Chapter 3 Kaya ba siya at di ako??

79 6 0
                                    

Sharmaine's POV 

Lumakad na ako papalayo kay Adrian. Madame pa rin kase akong tatapusin kaya minabuti ko nang wag nang sumabay sa bestfriend ko.

Nung first time kong mameet si Jane, ang gaan na ng loob ko sa kanya. Yung tipo niya kasi parang yung ate ko, si ate Bea na nagpunta na ng US to fulfill her dreams, gusto niya kasing maging isang sikat na model. Kaya yun, trying hard para makuha. Maganda kase si ate. Matalino at mabait pa.

     >>>>>>>>>>FLASHBACK<<<<<<<<<<<

Bestie, Bestie, andyan ka ba?." sabi ni Adrian habang kumakatok sa pintuan nang kwarto ko.

Nakahiga pa rin ako nun, sobrang inaantok pa kasi. Masama rin kasi ang pakiramdam ko nun kaya absent ako.  Kumatok pa rin nang kumatok si Adrian, hanggang sa tumigil na siya. Nagulat naman ako kasi tumigil siya sa pagkatok, kaya bumangon na rin ako sa higaan ko para tignan kung nasaan siya, pero, bago pa man ako makatayo sa higaan ko, may biglang yumakap sa akin nang mahigpit. Alam ko nang si Adrian toh, kaya I stayed still. Sana habang buhay na lang kameng ganito noh. haaaaaay!.

"Bestie na miss kita. Kamusta na pakiramdam mo?." Adrian.

Napatingin lang ako sa kanya and gave him a weak smile. Sobrang natouch kasi ako sa pagpunta niya sa bahay namen para lang bisitahin ako.

"Ah, Adrian, salamat sa thoughtfulness mo, pumunta ka pa dito para bisitahin ako." sabi ko nang inaayos ang upo ko sa higaan. 

Tumingin siya sa akin atsaka ginulo ang buhok ko.

"Anu ka ba?, malamang bibisitahin kita, kasi bestfriend kita eh. Kung anu mang mangyare sayo, magaalala talaga ako." sabi niya sa akin na umupo na rin sa tabi ko.

"Salamat talaga ah. Salamat sa pagiging totoong Bestie mo sa akin Adrian." Ako.

Niyakap na naman niya ako bigla, kaya i hugged him back na lang para di halatang nagulat ako. Bumaba na kami papuntang living room, pinaupo ko muna si Adrian sa may sala atsaka tinawag si manang para maghanda nang makakain namen.

"Manang, Pahanda naman po nang merienda para sa aming dalawa ni Adrian." Ako.

"Oh, sige hiya, sandali lang ah." Manang.

"Salamat po, antayin na lang po namen dito sa may sala." Ako.

Pumunta na ulit ako sa may sala para balikan si Adrian, pero, pagbalik ko, Nakita ko si ate pati si Adrian na masayang nagkwekwentuhan. Kitang-kita ko ang mga ngiti ni Adrian habang kakwentuhan ang ate. Alam ko namang masaya lang talaga kasama ang ate ko, pero bakit ganun? Parang iba ang dating ng mga tingin na yon ni Adrian kay Ate Bea. Sa bawat titig niya kay ate, hinihiling ko na sana ako na lang ang tinitignan niya nang ganon. MASAKIT ISIPIN. NAKAKASELOS.

"Oh, Sharmaine, gising ka na pala, kanina pa yata naghiintay sayo tong bestfriend mo para sayo." sabi ni ate bea sa akin.

Nginitian ko na lang si ate.

"Muka nga eh, binulabog ba naman ako sa kwarto ko kanina." Ako.

Tumingin lang sa akin si Adrian, Atsaka tumawa. Tumayo siya at nilapitan ako pagkababa ko ng stairs.

"Eto talagang bestfriend ko ang cute-cute." sabi niya habang pinipisil yung pisngi ko.

"Nakooo, Adrian Castillo, tigilan mo yang pambobola sa akin ah." sabi ko sa kanya, habang umuupo sa sofa.

Umupo siya sa tabi ko atsaka tumingin nang nagpapacute. Arrrrgggggh! kainis naman Adrian, ayoko nang ganyang mga tingin mo sa akin eh. Dahil sa nauumay na ako, binatukan ko na lang siya atsaka tumawa.

"Bakit mo naman ako binatukan?." Adrian.

"Kaseee naman eh, alam mo na ngang ayoko nang ganung mga tingin eh." Ako.

Nakatingin lang sa amin si ate na mukhang nageenjoy sa ginagawa namen.

"Nakakatuwa naman kayo magharutan, sana hanggang ngayon kasama ko pa rin yung bestfriend kung lalaki, para apat tayo ngayon na masaya." sabi ni ate sa amen nang malungkot ang boses.

"Anu ka ba ate, kahit naman tayo lang tatlo masaya naman eh." Ako.

Ngumiti lang si ate, atsaka umakyat ng stairs papunta sa kwarto niya. Alam ko kung sino ang tinutukoy ni ate. Si Kuya Chris. Yung first love niya na bestfriend pa. Parang Sharmaine lang ang peg di ba? Magkapatid nga kame talaga.

Nagusap lang kame ni Adrian pagkatapos umalis ni Ate.

             ..............2 hours later...............

"Oh, Adrian, di ka pa ba uuwi, magpapahinga na kasi ako para makapasok na ako bukas." Ako.

"Uuwi na rin ako, nagtext na rin sa akin si mommy eh." Adrian.

Hinatid ko siya palabas nang gate nang bahay namen, atsaka siya sumakay nang kotse nila.

Pagkahatid ko sa kanya, umakyat na rin ako sa kwarto. Ewan ko ba kung bakit pagkahiga ko sa kama ko, si Adrian agad ang pumasok sa isip ko. Ang saya-saya talaga at hindi nasasayang ang oras kapag yung mahal mo ang kasama mo. Kung bakit ka pa kasi dumating sa buhay ko Adrian eh, tuloy, minahal kita. Haaaayyyy!!

   >>>>>>>END OF FLASHBACK

Pagkarating ko sa bahay, dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Napaisip nanaman ako, at this time si Adrian na naman ang iniisip ko.

Iniisip ko na baka sa pagpapaalala ni Jane sa ate kong si Bea sa akin ay masaktan na naman ako katulad ng dati. Alam ko naman kase na may gusto si Adrian sa ate ko kahit hindi niya sabihin eh. At ngayon, alam ko din na may gusto na siya kahit papaano kay Jane. Siguro, bestfriend's instinct. Pero, ayoko na ulit masaktan ng kagaya ng dati. Ayoko na. Siguro ang pwede ko lang magawa ay iwasan ang siya para hindi na tumindi itong nararamdaman ko para sa kanya. Pero, ayoko rin naman siyang masaktan. Ayokong maging selfish, kung saan  sariling feelings ko lang ang inaalala ko.

Haaayyyy. Ang hirap talaga lumagay sa ganitong sitwasyon. 

Paano kung pati si Jane eh may feelings na rin para kay Adrian?? Nako, wala na kong panalo diyan. Isang hamak na bestfriend lang naman ako ni Adrian eh. Wala akong karapatang magreklamo o magdemand ng kung ano. Hindi rin naman niya ako kayang mahalin na gaya ng pagmamahal ko sa kanya. For sure naman, di niya ako type noh! Hanggang pagiging magbestfriends lang ang turing niya sa akin.

Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano mawawala ang nararamdaman kong feelings para kay Adrian. PARA SA BESTFRIEND KONG MATAGAL KO NG NILOLOKO. Hindi ko kasi magawang sabihin ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.

Ayoko na kaseng masaktan. :""(((((

A/N: Sorry for late update!! :)) Marame kaseng pinuntahan with family this first week of vacation. Pagbigyan, minsan lang makagala eh.. :)))

Iba kpag kay Bestie nainlove &lt;3Where stories live. Discover now