CHAPTER 7: GROW IN VAIN

1 0 0
                                    

*sa opisina ni President Choi, ang pamunuan ng New Boyband Superstar...

Jessa: Wow. Now this is what has been going on sa show na gagawin ko.

President Choi: Jessa I have nothing to do with this. Netizens ang pumili nito dahil kilalang TV personality si Athena. Sumusunod lang din naman ako sa mga netizens.

Jessa: Ano?! Wow. So mga netizens na pala ang nasusunod ngayon kaysa sa totoong artista eh noh?

President Choi: Of course. Kailangan nating sundin ang request nila dahil sa kanila nakasalalay ang kasikatan ng trabaho natin.

Jessa: Wow. For the first time dad, ngayon lang bumaba ang tingin ko sa inyo dad. All this time tinitingala ko kayo kasi kayo ang nagdala sa akin dito sa industriyang ito pero ano ito ngayon? Binabalewala mo na ako nang dahil sa Athenang yun? Dad, it's really unfair, you know.

President Choi: Edi sana hindi ka din gumawa ng paraan upang ibatikos ka at balewalain ng mga tao. Kung hindi mo lang sana sinabi ang lahat ng yun sa live mo, edi sana nasa sa'yo pa rin ang tiwala ko ngayon. Alam mo, hindi ka magiging successful na artista kapag hindi mo nirerespeto ang seniors mo. Kaya be formal okay? You're already 25, Jessa. Be matured enough!

Jessa: Wow. Whatever it takes, pababagsakin ko yang babaeng yan sa lupa. At wala kayong magagawa upang pigilan ako, arasso??

*saka naman lumabas si Jessa ng opisina na nagdadabog. Paglabas nya sa opisina...

(PRESIDENT CHOI: Hayst what am I going to do about her?..)

*sa boarding house nina Asher, Chester at Hayden, habang naghaharutan sina Chester at Hayden ay dumating si Asher na excited at may dala-dalang poster...

Hayden: Yah. What's with all the racket? Bakit ka masaya dyan ha?

Asher: Tol, eto na ang sagot sa mga panalangin mo tol.

Chester: Ha?

*saka naman pinakita ni Asher ang poster kina Chester at Hayden na sobrang ikinagulat ng dalawa...

Hayden: Tol, bagay ka dyan ah.

Chester: Oo nga. Tol tama ka nga. Mukhang eto na ang sagot sa mga panalangin ko.

Asher: Oo nga. Tol, ako na ang moral supporter mo ha?

Hayden: Ako din.

Chester: Pero, tingin nyo ba kaya ko to? Na makipagsapalaran dito? Eh in international TV nato eh. Baka naman first round palang ay talo na ako dito.

Asher: Tol, okay lang yan. At least you tried your best. Alam mong walang mawawala sa'yo kapag ginagawa mo palagi ang makakaya mo.

Hayden: At tol, sa galing mo pa namang yan, sigurado akong ikaw ang mananalo sa programang yan. Sigurado akong sisikat ka tol.

Chester: Oo sisikat ako. Sisikat sa katarantaduhan.

Asher: Basta tol, if ever na manalo ka nga talaga dyan, wag na wag mo lang kaming kakalimutan ni Hayden ha? Alam mo naman, hindi mo naman malalaman ang tungkol dyan kung hindi ko nakita ang poster diba?

Hayden: At tsaka tol, we're always rooting for you no matter what. Alam mo naman, manalo matalo, magkaibigan pa rin tayo diba?

Chester: Oo nga. Sige tol, try ako nito.

Hayden/Asher: Game!

*ilang araw pa bago nagsanay si Chester para sa kanyang pag-aaudition para sa New Boyband Superstar na gaganapin ang unang episode nito sa susunod na dalawang buwan. Madaming mga kalalakihan na umabot nga lang din sa 40,000 na entries ang sumubok ng pagkakataon na maging isang next boyband superstar ngunit sa 40,000 na yun ay 40 lamang ang nagtagumpay na pumasa sa audition. Sa boarding house ng tatlo, habang naglalaro sila ng cellphone ay may biglang notification na dumating sa cellphone ni Chester...

Chester: Yah. Naglalaro pa ako eh.

Asher: I-disregard mo muna dali. Kailangan ko ng backup dito oh.

Chester: Sandali.

*aalisin na sana ni Chester ang notification sa kanyang screen nang biglang...

Chester: Email ko?

Asher: Ha? Baka tungkol na yan sa audition mo. Dali basahin mo na.

Chester: Teka eh paano na yung laro natin?

Asher: Mag-respawn nalang tayo ulit. Ilang seconds pa din naman bago tayo mag-respawn eh.

Hayden: No need to say that.

*bigla nalang pinatay ng hero ni Hayden ang hero ni Asher sa kanilang laro...

Asher: Ang daya naman. Hindi pa nga ako ready eh.

Hayden: Yah. Pinaghahandaan ba ang kamatayan ha? Hahaha kusa lang yan dumarating ulol hahaha.

Asher: Bwiset. Dali na Chester basahin mo na.

Chester: Sige.

*pinuntahan ni Chester ang kanyang email at binasa ang email na dumating...

Asher: Oh ano daw ang sabi?

Chester: Mga tol...

Asher/Hayden: Bakit?

Chester: PASOK AKO SA AUDITION NG NEW BOYBAND SUPERSTAR!!!!

Asher/Hayden: Yah! For real?!

Chester: Oo. Basahin nyo dito dali!

*nagmamadali namang pumunta sina Asher at Hayden sa likod ni Chester upang basahin mismo ang email message...

Asher/Hayden: "Congratulations, Mr. Chester Han. You have just received an email message telling that you have passed the auditions for the New Boyband Superstar. Please come over at MBK Building for your photoshoot on Monday."

Asher: Tol tama nga. Nakapasa ka nga.

*saka naman sila nagdiwang at nagtatalon sa saya sa kanilang boarding house. CONGRATS, CHESTER!!! 🥳

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

THAT THING I CALLED FOREVERWhere stories live. Discover now