_______________________________________
Wild Fire
_______________________________________3rd persons pov.
Napabangon si Edgar nang maamoy niya ang sunog napatingin siya sa paligid pero halos wala siya makita kundi puro usok lamang.
"Inay! Lia!" tawag nito sa ina't kapatid hindi niya batid na katabi niya ang kaniyang kapatid na natutulog lamang sa kama.
Agad lumabas ang binata sa kwarto at hinanap ng kaniyang ina at nagbabakasakali itong naroon ang kaniyang kapatid.
Kahit lagi silang nag-aaway ay labis-labis ang pagmamahal ni Edgar sa kapatid kahit batid nitong hindi sila magkadugo.
"EDGAR!" sigaw ng Ina nila nang buksan nito ang pintuan agad nitong niyakap ang anak.
"Nasaan ang kapatid mo?" tanong nito
"Hindi ko po alam!" sagot nito sa tanong ng Ina parang binuhusan ng malamig na tubig si Edgar nang maalala niyan naiwan niya si Lia sa kwarto.
*Crack!
Napatingin sila ng sabay sa kisame at nakita nila guguho na ito kaya agad siya nitong niyakap ng Ina upang protektahan ang anak sa nakaambang panganig.
Lia's pov.
Napabangon ako nang amoy ko yung sunig kaya dali-dali kung ginising si Kuya.
"Kuya! Gi----sing." agad binalot ng kalungkutan nang napagtanto niya iniwanan siya ng kapatid.
Agad akong tumakbo palabas ng kwarto nang makita ko si Inay na nakahiga sa sahig na duguan ang kaniyang ulo.
Agad kong binuhat ang kabinet na nakatabon sa katawan niya pero hindi ko magawa dahil mabigat ang kabinet namin at maliit ang katawan ko.
"A-anak, tumakas ka n-na." utos sa akin ni Inay kahit nahihirapan.
"Ayoko! Hindi kita iiwan, Inay!" naiiyak kong sabi
"*ubo! *ubo! Yung k-kuya m-mo." nanghihinang sambit lumabas ang dugo mula sa bibig niya.
"L-ligtas a-ng kuya mo. H-huwag kang mag-alala." sabi niya na may lungkot sa ngiti niya nanatiling nakamulat ang mata niya at hindi na ito sumara pa na ibig sabihin ay wala na ang inang nagmahal sa akin at nagaruga.
"INAY! WAG MO KONG IWAN! PAKI-USAP!" sigaw ko na punong-puno ng pagluluksa habang kayakap ang Inay ko.
"P-pakiusap ayo-kong mai-wang mag-isa." bulong ko lumabas ako ng bahay at hinanap si Kuya.
Lahat ng tao ay tumatakbo para takasan o maiwasan ang umaalab na apoy upang hindi masunog ng buhay pero may nakita akong isang batang halos kasing edad ko lang.
Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang bahay naming nasusunog.
Nagkatinginan kaming dalawa at napatulala siya nang makita ako.
Napatingin ako sa hawak niya at hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang laman ng baldeng hawak niya.
"ANIMAL KA!" sigaq ko agad ko siya sinugod pero tumakbo siya para takasan ako. Medyo mas matangkad siya sa akin kaya mabilis siya nakatakas at nawala sa paningin ko.
Hinanap ko siya sa kakahuyan at nakita ko si Copper na kinakausap ng lalaking sumunog sa bahay namin kaya agad akong nagtago.
"Did you do it?" tanong ni Copper
"I did, BIG BROTHER. And it was fun seeing your friends escaping death and to winess their mother's death HAHAHA!" natutuwang sambit nito
Agad akong umalis sa lugar na iyon tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ako tumigil sa pagtakbo habang umiiyak.
Ang tinuturi kong kaibigan ang nagwasak sa masayang pamilya namin.
At walang ibang sisihin dito kundi si Edgar! Hinding-hindi ko na siya tatawaging Kuya dahil traydor siya.
Pagkatapos siyang palamunin, inalagaan, at minahal ni Inay ITO PA ANG IGAGANTI NIYA!
Sa kahuli-hulihang hininga ni Inay ay naging masaya ito na ligtas si Kuya sa kabila nang pang-iiwan nito sa amin.
HAYOP SIYA! Ang sakit-sakit na ang sarili ko pang kapatid ang gumawa sa akin nito!
HINDING-HINDI KO SIYA MAPAPATAWAD! HAHANAPIN KO SIYA AT KAPAG NAHANAP KO SIYA SISIGURADUHIN KONG AKO MISMO ANG PAPATAY SA KANIYA!
Ang sakit-sakit ng ginawa niya sa akin! Paano niya mamagawa sa amin yun?!
Umupo ako sa tabi ng puno at umiyak. Bakit pa kasi sa dami-dami taong pwedeng mamatay ay si Inay pa ang kinuha sa akin.
Kahit lagi kaming nag-aaway ng kapatid ko ay mahal na mahal ko yun kaya masakit para sa akin ang ginawa niyang pag-iwan sa amin.
At mas lalong masakit dahil siya rin ang dahilan kung bakit namatay si Inay kaya kahit kelan ay hinding-hindi ko siya mapapatawad.
Bumalik ako sa bahay namin mukhang napatay na ng mga bumbero ang apoy.
Mukhang nakuha na nila ang bangkay ni Inay at wala akong balak na kunin iyon dahil masakit para sa akin na makita ang malamig na bangkay ni Inay.
Pumasok ako sa silid ni Inay upang makakuha ng mga natitirang gamit ngunit may nakita maliit na kahon na nasa ilalim ng kama kaya agad kong kinuha iyon upang matignan ang laman na iyon.
May nakita akong kwintas na may red diamond at may maliit na papel sa ibaba ng kwintas kaya binasa ko iyon.
'Mahal kong Lia,
Kung ito ay iyong nakita o nabasa man lamang ay batid kong sa panahon na iyon ay wala na ako.
Marahil ay hindi ko pa nasasabi sa iyo na hindi ikaw ang aking tunay na anak sapagkat natagpuan lamang kita sa kagubatan.
Anak ka ng isang gorgon sapagkat may buntot ka ng ahas at may mala ahas din ang iyong buhok noong sanggol ka pa lamang.
Noong una ay natakot ako ngunit nakita ko nabigla naging tao ang iyong anyo ay kinuha kita upang alagaan ko na isang bagay na hindi nagawa ng iyong Ina.
Patawarin mo ako kung sa sulat ko lamang masabi sa iyo ang totoo dahil ayaw kong makitang nasasaktan ka kaya mas pinili ko na lamang itago ang katotohanan.
Natagpuan ko ang iyon Ina ngunit galit siya sa iyo at pinagtabuyan ka niya kaya nagdesisyon na lamang ako na ako na lamang mag-aalaga sa iyo.
Ngunit kahit hindi ka man nagmula sa akin ay may isang bagay akong hindi pa nasasabi sa iyo.
Na sa kabila ng lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko o hindi man ako ang nagluwal sa inyo ng kuya mo ay kayo na aking mga anak ay lubos kong pinamamalaki.
Nagmamahal ang iyong Ina,
Isabel'Yinakap ko ang kaniyang sulat at umupo sa sahig. Umiyak na lamang ako sa aking mga nabasa tumayo ako at lumabas na nang bahay pumunta ako sa gubat.
"MAGTAGO KA NA, KUYA. IISA-ISAHIN KO KAYO NG KAIBIGAN MO AT IDADAMAY KO ANG BUONG PAMILYA NIYA SA GINAWA NILA KAY INAY.
YOU ARE READING
Amazona
RastgeleSi Lia ay walong taong gulang na bata. Mahilig siyang makipag-away at halos araw-araw ay nagbabardagulan sila ng kuya niya. Hanggang sa isang araw ay nakilala niya ang matalik na kaibigan ng kuya niya na si Copper. Simula ng makilala niya ito doon n...