 'to?"
"Well, you can't blame me. Alam mo naman sigurong nag-aalala ako."
"Tigilan mo 'yan." I chuckled. Naramdaman kong nilingon nito ang gawi ko. "Mas lalo lang kitang nagugustuhan."
Silence.
Dahan-dahan nanglaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Hindi ko alam kong dahil ba sa gamot pero bigla akong tinakasan ng kalasingan na hindi ko ipinagpapasalamat.
What the fuck, Zylie!? Did you just confessed?
Hinarap ako ni Ivos at seryosong tiningnan sa mata. "What did you say?"
Huminga ako ng malalim. Tutal nadulas na naman ako. Paninidigan ko na. "Gusto kita. Okay? I like you, Ivos." Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang ko pero diretso ko siyang tiningnan sa mata. "So please stop. Stop being so nice with me kasi-"
"Shh." Sumimangot ako nang takpan nito ang bibig ko gamit ang hintuturo niya. "You talk to much."
Hindi makapaniwala akong suminghap. "What the hell? Just, what the hell?"
Nilingon ako nito at saka siya ngumiti. " I like you too, Zy."
YOU ARE READING
Cafè Dare (Epistolary)
RomanceEpistolary #1: Cafè Dare An epistolary in which Zylie gave her phone number to a random guy inside a cafe as a dare.