Peaceful ang paghihiwalay namin ng kasintahan ko. Walang sumbatan na naganap dahil napagkasunduaan namin na pagkatapos ng paghihiwalay namin ay magiging magkaibigan kami para hindi mapunta sa wala ang pinagsamahan namin. At noong nalaman ng lahat na wala na kami ay agad na ipinagduldulan ng bakla kong kaklase ang bestfriend niya sa ex boyfriend ko. Alam ko na wala na kami pero ang narararamdaman ko sa kanya ay hindi parin kumukupas.
Hirap na hirap na ako dahil palagi na lang finiflinng ang ex ko sa top 1 sa klase namin. Wala naman akong magagawa kundi ang manahimik at itago ang aking mga narararamdaman. Ang sakit-sakit lang kasi dahil hinawalayan niya ko para raw makapag- isip siya at kailangan niya ng full space. Hindi ko talaga siya maintindihan dahil pwede namang cool off lang pero bakit break up pa talaga ang gusto niya?..MInsan napapaisap ako, namimis niya kaya ang pagiging single? O sadyang hindi na niya talaga ako mahal? Alam niyang sobra ko siyang minahal tapos basta-basta niya lang akong iiwan?
Sa araw-araw na pagpasok ko sa paaralan ay araw-araw din na nadudurog ang puso ko, nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko at mas lalo na pag economics ang subject dahil magkatabi kami ng upuan. Kung kaya ko lang talagang turuan ang puso ko na kalimutan na siya ay matagal ko na sana itong ginawa. Ganito ba talaga magmahal? Masarap pero masakit!!!
Mahigit isang buwan na kaming hiwalay pero mahal na mahal ko parin siya at nandiyan parin ang sakit ng paghihiwalay.. Di ko na talaga alam ang gagawin ko.
Isang araw nilapitan niya ako at sinabi niyang mahal niya parin daw ako at kung pwede raw ba niya akong balikan...hindi ako kumibo dahil takot na akong masaktan pa ulit, hindi ko na talaga kaya lalo na't hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o isang palabas lang...
Ngayon, natuto na aako na huwag munang magmahal ng sobra lalo na't bata pa naman ako ang marami pang darating.. Handa na ako na kalimutan siya at ililibing ko na ang aming mga alaala para hindi na akomasaktan pa.....